2001 kasalukyang panahon
Habang nag-lilinis ako ng bahay namin napansin ko ang isang lumang diary. Sa palagay ko kay mama ito sa isip isip ko. habang binabasa ko ang diary nagulat ako ng bigla nalang lumiwanag ang diary at may kung anong enerhiya ang unti unti humahatak sa akin papasok sa diary na iyon.
Wag…………… un lang ang tanging naisigaw ko na wala rin naman saysay dahil nga sa ako lang ang naiwan sa bahay namin.Kaya tuluyan na akong nahigop papasok sa diary na iyon.
1984
Bumagsak ako sa isang kalsada na malapit sa isang palengke.Aray ko! ang sakit nun ah, ikaw ba naman tumama ang pwet mo sa kalsada, kamusta naman un?
Pagtingin ko sa paligid ko isang hindi pamilyar na lugar ang kinaroroonan ko.Nasaan ba ako? Tanung ko sa isip ko. Siguro naman nasa pilipinas pa rin ako. Pero sa totoo lang kakaiba ang mga suot ng mga tao ditto, hay ang baduy naman nila sa isip isip ko.
Bakit ba ganyan ang mga suot nila ang napansin ko sa bawat taong dumaraan at nakakasalubong ko.
Nang sinubukan kong hawakan ang isang bata nagtaka ako dahil para lang akong hangin na nadadaan daanan nila.Patay na ba ako? Sa isip isip ko. o isa na akong kaluluwa? Bakit ganun? Hindi man lang ako Makita ng mga tao sa paligid ko pakiramdam ko tuloy isa akong multo o isang ligaw na kaluluwa.
Ngayon saan na ako pupunta?
Nakita ko ang isang tindahan na may mga dyaryo kaya lumapit ako doon at nagulat ako ng makita at mabasa ang dyaryo.
Ika 3 ng enero taong 1984.
Oh my gosh… nasa year 1984 ako?Panu naman nangyari? Teka ang diary… Tama un nga ang nagdala sa akin ditto. Pero bakit naman? Para saan? Sa isip isip ko. sino bang makikita ko sa lugar na ito? Pano na kaya ako nito makakabalik sa kasalukuyang panahon?
Hay, pakiramdam ko isang aral ito para sa akin na huwag akong makikialam ng gamit na hindi naman sa akin.
Maya maya nagmasid ako sa paligid at may nakita akong isang dalaga, at pamilyar ang mukha niya sa akin. Teka saan ko nga ba nakita ang mukang iyan? Huminto muna ako sa paglalakad at nag-isip maigi, tama ang babaeng iyon nakita ko na siya sa album ni mama. Tapos tumakbo ako at sinundan ang babae. At tiningnang maigi ang itsura niya. Kung sakaling may nakakakita sa akin malamang na pagtawanan ako sa ginagawa ko.
Kamuka ko siya. Oo nga kamuka ko siya. Si mama… si mama lang naman ang kamukhang kamukha ko noong bata pa siya. Siguro siya si mama. Tama nga dahil kung nasa taong 1984 ako si mama nga ang babaeng ito. Hindi pa ako nag-eexist sa panahong ito kaya siguro hindi ako Makita ng mga tao. Tama dahil sa panahong ito hindi pa ako pinapanganak. Kung narito si mama malamang na nandito rin si papa. Siguro kilangan ko munang sundan si mama.
Tama dahil wala naman akong ibang mapupuntahan at si mama lang ang kilangan kong bantayan.Sinundan ko ang babaeng iniisip kong mama ko at nakita ko siyang pumasok sa isang canteen. Sinundan ko siya hanggang sa loob.
Sa palagay ko ditto nagtatrabaho ang mama ko, base iyon sa kwento niya sa akin dahil tanda ko pa ng sinabi niyang noong dalaga pa siya, sa isang canteen daw siya namasukan dahil nga sa hindi naman siya nakatapos ng pag-aaral.Nakaupo lang ako sa isang tabi habang pinapanood ko ang mama ko. maya maya may nakita akong isang matangkad na binata, at sa itsura niya pamilyar din siya sa akin.
Nilapitan ko ang binata at ng Makita ko siya ng malapitan dun ko lalong napatunayan na siya nga ang papa ko. napatalon ako sa sobrang katuwaan dahil nakita ko na sa panahong 1984 ang mga magulang ko. at sa panahong ito pala nanliligaw palang ang papa ko sa mama ko.Sumapit na ang gabi pero patuloy pa rin sa pagtatrabaho si mama dahil marami pa ring customer sa canteen.
Maya maya may lumapit na isang binata sa kanya at sinabing ihahatid daw siya pauwi. Sino ba ang lalakeng ito sa isip isip ko? ah siguro isa rin sa mga manliligaw ni mama. Kunsabagay sino nga ba namang hindi magkakagusto sa mama ko kahit na maliit eh maganda naman sa isip isip ko.
