8/27/10

TERMINAL

Nagsimula ng pumatak ang ulan. Mula sa labas ng sinasakyan ko ay kitang kita ang mga taong nagmamadaling nagtatakbuhan para may masilungan dahil tulad ko wala rin silang dalang payong. Sa tuwing uulan hindi ko na kailangan pang mamroblema dahil alam kong hinihintay mo ako. Hindi na rin ako nagugulat sa tuwing makikita kita sa may terminal ng sakayan at sinasalubong ako ng ngiti.

"Hindi ka na naman nagdala ng payong, alam mo namang tag-ulan na. Pano na lang kung hindi kita susunduin siguradong para kang basang sisiw niyan," sermon mo sa akin.

"Nakalimutan ko kasi...," ngingiti-ngiting sagot ko sayo.

"Pasalamat ka may mabait kang boyfriend."

"Thank you Lord, binigyan niyo ko ng isang mabuting boyfriend."
Ngingitian mo lang ako.

----

"Miss, hindi ka pa ba bababa?"

Nagising ako sa boses ng driver.

"Pasensiya na po, bababa na ko."

Pagkababa ko sa jeep, nakita kitang kumakaway mula sa di-kalayuan na nakangiti sakin, may dala-dala kang payong. Patakbo kong tinungo ang lugar na kinatatayuan mo. 
Isa...
dalawa...
tatlo...
apat... malapit na ko sayo.

lima...

anim...

pito...

walo... 

Pero bakit ganun? Habang palapit ako ng papalapit sayo, unti-unti kang nawawala sa paningin ko, kasabay ng pagbagsak ng mga luha sa mga mata ko.

Hindi na nga pala kita makikita kahit kailan...



Dahil wala kana...


Wala ka na sa mundong ito...

8/20/10

ILUSYON

Minsan na kitang nakasalubong... pero pinilit kitang iwasan...
Minsan na rin kitang nakabangga pero isang mapait na patawad ang iyong sinabi...
Akala ko noon hindi na kita muli makikita... 
Hindi na muling mararamdaman... 
Pero dahil sa kakaiwas ko sayo sa maraming pagkakataon, nahulog na naman ako sa patibong mo. Nakakatawa kasi maraming beses na kitang pilit na iniwasan. Ayoko na kasing masaktan, takot na rin akong magtiwala at muling magmahal. Sabi nga nila isa akong malaking hangal dahil kahit anong gawin ko hinding hindi kita maiiwasan. Tama nga sila... Isa talaga akong malaking hangal dahil sa kakaiwas ko sayo, mas lalo lang akong nahuhulog sayo. Mas lalong lumalalim ang nararamdaman ko...

Minsan ko ng naramdaman kong gaano kasarap ang magmahal. Ganunpaman, kung gaano naman kasarap sa pakiramdam, ilang libong sakit naman ang dulot nito sa puso ko na para bang pinag-pirapiraso. Unti-unti itong nadudurog... Unti-unting nawawasak... 

Mahal kita...
Mahal mo ako...
pero kahit kailan walang tayo... at hindi magkakaroon.

Dahil ikaw at ako ay mula sa magkaibang mundo.




8/18/10

COINCIDENCE

Last week ng mag-open ako ng fb nagtaka ko ng makatanggap ako ng 1 message. Kung gusto niyong itanung kung anong kataka taka eh dahil sa kataka taka talaga na makatanggap ako ng isang message.... Kasi wala namang nag-memessage sakin eh, bukod sa mga relatives at kaibigan syempre...hehehe

So ayun nga... inopen ko na at binasa galing sa isang lalakeng itago na lang natin sa pangalang bolero. Ayun nakikipagkaibigan si bolero at kung okay lang daw sa akin. Syempre dahil mabait naman si ako eh pumayag naman ang lola niyo kaya nagreply ako sa message niya. At dahil sa curious rin ako kung paano niya nalaman ang fb ko eh tiningnan ko ang profile niya, pasimpleng pagchecheck dahil baka may nagtitrip lang sakin...hehehe Sensya na adik lang...

