CHAPTER 1
Doc please parang awa niyo na po gawin niyo lahat ng magagawa niyo para mabuhay siya, pagsusumamo ng isang binata sa Doctor na naka-assign sa isang pasyente na nasa kritikal na
kalagayan.
Pawisan ang binata at halatang halata sa mukha nito ang labis na pag-aalala.
Levi, tawag ng isang may edad na lalake sa binata na kahit na may-edad na ay hindi parin nawawala ang kakisigan at ang kagwapuhan.
Tito, si Trish ang halos maluha luhang sabi ng binata.
Calm down ijo, everything will be fine. Manalig lang tayo sa Diyos.
Kamusta na ba ang anak ko? ang nag-aalalang tanung din ng Ginoo.
Hindi ko pa ho alam dahil halos kakapasok lang niya sa operating room sagot naman ng binata.
Its all my fault tito, kung hindi dahil sa akin,ako sana ang nasa kalagayan niya ngayon at hindi siya.
Ijo... ijo huminahon ka,isa pa nangyari na yan.At wala na rin tayong magagawa pa. At sa tingin ko kung sakali mang
ikaw ang nandun ganyan din ang sasabihin ng anak ko sabay tapik ni Mr.De Villa sa balikat ni Levi.Hindi rin niya
gugustuhing makita ka sa ganung kalagayan.
Kung hindi lang sana siya humarang para sa balang dapat na para sa akin ay ako sana ang nasa operating room ngayon
tito at mas gugustuhin ko pa po na ako yong nandun kesa si Trish. At hindi ko kakayanin kung sakali mang may mangyaring
masama sa kanya.Ikamamatay ko iyon tito.
Huwag kang magsalita ng ganyan ijo. Sa tingin mo ba matutuwa si Trish na marinig kang nagsasalita ng mga ganyang bagay?
Hindi niya gugustuhing makita kang ganyan at alam ko iyon ang labis na magpapalungkot sa anak ko.Alam ko kung gaano ka niya kamahal.
At alam ko na mas ginusto niyang siya ang tamaan ng bala kesa sa iyo.
Kaya magdasal na lamang tayo sa Diyos alam ko hindi niya pababayaan ang pinakamamahal kong anak.
Kaming dalawa na lamang ang magkasama simula ng mamatay ang kanyang Mama kaya sana'y maging maayos na ang kalagayan ng aking
anak, ang lihim na dasal ni Mr. De Villa.
Dahil siya na lang ang nagpapasaya sa akin.
Sa operating room naman ay hindi magkanda-ugaga ang mga Doctor sa kanilang pasyenteng si Trisha De Villa.
Doc ang pasyente po ang sabi ng isang nurse.
-------
Sa labas naman ng operating room ay inip na inip na naghihintay si Levi at ang Papa ni Trish na si Mr. De Villa.
Lumabas na ang Doctor sa operating room at bakas sa mukha nito ang hindi magandang balita.
Agad agad namang tumayo si Levi mula sa pagkakaupo para salubungin at tanungin ang Doctor at ganun din si Mr. De Villa.
Doc kamusta na po siya? tanung ni Levi sa Doctor.
Ako ho ang ama ng pasyente niyo pagpapakilala naman ni Mr. De Villa sa Doctor.
Kamusta na ho ba ang kalagayan ng anak ko? nag-aalalang tanung ni Mr. De Villa.
Sad to tell you sir pero ginawa na ho namin ang lahat ng magagawa namin pero-
Pero ano Doc? sabay hawak sa magkabilang balikat ng Doctor ni Levi. Magsalita ho kayo ang medyo napapalakas ng boses ng binata.
Huminahon ka ijo,bitiwan mo ang doctor ang pakiusap ni Mr. De villa.
I'm really sorry sir, ijo dahil wala na po kaming nagawa. Masyadong kumplikado ang tama ng inyong anak kaya naman ito ang naging dahilan kung bakit hindi na namin siya nagawang iligtas. Ginawa na ho namin lahat ng makakaya namin pero pati na rin po ang pasyente
ay sumuko na ang katawan. Pwede niyo na ho siyang tingnan. Maiwan ko na ho kayo, paalam ng DOctor sa dalawa.
Agad agad namang pumasok sa loob ng kwarto ang dalawang lalake.
Trish... sabay yakap ng binata sa kanyang kasintahan.