Dahil sa pagkainip lumabas muna ako at pumunta sa may gate ng canteen at doon nakita ko sa dilim ang papa ko matiyagang naghihintay kahit na pinapapak na ng lamok. Napakatiyaga talaga ng papa ko kahit kailan. Maya maya lumabas na si mama dahil tapos na ang oras ng trabaho niya, nagulat pa nga siya ng Makita si papa na doon naghihintay sa may puno ng mangga.
Ihahatid na kita ang sabi ni papa kay mama kaya lang napansin niyang may kasama ng iba si mama kaya naman umalis nalang siya. kahit na madilim sa lugar na iyon alam ko at nababasa ko ang lungkot sa mga mata ng papa ko.Kinabukasan oras na naman ng trabaho, maaga si mamang pumasok sa canteen.
Maaga ring bumili si papa sa canteen ng kendi at binigyan si mama ng chocolate. Ang sweet din pala ng papa ko sa isip isip ko.Sa halos araw araw matiyagang naghihintay si papa kay mama sa punong mangga kahit na nilalamok na siya. si mama nalaman iyon at naawa sa papa ko kaya naman lumabas siya at kinausap si papa. Gusto din pala ni mama si papa kaya lang nga ay nirereto sa kanya ng bayaw niya ang lalakeng naghatid sa kanya nung isang araw. Napipilitan lang pala siya doon sa lalakeng iyon, dahil ang totoo natutuwa siya sa pinakikitang tyaga ng papa ko sa paghihintay sa kanya sa halos araw araw.
Nagtatarabaho kasi sa pabrika ang papa ko na katapat lang ng canteen na pinapasukan ni mama, at sa palagay ko nabighani siya sa ganda ni mama. Hehehe…Simula noon madalas na silang magkasama at minsan nagugulat nalang ako kapag nakikita ko na nasa likod na ni mama si papa. Matangkad kasi ang papa ko at ang kantyawan pa noon sa kanilang dalawa ay si pandak at si tangkad. Natatawa nga ako kapag tinatawag silang ganoon.Para lang akong isang anghel na nakasunod sa kanilang dalawa sa halos araw araw. (anghel nga ba? )
Hanggang isang araw sinaktan ang mama ko ng tiya ko, dun kasi siya nakatira sa kapatid niya. Bakit daw siya sumasama sa papa ko eh hindi pa daw niya lubos na kilala. At napakabata daw niya. 18 palang kasi noon ang mama ko.Mabait po ang papa ko at isa pa mahal niya si mama kaya bakit kayo ganyan ang sabi ko sa tiya ko, pero useless dahil hindi nga pala nila ako naririnig.
Ano bang silbi ko sa panahong ito kung hindi man lang naman napapakinggan ang side ko? sa isip isip ko. naaawa lang ako sa mga magulang ko na nahihirapan sa sitwasyon nila.Simula noon hindi na si mama pinayagan pang lumabas ng bahay kaya naman hindi na sila nagkikita ni papa.Pumunta ako sa canteen at nakita ko si papa na malungkot na nakaupo sa isang tabi.
Naaawa ako sa kanya sa totoo lang. sa pagkakakilala ko kasi sa papa ko masasabi kong talagang masayahin siyang tao at wala siyang ginawa kundi lagi kaming patawanin. Na kahit ang korni niyang joke bumebenta talaga sa aming magkakapatid, siguro talagang may sense of humor lang talaga siya. pero ngayon sa nakikita kong lungkot sa mga mata niya, naaawa ako sa kanya. Naisip ko lang masama ba magmahal at bakit ganun nalang kung manghusga ang ilan?Lumabas ako ng canteen dahil hindi ko kayang tingnan si papa sa ganung kalagayan. Kahit gusto ko silang tulungan wala naman akong magawa dahil hindi pa naman ako nag-eexist sa panahong ito.
Umupo ako sa isang tabi at doon yumuko ako at umiyak. Papano nalang kapag hindi nagkatuluyan ang mga magulang ko? malamang wala na akong babalikan pa, sa isip isip ko.Pano na ako? tuluyan na akong mabubura sa mundong ito.Sa mga oras na iyon matinding kalungkutan talaga ang nararamdaman ko. nalulungkot ako para sa mga magulang ko at para sa sarili ko dahil wala akong magawa para tulungan sila.
Nagulat nalang ako ng may isang batang lalake na katulad ko ang bigla nalang sumulpot sa harap ko. at katulad ko hindi rin siya nakikita ng iba. Sa palagay ko mas matanda lang siya ng ilang taon sa akin.Eto oh para sayo sabay abot ng batang lalake ng isang putting rosas sa akin.Huwag kang mag-alala magiging maayos din ang lahat. Magkaparehas lang naman tayo ng misyon sa lugar na ito eh, katulad mo rin ako kaya hindi ka dapat mawalan ng pag-asa. Pagkatapos niyang sabihin iyon sa akin umalis na siya. at simula ng araw na iyon hindi na kami muling nagkita.Sa totoo lang hindi ko siya kilala.