Nakita ko din ang kanyang picture at ayun nga "pwede"... =p
Chinito si bolero. Sa totoo lang kung sa iba eh attractive sa kanila ang ganung mga mata pero para sakin eh hindi, pero dahil sa mata naappreciate ko na cute naman pala....hehehe
Isa lang sa napansin ko sa kanya ay payatot siya...hehehe (parang ang taba ko daw...)

Nung minsang may pinuntahan kami ng mama ko sa may novaliches naisipan muna naming kumain sa isang resto at dahil nga ang dami nilang customers eh muntik na ding maunsyami ang pagkain namin dahil sa ang tagal ng service eh gutom na si mader dear ko. Pero after a minute tinanung nadin ang aming order at ayun nga nakakain na din kami pagkatapos ng maraming pagod. Dun sa mismong resto na un napansin ko ang isang pamilyar na mukha. Chinito na payat at may kasamang dilag, malamang sa oo na gf niya un kasi imposible namang kapatid niya eh hindi sila magkamuka. Tinitingnan ko siya kasi talagang sa tingin ko eh siya si bolero at nakakapagtaka lang dun eh, coincidence na nagkita pa kami sa iisang lugar. Un nga lang hindi niya siguro ako kilala... Naisip ko din na baka hindi siya un at kamuka niya lang siguro.

Kagabi nagkataong online siya at ganun din ako kaya nakapagchika chika kami ng kunti at tanungan portion. Inadd niya din ako sa fb. At dahil nacucurious na naman ang lola niyo eh tiningnan ko ang mga album niya at mga info baka kasi maging complicated pa ang buhay ko dahil sa kanya. At dun nakita ko ang picture nila ng kanyang labidabs. Tama, may gf na ang mokong at gusto pa makipagmet, aba'y lokong bata. Buti na lang d ako pumayag..nyahahaha.... Nung nakita ko ung kanilang picture dun ko narealize na sila talaga ung nakita ko sa resto. 

Ang masasabi ko lang....

SMALL WORLD talaga....

8/13/10

DEAR eX

Minsan naisip ko sana tanggalin na lang ang letter x sa alphabet. Bakit? kasi sa tuwing nababanggit ang x ikaw ang naaalala ko... At sa tuwing naaalala kita nasasaktan ako, pakiramdam ko paulit ulit na nadudurog ang puso ko, paulit ulit na pinapatay ng mga alala mo.

Marami akong tanung sa isip ko pero madalas hindi ko iyon mahanapan ng sagot. Sabi nila darating daw ang time na mismong sagot ang lalapit sakin. Pero kailan naman kaya mangyayari un? Ayoko na ring hintayin, napapagod na kasi ako. Pagod na pagod na... Gaya ng pag-asa kong babalik kapa sakin.

Ano bang kulang sakin? yan ung tanung sakin nun ng kaibigan ko ng mabroken hearted siya. At hindi ko akalain na itatanung ko rin yan sa sarili ko. Nakakatawa kasi akala ko ang salitang "tayo" ang bubuo ng forever, pero nagkamali ako. Kasi pano pa mabubuo iyon kung ako na lang ang natitira dba? Pano pa? Hindi ko alam kung paano ako makakaget-over sayo, sana itinuro mo rin sakin. Ikaw naman kasi bakit tinuro mo lang na mahalin ka? Paano naman kita makakalimutan niyan? Nakakainis ka talaga...


Sa math equation madalas laging unknown ang x. Katulad ko sa puso mo ngayon... 
Unknown...
walang value...


Simula noong naghiwalay tayo, hindi ako nawalan ng pag-asang bumalik ka sakin. Baka kasi marealize mo kung gaano mo talaga ako kamahal. Baka kasi bigla kang maumpog sa pader at maalala mong mahal mo ko. Pero sa tingin ko ako ata ang dapat mauntog at magising sa katotohanan na hindi na magkakaroon ng ikaw at ako, kundi ako na lang... AKO...

