5/28/12

Against the world

Simula pagkata magkasama na kami.
Madalas kaming maglaro.
Mamasyal sa park.

Manood ng mga bituin sa langit.

Masasabi kong sa maraming pagkakataon mas lamang iyong mga oras na magkasama kami. Kaya nga nagkaroon ako ng espesyal na nararamdaman para sa kanya.

At kahit ngayong nagtatrabaho na siya kahit kailan hindi niya ako nakalimutan. Kapag dumarating siya galing sa trabaho niya, mas una niya pa akong hinahanap bukod sa mga magulang niya.

Madalas niya din akong bigyan ng mga rosas. Hindi ko nga alam kung para saan iyon pero tanggapin ko na lamang daw.

Gusto niya akong laging nakikitang nakangiti. Maganda daw kasi ako lalo na kapag nakangiti. Kung minsan hindi ko alam kong papano ko magrereact, naguguluhan ako. Hindi ko kasi alam kung paano ko ipaliliwanag ang nararamdaman ko. Para kasing bago para sa akin ang pakiramdam na iyon.

Kung minsan isinasama niya ako sa pagpunta sa tabing dagat at sabay naming panonoorin ang paglubog ng araw. Sa tuwing tititigan ko siya, kakaiba iyong nararamdaman ko na para bang may isang parte ng katawan ko na para bang sasabog at gustong lumabas. Napapansin ko din ang kakaibang lungkot sa mga mata niya.

Nang minsang maglakas ako ng loob na itanong sa kanya kung bakit tila malungkot siya, tumitig siya sakin at pilit na ngumiti sabay bitaw ng mga salitang "bakit kasi? kasabay ng isang malalim na buntong hininga.

May time na madalas siya mapaaway dahil sa akin lalo na kapag magkasama kaming dalawa. Pero kahit kilan hindi niya ako pinabayaan at sa halip na ako ang maging tagapagtanggol niya, siya ang nagiging tagapagtanggol ko.Tandang tanda ko pa iyong mga salitang binitiwan niya 

"KAHIT KILAN HINDI KO HAHAYAAN NA MAY MANAKIT SAYO, NI DULO NG DALIRI MO HINDING HINDI AKO MAKAKAPAYAG NA MAHAWAKAN NILA... I'LL DO EVERYTHING FOR YOU ELLA KAHIT NA MAKIPAGPATENTERO PA AKO KAY KAMATAYAN..."


Noong mga sandaling iyon, mas lalong tumindi iyong kakaibang nararamdaman ko para sa kanya. Hindi ko alam kung anong itatawag ko sa pakiramdam na iyon. Pero kung PAG-IBIG nga ang tawag doon gaya ng sabi ng iba, marahil MAHAL KO NA NGA SIYA.


Pero sadyang may mga bagay na naghihiwalay sa aming dalawa. 






Nakalimutan ko palang sabihing isa siyang MORTAL samantalang isa lamang akong CYBORG.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento