Guy side:
Nagising ako sa tunog ng cellphone ko.
Inis ko itong dinampot mula sa taas ng bed ko.
Tiningnan ko ang screen ng telepono ko at nakarehistro doon ang pangalang "HON"...
Napalitan ng isang ngiti sa labi ang pagkainis ko.
"Good morning hon!" masigla kong bati sa kanya...
"Nasaan ka hon? Bakit parang maingay diyan?" nagtatakang tanung ko.
"Sira ka talaga, natatawa kong sagot dahil sa sinabi niya. Asan ka nga? ulit na tanung ko sa kanya."Inutusan niya akong tumingin sa bintana ko. At ano naman kayang makikita ko dun? Nacurious din ako kaya naman bumangon ako para sumilip sa bintana.
"Huh? Bakit ba kasi?" sabi ko pa...
"Ikaw talaga... ang dami mong alam. Andito na ko".
Ngayon naman pinatitingnan niya sakin ang gate ng boarding house namin. Ang kulit talaga ng babaeng iyon.
"Ano ba kasi-"
Sinunod ko din naman ang utos niya at ganun na lang ang pagkagulat ko ng makita ang isang pamilyar na mukha na nakatayo mula sa harap ng gate ng boarding house at nakatingin mula sa direksyon ko. Mabilis akong tumakbo pababa ng hagdan ng hindi man lang nakapaghilamos.
Ang babaeng iyon talaga napakahilig sa mga sorpresa...
Pagkababa ko agad agad akong lumapit sa kanya at niyakap siya. Alam kong maraming taong napatingin sa direksyon namin pero wala na akong pakialam. Sobrang saya ko kasi na makita ang pinakamamahal ko. At wala ng hihigit pa sa kasiyahang nararamdaman ko ngayon.
"Ginulat mo ako, adik ka talaga", ang nasabi ko nalang habang yakap siya.
Matagal na akong adik, alam ko na kaya iyon ang sabi niya. Wala ka bang balak na bitawan ako? Tanung pa niya.
Bahagya lang akong natawa sa tinanung niya pero hindi ko pa rin siya binitiwan.
"Hayaan mo lang muna ako, baka kasi nananaginip lang ako hon".
Bigla naman niya kong kinurot sa tagilirin para patunayang hindi panaginip ang lahat.
Kaya naman napabitiw ako sa pagkakayakap at tiningnan ko siya ng masama.
"Masakit iyon ah", ang sabi ko pang kunwari'y galit.
Tatawa tawa lamang siya.
"Para malaman mong hindi panaginip ang lahat. Hindi mo man lang ba ako papasukin mister? Kanina pa nanakit ang binti ko kakatayo baka akala mo sabi pa niyang nagrereklamo.
"Oo nga pala noh... Pasensiya na hon. Ikaw naman kasi bakit hindi ka nagsabing pupunta ka dito? Di sana nasundo man lang kita".
Hinawakan ko ang kamay niya at pumasok na kami sa loob ng boarding house.
Kanina pa kami nakaupo sa may taas ng rooftop at kanina ko pa rin siya tinititigan pero pa rin ako makapaniwala na nasa harap ko na talaga siya.
"Hoy! Ano bang nangyayari sayo hon? Para kang nastroke diyan,."
"Hindi lang kasi talaga ako makapaniwala na nasa harap na kita ngayon. Para bang isang panaginip lang ang lahat na paggising ko andito kana, d makapaniwalang sagot ko".
"Kilangan pa ba kitang kurutin ulit para malaman mo na hindi panaginip ang lahat?".
"Ah... hindi hindi na... gising na ako."
"Aalis na din ako mamaya kaya sulutin na natin ang araw na ito".
Bahagya akong nalungkot sa sinabi niyang iyon na agad rin namang napalitan ng saya. Ang mahalaga may ilang oras pa ako para makasama siya.
"I'm sorry, wala sa sariling nasabi niya".