I will always be your ex...
your past...
at kahit kailan hindi na pwedeng maging bahagi ng future mo kahit na gaano ko pa kagusto dahil iba na ang mahal mo...


Nagmamahal,
eX-gf


Dear Mr. Stranger

Kanina habang naglalakad ako papauwi, nakasalubong na naman kita. Mag-isa ka lang naglalakad tulad ko. Sa itsura mo, mukhang napakasuplado mo at para bang nakakailang kang kausapin pero kahit ganun ang lakas ng dating mo sakin. Ito na siguro ang pang labin-limang beses na pagtatagpo ng landas natin. Nacucurious na nga akong malaman kung anong pangalan mo. Kaso alam ko naman na para sayo isa lamang din akong estranghero katulad mo sakin. Maaaring madalas magtagpo ang landas natin pero gaya ko napapansin mo din kaya ang isang tulad ko? Binibilang mo din kaya kung ilang beses na tayong nagkakasalubong? Naiisip mo din kaya ang iniisip ko sayo?

Sa tuwing uuwi ako galing sa skul, lagi nga akong excited eh. Kasi siguradong makakasalubong na naman kita. Akala nga ng mga classmates ko, may susundong boyfriend sakin dahil abot tenga daw ang ngiti ko. Ngingitian ko lang sila pagkatapos nun nagmamadali na kong sumakay sa sakayan baka kasi mahuli ako ng isang minuto at hindi kita makita. Pihidong malulungkot ako nun. Ewan ko ba pero sa ngayon kasi makita lang kita masaya na ako. Masayang masaya...

Eksaktong 5:30 ng hapon nakababa na ko ng sasakyan at naglalakad na ako papasok ng village. Binagalan ko ng maglakad pero ni anino mo hindi ko nakita. Halos araw-araw ganitong oras papalabas kana ng village samantalang papasok naman ako pero bakit ngayon wala ka pa rin? Nasaan ka na ba? Ibig bang sabihin nito hindi kita makikita?

Pinagmasdan ko ang langit, unti unti itong nababalutan ng kadiliman katulad ng lungkot na nararamdaman ko ngayon. Nagsimula ng pumatak ang ulan, kasabay ng pagpatak ng luha ko. Bakit nga ba ko umiiyak? Samantalang hindi naman kita kilala at ganun ka din sakin. Ni hindi mo nga napapansin na nag-eexist ako sa mundong ito. Ni hindi ko nga alam kung saan ka nakatira, kung anong pangalan mo at lahat ng mga simpleng bagay tungkol sayo. Ang alam ko lang masaya ko sa tuwing nakakasalubong kita kahit na para sa iba ang ngiti mo.


Nagmamahal,
Ms. Stranger

8/9/10

PUTING KAHON

Nakatingin lamang siya sa isang nakapikit na katawan ng isang bente tres anyos na dalaga. Nasa loob ito ng isang tila ba kahon na kulay puti ang kulay at may salamin na nakikita ang katawan ng babae. Sa itsura nito tila ba mahimbing itong natutulog mula sa isang napakagandang panaginip. Maaliwalas ang mukha nito, nakasuot ng puting damit na tila ba isang diwata at kitang kita ang kolorete sa kanyang mukha.

Tahimik lamang ang may edad na babaeng nakatingin sa salamin. Puno ng kalungkutan ang kanyang mga mata at tila nanggaling sa ilang araw na pag-iyak at puyat. Halos hindi makausap at hindi mapakain. Maya maya'y unti-unti na namang nagbagsakan ang luhang kanina pa pinipigilan ng babae.
Tulala at walang imik...
Ni hindi niya gustong umalis sa tabi ng puting kahon na pinalilibutan ng mga ilaw.
Wala siyang ginawa kundi ang bantayan ito na para bang anumang oras ay mawawala ito sa kanya. Ni isang saglit ay ayaw niya itong mawala sa kanyang paningin...

Sa paningin ng isang inang nagdadalamhati sa pagkawala ng kanyang anak.