Trish... d ba sabi mo hindi mo ako iiwanan kahit kailan? Bakit napakadaya mo? maluha luhang nasabi ni Levi.
Trish gising na mahal ko dba mamasyal pa tayo?
Trish... gumising kana sige na oh... nangako ka sa akin dba?
nangako ka...
Trissshhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh.... sigaw ni Levi.
Mataman lang nakatingin si Mr. De Villa sa walang buhay na katawan ng kanyang anak na kitang kita sa mukha nito ang labis na kalungkutan sa pagkawala ng kanyang pinakamamahal na anak.At tanging ang masayahing mukha ng kanyang anak ang kanyang nakikita sa kanyang balintataw at maging ang boses nito sa tuwing tinatawag siyang Papa.
Sa kabilang banda naman ay nakamasid sa dalawang lalake ang kaluluwa ng dalaga na may halong pagtataka.
Sino ba ang babaeng iniiyakan nila Papa? tanung sa sarili ng dalaga.
Pa Levi andito ako oh, tawag niya sa dalawa pero tila walang naririnig ang mga ito bagkus ay patuloy sa pagtawag si Levi sa kanyang pangalan.
Trish...
trish...
Trish... paulit ulit na naririnig niya sa binata kaya naman mula sa kanyang kinatatayuan ay lumapit siya sa kasintahan at akmang hahawakan niya ito ng makita niya ang mukha ng dalagang mahigpit na yakap yakap ni Levi na kanyang kasintahan.
Walang iba kundi ang kanyang walang buhay ng katawan.
CHAPTER 2
Nakita ni Trisha ang kanyang wala ng buhay na katawan na yakap yakap ni Levi na kanyang kasintahan.
Hindiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii... ...sigaw ng dalaga na tanging sya lamang naman ang nakaririnig sa silid na iyon.
Hindi....
hindi....
hindi ito pwedeng mangyari sabi sa sarili ng dalaga na takot na takot at halos nanginginig sa kanyang nakita.
Sinubukan niya na hawakan ang kasintahan niyang si Levi pero laking gulat niya ng kahit na hibla lamang ng buhok nito ay ni hindi niya man lang magawang hawakan.
Bakit? Bakit ganun?
Bakit ni hindi ko man lang mahawakan si Levi? ang puno ng kalungkutang tanung nya sa sarili.
Kaya naman sa pangalawang pagkakataon ay sinubukan niyang hawakan naman ang kanyang Papa na katabi lamang halos ng kanyang kasintahan.
Papa bakit ang lungkot lungkot mo? Dba sabi ko sayo ayokong nakikita kang malungkot ang sabi ng dalaga sa kanyang ama at tangkang hahawakan niya sana ang mukha nito at papahirin ang luha pero parang hangin lang na lumagpas ang kanyang mga kamay sa mukha nito.
Bakit?
Bakit ni hindi ko man lang sila magawang hawakan? ang sabi sa sarili ng dalaga habang nakatitig sa kanyang mga kamay.
At bakit yakap yakap ni Levi ang katawan ko?
At umiiyak sila? ibig bang sabihin nito patay na ako.?
Patay na talaga ako?
Hindi...
hindi iyon maaari...
Hindi pa ako patay...
Papa, Levi tawag niya sa dalawang lalake na punung puno ng kalungkutan kasabay ng nag-uunahang pagbagsak ng luha sa kanyang mga mata.
Nandito ako oh! si trish... ako ito si trish... tawag niya sa ama at sa kanyang kasintahan.
Pansinin niyo naman ako nandito lang ako turo niya sa sarili.
Andito lang ako papa levi ang nanghihina niya ng tawag sa dalawang lalake pero tanging siya lang naman ang nakakarinig sa bawat salitang kanyang binibitiwan.
Nanghihinang napaupo siya sa sahig ng kwartong iyon.At patuloy sa pagtulo ang kanyang mga luha.
Tama na ang iyong pag-iyak ang sabi ng isang boses mula sa kanyang harapan.
Kaya naman tumayo siya at itinaas ang mukha mula sa pagkakayuko para makita ang nagmamay-ari ng boses na iyon.
Isang 25 anyos na lalake ang sa tingin niya'y edad ng lalakeng nakatayo ngayon sa kanyang harapan. Maamo ang mukha nito at tila isang anghel na nalaglag mula sa kalangitan dahil sa puting puting bumabalot dito at pati na rin ang kasuotan ng lalake.