Nagulat ako dahil hindi naman niya ugali magsalita ng sorry lalo na kung wala siyang kasalan at nakita ko ang lungkot sa mga mata niya na mabilis din namang nawala. Ewan ko, parang may hindi siya sinasabi sakin o baka imahinasyon ko lang ang lahat. Baka nga.
"Bakit ka naman nagsosorry diyan eh at least dba may isang araw tayo."
"Gusto kong mapanood ang sunset hon," ang sabi niyang nakatingin sa langit.
Napakaganda talaga niyang panoorin mula sa ganitong posisyon. Pero bakit may lungkot na naman akong nakikita mula sa mga mata niya?
"Sige punta tayong tabing dagat. Maliligo lang muna ako. Wag kang aalis diyan ah."
"At saan naman ako pupunta aber? tanung niya?"
"Ayoko sanang iwan ka dito kasi baka bigla kang mawala".
Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko na para bang bigla akong kinabahan na para bang may mangyayaring hindi maganda. Sana naman wala lang ito.
Bumaba na ko mula sa rooftop at dumiretso ng banyo para mag-ayos ng sarili. Pero kahit ganun hindi pa rin mawala sa isip ko ang lungkot na nakita ko sa mga mata niya.
-----
"Maglaro tayo?"
Ano namang laro? Para ka talagang bata
"Sige na please???"
Oo na nga...
"Diyan ka lang ah..."
Ano bang balak mong gawin? kunot noong tanong ko? Humahakbang kasi siya papalayo sakin.
"Basta...."
Ilang dipa na ang layo niya mula sakin. Hindi ko gusto ang nararamdaman ko ngayon. Nakakaramdam ako ng takot sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.
"Game starts now."
Ano bang klaseng laro ito hon? sigaw ko...
"Hindi ka pwedeng humakbang papalapit sakin... Hindi na pwede hon..."
Ano ba?? Naiinis na ako. Iritado kong sabi.
"I'm sorry hon..."
Ano bang sinasabi mo? Hindi na ito nakakatuwa...
"Just listen hon..."
Tumalikod siya mula sa akin saka biglang nagsalita.
"I'm leaving..."
Sige ihahatid na kita...
"No, hindi pwede hon. Huwag kang lalapit or else you'll lose this game."
Wala akong pakialam... Ano bang laro ito? Bat hindi mo ko harapin? Ihahatid na kita kung aalis kana.. Hindi ko na talaga gusto ang nangyayaring ito. Alam ko na hindi na ito basta laro na lang. Alam kong may problema siya pero bakit hindi niya sabihin sakin?
"You don't understand hon..."
Ano bang hindi ko maintindihan? Paano ko maiintindihan kung hindi mo sakin sasabihin?
"I told you I'm leaving.... for good."
What? Ok kung lilipat man kayo o kung kahit saang planeta pa yan susunod ako. Just wait for me.
"No... Hindi mo ako pwedeng sundan."
Bakit ba kasi? Hindi mo naba ko mahal? Bakit kaba kasi nakatalikod? Face me gusto kong makita iyong mukha mo.
"Ayoko... Stay there and don't make any more steps."
Hon... please don't do this to me..
"Hindi ko naman sinasadya. Hindi ko naman ito ginusto eh.."
Goodbye... pagkasabi niya noon agad agad siyang tumakbo ng mabilis papalayo mula sakin.
Wala akong naiintindihan at hindi ko alam kung bakit niya ito ginagawa pero hinding hindi ako papayag na mawala siya sakin ng ganun na lang. Hindi kahit kailan. Tumakbo ako para sundan siya at agad ko naman siyang naabutan at hinawakan ko ang wrist niya. Saka ko siya niyakap ng mahigpit. Umiyak siya ng umiyak na para bang wala ng bukas.
"I'-m I'-m so-rry....
I'm so scared...
I don't wanna lose you... but---
but I'm gonna leave you sooner or later...
I don't wanna hurt you..."
Wala akong maintindihan sa mga nangyayari pero isang bagay lang ang alam ko. Kailangan niya ko.
I'm here...
I'm always be here to protect you...
You don't have to be scared...
I would never leave you...
But your hurting me by doing this...