8/8/10

KUYA



TAYA




Ang pag-ibig tulad ng isang laro.
Kung hindi ikaw ang hahabulin... Ikaw ang maghahabol.
Pero sa larong ito ako ang taya...
Ang naghahabol sa taong mahirap habulin dahil may hinahabol ding iba...
Kilan kaya kami mapapagod na maghabol sa bawat isa?


"Belle," tawag sakin ni ate.
"Bakit?"
"Uwi na daw sabi ni mama. Kakain na tayo."
"Sige ate, mauna ka na. Susunod na ako sayo."
"Dalian mo ah.."
"Oo.."


"Tan, laro ulit tayo mamaya ah. Babalik din agad ako,".

"Ok, sige pero isama mo ang ate keith mo ah."

"Pero--" gusto ko sana tayo lang ang maglaro.

"wala ng pero pero. Basta isama mo si Keith ah?" pilit na kumbinsi sakin ni Tan.

Nakakainis talaga siya. Napakamanhid niya. Bakit ba sa tuwing lumalapit ako sa kanya lagi na lang si ate ang nakikita niya. Nakakainis talaga.

"Oh! Belle, natulala kana diyan. Wag mong kalimutang isama ate mo ah para naman may aasarin ako."
Sana ako na lang ang asarin mo, bulong ko.

"May sinasabi ka ba?"

"wala, sige Tan. Eh, ikaw ba hindi ka pa ba uuwi?"

"Sige, tara na nga tutal naman nagugutom na din ako eh."

Nakakatuwa naman kasabay ko siya at kaming dalawa lang. Napatingin ako sa kanya.
Sana hindi lang si ate ang mapansin niya, mas maganda pa nga ako kay ate eh.

"Dito na pala tayo sa inyo eh. Asan ba ang ate mo?"sabay silip niya sa pintuan.
Napasimangot ako. Magkakuliti ka sana.

"Baka nasa kusina."

"Ah, sige aalis na ako. Hintayin ko kayo mamaya ah sabay ngiti niya."

Ang cute niya talaga, kaya gusto ko siya eh.
Iniwan na akong mag-isa ni Tan kaya pumasok na ko sa loob ng bahay ng bumungad sakin si ate. Naalala ko tuloy ung kanina.Napasimangot ako.

"Nanghahaba ata nguso mo Belle, may umaway ba sayo?,"

"Wala naman ate."

"May kasama ka ba kanina sa labas?"

"Wala."pagsisisnungaling ko.

"Para kasing narinig ko ang boses ni tan eh."

"Bat naman ako sasamahan ni Tan?,"naiinis ko pa ding sagot.
Bakit naman kaya tinatanung ni ate kung kasama ko si tan? D kaya may gusto rin siya kay tan? D pwedeng mangyari un, akin lang si ethan.

"Kunsabagay. Ikaw nawiwili kana dapat kuya ang tawag mo sa kanya ah. Mas matanda siya sayo ng isang taon."

"Kahit na. Hindi ko naman siya kapatid eh."

"Hindi nga, pero iba pa rin kung tatawagin mo siyang kuya dahil mas matanda pa rin siya sayo."

"Iba siya ate."

"Anong iba?"

"Ah, basta, sakin na lang un."

"Tena na nga dito sa kusina, kakain na tayo nila mama. Ang kulit mong bata ka."

----

"Oh, asan na ang ate mo belle?"

"Nasa bahay. May gagawin daw siya."

"Ah, d wag na tayong maglaro. Boring kasi kung tayo lang."

"Ayain na lang natin sila kuya Rick, Tan."

"Wag na bukas na lang. Tinatamad na ako. Gusto mo kayo na lang."
Tinatamad ka lang dahil wala si ate eh.

"Ano?"

"Wala naman akong sinasabi."

"Tara uwi na lang tayo. Samahan na lang natin ang ate mo."

"Ayoko pang umuwi."

"Ikaw ang bahala, pupunta na lang ako sa inyo."
Nakakainis talaga.

"Tara na?",naiinis kong aya sa kanya.

"Oh! kala ko ba ayaw mo pang umuwi?"