Nakikita mo ako? ang tanung niya na hilam ng luha ang kanyang mukha.
OO. dahil katulad mo parehas lang tayo ang sabi ng lalake sa kanya.
Ako ang iyong tagapagsundo tawagin mo nalang ako sa pangalang "Angelo" ang sabi ng lalake na hindi parin mawala ang kaseryosan sa mukha.
Tayo na ipinasusundo kana sa akin, dagdag pa nito.
Saan naman tayo pupunta? nagtatakang tanung naman ni Trisha.
Malayo sa lugar na ito. Hindi kana nararapat sa mundong ito dagdag pa ng lalake.
Pero hindi...ayokong sumama sayo. Hindi pa ako handa, pagtanggi niya.
Isa pa nandito sila sabay turo niya sa dalawang lalake na naroon sa kwartong iyon at iniiyakan ang kanyang katawan.
Ang Papa ko....
at si Levi pagpapaliwanag ng dalaga sa lalake.
Hindi mo ba nakikitang wala ka ng buhay at isa ka na lamang ligaw na kaluluwa. Hindi makabubuti para sayo na manatili pa dito.Matatakot ang sinumang makakakita sayo dahil iisipin nilang isa kang multo.
Patay kana Trisha at dapat mong tanggapin ang katotohanang ito.
Hindi... nagkakamali ka! Hindi pa ako patay at ayoko pang iwan ang mga mahal ko.
Ang Papa ko...
Si Levi... mahal na mahal ko sila.
Pero katulad ng sinabi ko patay kana. Nangyari na ang mga dapat mangyari, ito ang nakatakda at ginagawa ko lamang ang utos sa akin. Kaya sumama kana, pangungumbinsi ng lalake.
Nag-isip ang dalaga habang matamang nakatitig sa kanyang ama at kasintahan.
isang linggo.... ah! hindi...
dalawa???? hindi parin iyon sapat
isang buwan!
Tama isang buwan... Isang buwan pa ulit ng dalaga sa lalake.
Anong ibig mong sabihin? tanung ng lalake sa kanya.
Pwede ba akong tumigil pa dito ng isang buwan? Pagkatapos noon nangangako akong sasama na ako sayo.Pakiusap pumayag ka sana pagsusumamo ng dalaga.
Bago ako tuluyang umalis para sumama sayo gusto ko lang munang masiguro na magiging maayos ang kalagayan ng mga mahal ko sa buhay pagpapaliwanag ni Trisha kay Angelo.
Nag-isip sandali ang lalake at maya maya'y nagsalita.
Kung ganoon mananatili kapa dito ng isang buwan, sabi ng lalake pero pagkatapos nun ay muli akong babalik para sunduin ka at hindi kana maaari pang tumanggi.
Salamat, maraming salamat Angelo sabi ng dalaga. Pangako pagkatapos ng isang buwan sasama na ako sayo.
Kung ganoon ay aalis na ako,paalam ng lalake. Pero binabalaan kita hindi lahat ng tao ay hindi ka makikita, dahil sa mundong ito may mga taong may espesyal na kakayahan na makakita ng mga tulad natin.Pagkasabi ng lalake nun ay parang bulang nawala ito.
-----------
Samantala ipinaayos na ng ama ni Trisha ang libing ng kanyang anak, maraming tao ang dumalo na karamihan ay malalapit na kaibigan ng dalaga kasama na rin doon ang matalik na kaibigan nitong nagngangalang Isabel Sarmiento.
Tito Ricardo condolence po sabi ni Isabel sa ama ng kanyang bestfriend.
Issa maraming salamat sa pagpunta dito.
Wala po iyon isa pa nalulungkot po ako sa pagkawala ni Trish, hindi ko ineexpect na magiging ganito kadali ang pagkawala niya.
Ako rin ija, napakasaya niya pa nung nagpaalam sa akin para sa date nila ni Levi pero dahil sa mga magnanakaw na iyon ay nawala ang aking anak.
Nakalulungkot po talaga pero wala na tayong magagawa pa diyan nangyari na ang lahat.
Ah, tito nasaan po ba si Levi?tanung naman nito.