"I'm dying hon..."
Pagkarinig ko nun mula sa kanya pakiramdam ko huminto ang oras. She's dying... Ngayon alam ko na kung bakit siya nagkakaganito.
Shhhsshhhhh....Everythings gonna be fine...
Hindi ko alam kung sapat na ba ang mga sinabi ko para gumaan ang pakiramdam niya. Alam ko hindi magiging madali ang lahat pero aalagaan ko siya at poprotektahan sa abot ng makakaya ko.
I'll take care of you...
-----------
Girl Side:
Ilang hakbang na lang makikita ko na siya. Napangiti ako sa isiping iyon. Alam ko siguradong magugulat siya pag nakita niya ako. Napatingin ako sa kulay green na gate na nasa harap ko ngayon, ito na iyon.
Relax Shella...
Relax...
Agad kong kinuha mula sa handbag ko ang telepono ko at agad na dial ang call button...
Nagriring na ang kabilang linya ng telepono....
Kinakabahan ako pero sa kabila nun eh excited akong makita ang reaksiyon niya.
Sana mapasaya ko siya kahit sa huling sandali... Bahagyang gumuhit ang lungkot sa mga mata ko na agad ring napalitan ng kasiyahan ng marinig ko ang pamilyar na boses sa kabilang linya.
"Good morning hon!" masigla niyang bati sa akin...
Good morning din, sagot ko...
"Nasaan ka hon? Bakit parang maingay diyan?"
Nasa puso mo... natatawang sagot ko. Baka naman heartbeat mo lang iyong naririnig mo, pabiro ko pang sagot.
"Sira ka talaga, natatawa din niyang sabi. Asan ka nga? ulit niya sa tanung?"
Tumingin ka sa bintana mo, utos ko.
"Huh? Bakit ba kasi?"
Ai naku ang dami mong tanung gawin mo nalang kasi...
"Ikaw talaga... ang dami mong alam. Andito na ko".
Tingin ka sa labas ng gate.
"Ano ba kasi-"
Hindi na nakapagsalita ang taong kausap ko sa kabilang linya. Alam ko na mula sa kinatatayuan ko ay nakita na niya ako. Nagsalita pa rin ako kahit na hindi na siya nakapagsalita.
Nakikita mo ba ang isang magandang babaeng kumakaway sayo?
Bago ko pa matapos ang sinasabi ko ay nasa harap ko na ang lalakeng kanina lang ay kausap ko.
Agad agad niya akong niyakap sabay sabing "Ginulat mo ako, adik ka talaga".
Matagal na akong adik, alam ko na kaya iyon ang sabi kong nakayakap pa rin sa kanya. Wala ka bang balak na bitawan ako? Tanung ko.
"Hayaan mo lang muna ako, baka kasi nananaginip lang ako hon".
Bigla ko siyang kinurot sa tagilirin para patunayang hindi panaginip ang lahat.
Kaya naman napabitiw siya sa pagkakayakap at tiningnan ako ng masama.
"Masakit iyon ah".
Tatawa tawa lamang ako, para malaman mong hindi panaginip ang lahat.
"Hindi mo man lang ba ako papasukin mister? Kanina pa nanakit ang binti ko kakatayo baka akala mo kunwari'y reklamo ko.
"Oo nga pala noh... Pasensiya na hon. Ikaw naman kasi bakit hindi ka nagsabing pupunta ka dito? Di sana nasundo man lang kita". Hinawakan niya ang kamay ko at pumasok na kami sa loob ng boarding house nila.
Kanina pa kami nakaupo sa may taas ng rooftop at kanina pa rin siya nakatitig sakin na akala mo eh namatanda.
"Hoy! Ano bang nangyayari sayo hon? Para kang nastroke diyan, natatawa kong puna."
"Hindi lang kasi talaga ako makapaniwala na nasa harap na kita ngayon. Para bang isang panaginip lang ang lahat na paggising ko andito kana, d makapaniwalang sagot niya".
"Kilangan pa ba kitang kurutin ulit para malaman mo na hindi panaginip ang lahat?".
