Isang araw nakita ko siya...
Nakaupo sa ilalim ng punong mangga...
Hawak hawak ang litrato naming dalawa...
Kahit na umuulan, alam kong umiiyak siya...
Gustong gusto ko siyang lapitan...
Para sabihing mahal na mahal ko siya...
At humingi ng tawad dahil sa pag-iwan ko sa kanya...
Pero ni hibla ng buhok niya, hindi ko mahawakan...
Nawala sa isip kong isa na nga pala akong kaluluwa...