Naroon siya sa labas ija sa palagay ko ay hindi niya pa rin niya matanggap ang nangyari sa aking anak, puntahan mo na lang siya.
Maiwan ko na po muna kayo, paalam ni Isabel pagkatapos ay nagtungo siya sa kinaroroonan ni Levi na nakaupo sa labas at kasalukuyang umiinom ng alak na lingid naman sa kaalaman ni Mr. De Villa na ama ni Trisha.
Levi ano bang ginagawa mo? nagtatakang tanung ni Issa sa kasintahan ni Trish, sabay agaw nito sa bote ng beer na hawak nito.
Hindi mo ba nakikitang umiinom ako?
Alam ko at hindi ako tanga. Sa palagay mo ba ay maganda ang ginagawa mo, baka nakakalimutan mong nasa burol tayo ngayon ng pinakamamahal mo, ang sabi ni Isabel na may pagkasarkastiko.
Ano kaba naman pwede ba umayos ka nga dagdag pa nito.
Maya maya ay kumilos ang lalake at niyakap si Isabel.
Levi bitiwan mo nga ako, pagpupumiglas nito.Baka makita tayo ng Papa ni Trish ano nalang ang sasabihin niya sa atin?
Wala na si Trish, patay na siya kaya bakit kilangan pa nating magpanggap?
Alam mong ikaw ang mahal ko Isabel at hindi ang bestfriend mo pero ano? itinago mo sa kanya ang katotohanan na matagal nang tayo at sa halip ay pinaligawan mo siya sa akin na ginawa ko naman dahil sa pagmamahal ko sayo at dahil ayokong iwan mo ako.
Levi tumahimik ka pwede? Hindi ba't ipinaliwanag ko na sayo ang lahat? Isa pa napakalaki ng utang na loob ng Pamilya namin sa Papa niya kaya naman nung unang beses na ipinakilala kita sa kanya bilang kaibigan ko at sabihin niya sa aking gusto ka niya ay hindi ako nagdalawang isip na paligawan siya sayo. Alam ko kasing magiging masaya siya kahit na ito naman ang kapalit ng kaligayahan ko.
Pero wala na siya ngayon Isabel kaya naman bumalik kana sa akin. Hindi ko na kaya. Alam mo naman na ikaw lang ang mahal ko.
hindi ko na kaya na magpanggap pa.
Levi...pagkatapos ay ginantihan ng yakap ni Isabel si Levi.
Samantala habang nag-uusap ang dalawa ay lihim namang napapakinggan ng kaawa awang si Trisha ang lahat at ang katotohanang napakasakit para sa kanya.
Sa sobrang sakit na nadarama ay nagtatakbo siya papalayo sa lugar na iyon habang patuloy sa pag-agos ang mga luha sa kanyang pisngi.
Hindi ko inaasahan na ganito ang mangyayari. Sa halos araw araw na pagbabantay ko kila Levi at Papa hindi ko inaasahan na isang napakalaking kasinungalingan pala ang lahat.
Si Levi at ang tinuring kong kapatid na si Isabel.
Bakit nagawa nila iyon sa akin? tanung ni Trisha sa sarili habang hindi alam kong saan siya patutungo.
Isang rumaragasa namang sasakyan ang kasalukuyang babangga na sa papatawid na si Trisha.
Kabadong kabado naman ang binatang si Shan ng makita niyang may babae siyang mababangga dahil sa mabilis niyang pagpapatakbo kaya naman mabilis niyang inapakan ang preno ng kanyang sasakyan at dali daling bumaba ng kanyang kotse upang tingnan ang babae.
Teka nasaan na ang babaeng nakita ko kanina? ang nagtatakang tanung ni Shan sa sarili?
Sigurado akong nandito lang iyon sabay tingin niya sa paligid.
D kaya guni-guni ko lang iyon? baka nga. Kaya naman napagpasyahan niya ng sumakay uli ng kanyang kotse.
Papasok na sana ang binata ng makarinig siya ng iyak ng isang babae kaya naman muli niyang sinara ang kanyang sasakyan at hinanap kung saan nanggagaling ang boses at nakita niya ang isang babaeng nakaupo sa gilid ng kalsada na hindi kalayuan sa kanyang sasakyan. Nakayuko ito at patuloy sa pag-iyak.
Miss, miss tawag niya sa babae.
Ano bang ginagawa mo dito sa lugar na ito?