"Ah... hindi hindi na... gising na ako."
"Aalis na din ako mamaya kaya sulutin na natin ang araw na ito".
Nakita kong bahagya siyang nalungkot pero pinilit niyang maging masaya.
"I'm sorry, wala sa sariling nasabi ko".
"Bakit ka naman nagsosorry diyan eh at least dba may isang araw tayo."
Pinilit kong ipakita sa kanya na masaya ako kahit na gustong gusto ng bumuhos ng mga luha mula sa mga mata ko. Alam ko kasi sa sarili ko na ito na marahil ang huli naming pagkikita.
"Gusto kong mapanood ang sunset hon".
"Sige punta tayong tabing dagat. Maliligo lang muna ako. Wag kang aalis diyan ah."
"At saan naman ako pupunta aber? tanung ko sa kanya?"
"Ayoko sanang iwan ka dito kasi baka bigla kang mawala".
"Natawa ako pero sa kaibuturan ng puso ko gustong gusto ko ng sabihin sa kanya ang lahat. Pero hindi ko kaya... Hindi ko alam kung saan ba ako dapat magsimula. Hindi ko siya gustong saktan. Hindi na nga sana ako dapat nagpakita sa kanya pero hindi ko kaya. Gustong gusto ko siyang makita kahit sa huling sandali. Sa pag-alis niya doon bumuhos ang masaganang luha na kanina ko pa pinipigilan.
-----
Maglaro tayo?
Ano namang laro? Para ka talagang bata.
Sige na please???
Oo na nga...
Diyan ka lang ah...
Ano bang balak mong gawin?
Basta....
Humakbang ako 1 step... 2-3-4-5-6- 20
Game starts now.
Ano bang klaseng laro ito hon? sigaw niya...
Hindi ka pwedeng humakbang papalapit sakin... Hindi na pwede hon...
Ano ba?? Naiinis na ako. Iritado niyang sabi.
I'm sorry hon...
Ano bang sinasabi mo? Hindi na ito nakakatuwa...
Just listen hon...
Tumalikod ako saka biglang nagsalita.
"I'm leaving..."
Sige ihahatid na kita.
No, hindi pwede hon. Huwag kang lalapit or else you'll lose this game.
Wala akong pakialam... Ano bang laro ito? Bat hindi mo ko harapin?
Ihahatid na kita kung aalis kana..
You don't understand hon...
Ano bang hindi ko maintindihan? Paano ko maiintindihan kung hindi mo sakin sasabihin?
I told you I'm leaving.... for good.
What? Ok kung lilipat man kayo o kung kahit saang planeta pa yan susunod ako. Just wait for me.
No... Hindi mo ako pwedeng sundan.
Bakit ba kasi? Hindi mo naba ko mahal? Bakit kaba kasi nakatalikod? Face me gusto kong makita iyong mukha mo.
Ayoko... Stay there and don't make any more steps.
Hon... please don't do this to me..
Hindi ko naman sinasadya. Hindi ko naman ito ginusto eh..
Goodbye... pagkasabi ko nun agad agad akong mabilis na tumakbo palayo sa kanya.
I'm really sorry hon. Hindi ko ito gustong gawin pero ito ang dapat kong gawin. Magiging miserable lang ang buhay mo kapag nagstay ka sakin at ayokong mangyari iyon.
Hindi ko namalayan nahabol na pala ko ni Daniel. Hawak niya ang wrist ko at wala akong magawa para matanggal niya iyon. Nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. At alam ko na sa oras na iyon hindi ko na kaya pang itago ang nararamdaman ko. Niyakap ko siya ng mahigpit at umiyak ng umiyak.
I'm I'm sorry....
I'm so scared...
I don't wanna lose you... but---
but I'm gonna leave you sooner or later...
I don't wanna hurt you...
I'm here...
I'm always be here to protect you...
You don't have to be scared...
I would never leave you...
But your hurting me by doing this...
I'm dying hon...
"Shhhsshhhhh....
Everythings gonna be fine...
I'll take care of you..."