"Nagbago na ung isip ko. Dalian mo."
Hindi ako papayag na masolo mo si ate. Kala mo ah.

---

Nakaupo si ate sa labas ng bahay ng makita namin ni Tan. Lagot mukhang mabubuking ako, sa isip isip ko.

"Oh, bat ang bilis mo Belle? nakangiting tanung ni ate. Kasama mo pala si Tan."

"Akala ko ba may ginagawa ka Keith?"

"Ako?"napatingin sakin si ate saka nagsalita ulit. "Ah, oo kanina...pero tapos ko na naman."
Umupo naman sa tabi ni ate si Tan pero sumingit ako sa gitna.

"Tan, usog ka naman ang lawak lawak diyan eh."

Tatawa tawa lang si ate samantalang nakakunot-noo naman si Tan.
Siguro alam niyang gusto ko si Tan. Etong si Tan naman kasi ubod ng manhid, ndi naman siya bato na walang pakiramdam.

Ang nakakalungkot lang dun, iyon na pala ang huling araw na makikita ko si Tan.
Iyak ako ng iyak ng malaman ko un, samantalang parang balewala lang kay ate ang lahat. Siguro nga nagkamali ako ng hinila na gusto niya din si Tan.
Siguro nga magkaibigan lang talaga sila.

Habang hinahabol ko si Tan, lumalayo siya sakin para lapitan si ate.
Labing dalawang taon na rin pala ang nakakalipas simula ng araw na un. Parang kailan lang. Nasaan na kaya si Tan? Kapag nakita ko kaya siya babalik ang nararamdaman ko para sa kanya?

Maya-maya nakarinig ako ng ingay sa labas.
Boses ni ate at ng isang lalake. Bumangon ako mula sa pagkakahiga sa kama at lumabas para tingnan. Nagulat ako ng makita ang isang pamilyar na lalake.

Walang iba kundi si Tan...
Si Ethan...


"Hanggang kailan mo ba ako susundan ha?"inis na inis na sigaw ni Ate Keith sa lalake. Gusto mo bang tumawag ako ng pulis?

"Hindi na kailangan, pulis ako."nakangising sagot ng lalake.

Wala pa rin siyang pinagbago. Siya pa rin ang Tan na mahilig asarin si ate. Pero bakit kaya hindi man lang siya namukhaan ni ate? Samantalang unang kita ko pa lang sa kanya alam kong siya si Ethan. Tulad pa rin siya ng dati gwapo.
At tulad dati hanggang ngayon talagang si ate pa rin ang gusto niya.

"Ate, hindi mo man lang ba papapasukin si Kuya Tan?"nakangiti kong baling sa kanila.

Napatingin silang dalawa sakin sa may labas ng pinto. 
Kitang kita sa mukha ni ate ang pagkagulat samantalang nakangiti naman ng ubod tamis sakin si Tan, mali pala si kuya Tan.

"Kita mo, buti pa si Belle eh, nakikilala ako, samantalang ung lampa diyan ni hindi man lang ako makilala."

Napatingin si ate kay Tan, na para bang tinitingnan niya kung nagsasabi nga ba ako ng totoo.

"Ikaw pala. Sana kasi nagsabi ka na ikaw pala yan. Malay ko kaya noh."

"Ganyan ka naman eh. Pero kung si Rick un siguradong makikilala mo agad."

"Sus, kala mo lang..."

"Tara na pasok na kayong dalawa. Mukhang babagsak na ang ulan, ayaw niyo naman sigurong mabasa hindi ba?"

Sa kauna-unahang pagkakataon, tinawag ko siyang kuya. Ito na siguro ang simula ng pagsuko ko. 


Sa larong ito, minsan na akong naging taya kaya hindi na ako magpapataya pa.
Ayoko ng maghabol sa taong may hinahabol namang iba.

Sana dumating ang araw na may isang taong gustuhing maging taya para habulin naman ako.






Disappointed

Everything will be all right...
God has plans for me...
Don't lose hope...


Kaya ko ito...
Kakayanin ko...