Pero ni hindi man lang sumasagot ang babae.
Alam mo masyadong delikado sa lugar na ito, atsaka bakit kaba umiiyak?
Pero ni hindi pa rin siya nakarinig ng sagot mula sa nakayukong babae.
Nawawala ka siguro noh? Kung gusto mo miss sumabay kana sa akin, ihahatid nalang kita sa inyo? alok niya sa babae pero ni hindi pa rin ito kumikilos.
Miss tara na? ang medyo nauubos ng pasensiyang pag-aaya niya.
Hay naku ikaw din alam mo ba maraming ligaw na kaluluwa sa lugar na ito kaya kung ako sayo sumama kana sa akin. Wag kang mag-alala kasi wala naman akong gagawing masama sa iyo eh,tsaka mabuti akong tao.
Maya maya ay humarap sa kanya ang babaeng nakayuko.
Ligaw na kaluluwa ba kamo? tanung niya sa lalake.
Oo ganun nga kaya tara na nakakatakot sa lugar na ito, napakadilim pa naman.
Ligaw na kaluluwa? katulad ko? tanung ni Trisha na hilam ng luha ang mga mata.
Kaw talaga, tinatakot mo pa ako eh.
Tara na nga sabay hawak niya sa babae pero laking gulat niya ng hindi niya ito magawang hawakan.
Isa kang..... ang nauutal utal na sabi ng binata.
mu---- mu---- mul----
muuuuuulllltttttoooooooo........... . ahhhhhhhh
CHAPTER 4
muuuuuulllltttttoooooooo........... . ahhhhhhhh
Pagkasabi nun ng lalake ay nawalan ito ng malay dala na rin ng sobrang takot.
Bahagya namang natawa ang dalagang si Trisha ng makitang nakahandusay na sa kanyang harapan ang binata. Sino bang mag-aakala na ang isang gaya niya ay matatakot sa akin.
Akala ko pa naman ang tapang tapang niya un naman pala duwag siya, ang nangingiting sabi ng dalaga sa sarili.
Si Shan Dela Vega ay isang college student na tinaguriang heartrob sa kanilang eskwelahan, bukod dun may espesyal din siyang katangian dahil sa nagagawa niyang makita ang hindi nakikita ng isang ordinaryong tao kaya naman ito ang naging dahilan kung bakit may pagkaduwag siya.
Makalipas ang ilang minuto.
Sa kabila ng nararamdaman ko ngayon hindi ko akalain na magagawa ko pang ngumiti sabi sa sarili ng dalaga.
Hay hanggang kailan kaya ako magbabantay sa lalakeng ito? masyado ko ata siyang natakot. Kalalakeng tao naman kasi nito napakaduwag.
Maya maya ay unti unti ng kumilos ang binata at pagbangon niya ay nanlalaki na naman ang mata niya ng makita si Trisha sa kanyang harapan.
Ikaw na naman? parang awa mo na umalis kana sa harapan ko, ang takot na takot na pakiusap ng binata sa kanya sabay panakot pa nito ng kanyang krus na kuwintas.
Hoy, mister wag ka ngang oa ah, hindi ako madadala sa ganyan. Nakakatawa ka sa ginagawa mong yan.Isa pa hindi ka naman dapat matakot sa akin eh. Hindi naman kita sasaktan at hindi rin ako masamang tao, ah mali pala hindi ako masamang kaluluwa o multo kung yan ang iniisip mo ang sabi ng dalaga na hindi mapigilan ang pagkalungkot.
O sige sige iisipin ko nalang na hindi ka multo, pero pwede layo ka ng kunti sa akin ha? pakiusap ng binatang si shan.Bat naman kasi sa dinami dami ng makikita ko eh ikaw pa?
hindi ko rin alam eh, sagot naman ng dalaga.
ano nga palang ginagawa mo rito? tanung ni shan sa kanya habang inaayos ang kanyang sarili.
Hindi ko nga alam eh, napadpad lang ako dito dahil sa pagtakbo ko.
At sino namang tatakbuhan mo? Eh sa tingin ko nga sila ang tatakbo kapag nakita ka sabi sa kanya ng binata pagkatapos ay ngumiti.
Basta tanging nasabi ng dalaga.
O sige pano yan? una na ako sayo ah, paalam ni Shan sa kanya.
ah eh, ano?
huh? ano un?
