Marry me...
Kaiba sa mga eksena sa pelikula. Hindi ito pangkaraniwang marriage proposal ng isang lalake para sa isang babae. Sa halip na patanong na "will you marry me?" ang marinig ko sa kanya heto't para ba siyang nag-uutos na animoy amo sa kanyang empleyado.
MARRY ME....may diin sa bawat salitang kanyang binitawan.
Sa reaksiyong nakikita ko sa mukha niya halatang iritado at inip na inip na siya sa paghihintay sa sagot na kanina niya pa inaasam.
Mainiping tao... sa isip isip ko.
Pakiramdam ko may mali sa eksenang ito. Lumingon ako sa kanan, sa kaliwa at inulit ko ulit ang ginawa ko. Mukha na kong tanga. Oo alam ko. Napakunot noo ako, ako ba ang sinasabihan niya? tanung ko sa sarili ko? Pero imposible... as in sobrang labo na ako ang sinasabihan niya. Haller? ako? sasabihan niya ng marry me, eh ni hindi ko nga kilala ang mokong na ilang hakbang ang layo mula sa akin.
Nagsimula na siyang maglakad. Dire-diretso papunta sa direksyon ko.
Dug-dug-dug...
Oo, sabihin na natin na gwapo siya. Mala prince charming ang dating pero sa inaakto niya ngayon hindi mala prince charming ang mga lumalabas sa bibig niya. Tama bang mang utos siya ng ganun ganun na para bang sinabi niyang lunukin mo ung piso. Ang labo dba?
Kaw kaya mo ba un?
Dug-dug-dug...
Bakit ang bilis bilis ng tibok ng puso ko? May abnormal bang nangyayari sa katawan ko? Sa pagkakaalam ko wala akong sakit sa puso. At bakit ba ganito ang pakiramdam ko na para bang may hindi magandang mangyayari sa araw na ito?
Hahakbang na sana ako ng makita ko ang isang babae na papalapit rin sa mismong kinatatayuan ko. Para akong nakakita ng isang diwatang naglalakad. Ang ganda ganda niya. Hindi lang basta ganda pero may kung anong kakaiba sa kanya. Nakangiti siya sakin.
Teka nanlalabo na ba ang mata ko? Nakangiti siya sakin? Eh hindi ko naman siya kilala. Tinapik tapik ko ang pisngi ko baka panaginip lang ito. Pero hindi totoo talaga.
May bigla nalang humawak sa kamay ko. Pagtingin ko si mokong pala.
Nasa tabi na rin namin ang diwata. Nagpalit palit lang ako ng tingin sa kanilang dalawa. Ewan ko ba pero kanina ko pa gustong magsalita pero walang lumalabas sa bibig ko. Napipi na ba ako?
"That was awesome Zhian... Ngayon lang ako nakarinig ng ganung klaseng proposal." Natatawang sabi ng diwata na iilang dipa lang ang layo sakin.
Inip na inip akong naghihintay ng magsasabi ng cut pero wala kahit anino man lang na magsasabing nasa shooting ako ng kung ano mang teleserye. O kaya naman ng magsesermon sakin kahit na alam kong byernes ngayon at wala ako sa simbahan. Epal lang naman ako sa eksenang ito eh, at sana may magsabi na nun sakin ngayon. As in now na pero hindi dahil totoo ang lahat ng nagaganap at ang masaklap lang dun hindi ko na alam ang pinagkaiba ng panaginip sa realidad.
Utang na loob gisingin niyo na ako....