Nagulat nga ako ng binigyan niya ako ng isang putting rosas kahit pano nagbigay sakin ang bulaklak na iyon ng pag-asa. Na wala ng magiging hadlang sa pagmamahalan ng dalawang taong sinusubaybayan ko, na magiging mga magulang ko sa kasalukuyan..At hindi nga nagkamali ang huling salitang sinabi sa akin ng batang lalake. Nagkatuluyan parin ang dalawang taong tunay na nagmamahalan.At isang liwanag din ang muling nagbalik sa akin sa kasalukuyang panahon.
2001 kasalukuyang panahon
Simula ng mangyari iyon nagging maayos naman ang lahat. Ang hindi lang mawala sa isip ko ay ang batang lalake na nagbigay sa akin ng putting rosas. Hindi ko man lang nalaman kung anong pangalan niya o kung magkikita pa nga kami sa kasalukuyan.Pero sana magkita pa kami ang lagi kong dalangin tuwing nagdarasal ako. hindi kasi ako nakapagpasalamat sa kanya.Isang araw habang naglalakad ako may nakabangga sa aking isang lalake.
Kasalanan ko rin dahil ang layo ng tinatakbo ng isip ko. pero ng magtama ang mga mata namin, ewan ko ba pero may kakaiba akong naramdaman para bang nagkita na kami noon pa. ang weird nga ng feeling ko, kakaiba talaga. Hanggang sa mga oras na ito hindi parin mawaglit sa isip ko ang insedenteng iyon ang lalake na nakabangga ko. hindi naman dahil sa gwapo siya, kaya lang para bang may kaugnayan kami sa isat isa. Hay ewan ko nga ba, ang hirap kasing eexplain eh. Kahit ako hindi ko rin maipaliwanag.Ahhhhhh sumasakit na ang ulo ko.
2004
Lumipas na ang 3 taon, hay ang bilis talaga lumipas ng oras. Parang kalian lang 15 palang ako ngayon 18 na ako. At sa mga lumipas na taon na iyon simula ng makabangga ko ang lalakeng iyon hindi na kami muli pang pinagtagpo ng tadhana. Siguro nagkamali lang ako sa nararamdaman ko na parang may koneksiyon kaming dalawa. Hay, bakit ko ba kasi pinapasakit ang ulo ko sa isang bagay na hindi ko naman dapat na isipin pa.
Isang araw nagmamadali akong pumasok sa trabaho ko. nagpart time job kasi ako sa isang fast food chain bilang cashier. Ang hindi ko alam ang araw na ito pala ang muling pagtatagpo namin ng lalakeng minsan ng nagging laman ng isipan ko. Nakakatuwang isipin na sa tinagal tagal ng panahon muli kaming magkikita at matatandaan niya pa ako, weird dba? Siguro talagang nakatadhana lang talagang mangyari ang lahat.Simula ng araw na iyon nagging matalik kaming magkaibigan. At ito pa ang nakakagulat dun din pala siya nagwowork sa parehong fast food chain na pinagtatrabahuhan ko. at parehas pa kami ng university na pinapasukan. San kappa dba? Napakaliit talaga ng mundo sa isip isip ko.
2005
Natapos na naman ang isang taon at muli na namang nagpalit ng taon. Sa taong ito hindi ko inaasahan na manliligaw siya sa akin. At dahil sa pagtyatyaga nyang manligaw sinagot ko siya.Nagging maayos an gaming pag-sasama naming kahit na minsan ay may tampuhan, naaayos naman naming agad iyon.
After 5 years
Ngayong taon na ito an gaming pang 5 anibersaryo. Biruin mong tumagal kami ng ganun katagal. Kapag naiisip nga naming na 5 taon na kami, hindi naming maiwasan na magbiruan.
"Mine sa palagay ko sa tuwing lumalabas tayo nilalagyan mo ng gayuma ang inumin ko ano? Ang sabi kong nakangiti sa kanya.
"Tinatawanan lang naman niya ako at pagkatapos ay hahalikan niya ako sa pisngi at yayakapin niya ako ng mahigpit.
Pero isang araw nagulat ako sa nalaman ko. at doon ako nagsimulang maniwala sa tinatawag nilang soulmate, at destiny.
Dahil ang batang nagbigay sa akin noon ng putting rosas at ang nagging dahilan para hindi ako mawalan ng pag-asa ay ang lalake palang kasama ko ngayon.
Nang Makita ko ang album noong bata pa siya, alam ko na noon palang itinadhana na kami para sa isat isa.At sa sobrang sayang nararamdaman ko napaiyak nap ala ako ng hindi ko namamalayan atNiyakap ko siya ng sobrang higpit habang sinasabi ang mga salitang MAHAL NA MAHAL KITA.