Pwede ba akong sumama sayo? tanung ni Trisha.
Sasama ka sa akin? nag-aalalang tanung ni Shan baka matakot sayo ang mama ko.
Pero hindi naman niya ako makikita eh.
Panong hindi? Eh ikaw nga nakikita kita eh ang tanung nito na hindi parin makapaniwala.
Ang sabi kasi sa akin hindi daw ako basta basta makikita ng isang ordinaryong tao.
Eh ano namang palagay mo sa akin? abnormal? palokong sabi ng binata.
hindi ganun, ang ibig kong sabihin siguro may espesyal kang kakayahan na makakita ng katulad ko na isang kaluluwa.
Kung sa bagay may tama ka nga dahil bata pa lang ako kung ano ano na ang nakikita ko kaya nga inaamin ko na may pagkaduwag ako,sabay kamot sa ulo ni shan na halatang nahihiya.
Pero mukang mabait ka naman eh kaya sige na nga tara na aya ni Shan kay Trish. Ipagbubukas na sana niya ito ng pintuan ng kotse pero nakapasok na sa loob ang dalaga ng walang kahirap hirap.
Napapailing nalang si Shan habang nakangiti naman sa kanya si Trish na nakaupo na sa kanyang sasakyan.
Hindi kapa ba papasok? tanung pa nito sa kanya.
Kaya naman pumasok na rin siya at muli ng pinaandar ang kanyang sasakyan.
Hay, hindi parin ako makapaniwala.
Na ano?
Na may sakay at katabi akong isang multo sabi ni Shan.
Mali... sabi naman ni Trish.
Anong mali sa sinabi ko?
may sakay kang isang magandang multo sabay ngiti sa kanya ni Trish.
Bahagya nalang napangiti ang binata pagkasabi nun ni Trish.
------
Nandito na tayo sa bahay namin sabi ni Shan kay Trish matapos maipasok ang kanyang sasakyan sa harap ng kanilang bahay.
Oo nga pala hindi ko pa pala natatanung kong anong pangalan mo.
ah ako nga pala si Trisha De Villa pagpapakilala ng dalaga.
ako naman si Shan Dela Vega sabay bigay ng kanyang kamay para makipagshakehands.
inabot naman ng dalaga ang kanyang kamay na lumampas lang sa kamay ni Shan kaya nagkatawanan nalang silang dalawa.
Shan, ijo tawag naman ni Mrs. Shane Dela Vega sa kanyang anak.
oh, ma gising ka pa pala sabay lapit ng binata sa ginang at hinalikan ito sa pisngi.
Masyado na kasing gabi at nag-aalala ako alam mo namang masyadong maraming naglipanang magnanakaw diyan ijo.Gusto ko lang masiguradong nakauwi ka ng ligtas.
Ikaw talaga mama, ok lang po ako.
Teka ijo kanina parang may narinig akong may kausap ka.
Ah eh wala po iyon mama.
Ganun ba? oh siya siya pumasok kana at matulog.
Gudnyt ijo.
Gudnyt din po ma, may aayusin lang po ako dito sa labas susunod na rin po ako.
------
Trish pasensiya na ah, si mama kasi eh. Gising pa pala siya.
Nakakatuwa naman kayo ng mama mo, ako kasi hindi ko na nakasama ang mama ko dahil bata pa lang ako nung mawala siya sa amin ng Papa ko.
Tara na pasok kana dun na tayo sa kwarto ko magkwentuhan.
Salamat.
Maya maya ay umakyat na ang dalawa sa kwarto ni shan.
Simple lang ang kwarto ng binata bukod dun napakalinis nito kumpara sa ibang kwarto ng mga lalake, hindi rin ito ganun kalaki pero tamang tama lang para sa kanya.
Nakaayos lahat ng mga gamit nito.
Upo ka muna sabi ni shan sa dalaga. Teka lang ah, magbibihis muna ako.
Sige salamat...
Dahil sa pagkainip napagpasyahan ng dalaga na tumingin tingin muna sa mga litrato sa kwarto ni shan. Hanggang sa may nakita siyang pamilyar sa kanya.
Teka parang kilala ko ang batang ito ah, sabi sa sarili ng dalaga.
Ang picture na ito???
Ako ito ah, nung bata pa ako...
CHAPTER 5
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento