5/28/12

Goodnews???

"He loves me not... muntik na kong mapatalon sa tuwa ng makitang isang talutot na lang ng gumamela ang natitira sa hawak kong kanina'y isang magandang bulaklak, pero ganun na lang ang pagkalukot ng mukha ko ng makitang may isang maliit pa palang parte...
"He loves me... not... " Madaling dayain ang sarili at isiping iisa na lang ang talulot ng gumamelang natitira sa hawak kong tangkay ng bulaklak para lang pagaanin ang loob ko. Na sana kahit man lang sa ganitong paraan marinig ko ang salitang matagal ko ng inaasam. Pero sadyang ipinagkait sakin ang tanging lalakeng ilang taon ko ng lihim na minamahal, si Yuan Miguel Isidro ang schoolmate ko.

He loves me not...
He loves me not...
He loves me not... iyon ang pilit kong itinatatak sa isip ko. 

Hindi niya ko mahal. At kailanma'y hindi mamahalin.
Para sa kanya walang Alessandra Samonte na nag-eexist na babae kundi isang Alex na lalake.

Kasalanan ko ba kung mas gusto kong manamit na parang isang lalake dahil dun ako komportable? 
Siguro nga I act as a guy pero kahit ganun I'm still a girl, in my heart and in my soul.
I've been silently loving a guy for the past five years at sa tingin ko hanggang dun nalang talaga un.
Kasi he loves me not... Tama... He loves me not...

"Alex, tara punta tayo kila Janna? Kasama daw niya si Irish, dba crush mo un?"

"Wala ko sa mood..." Lagi na lang si Janna. Nakakasawa na. At kilan ko pa naging crush si Irish? buti kapa alam mo, samantalang ako hindi. Ikaw nga ung gusto ko, ang bulag bulag mo kasi. Matutuklaw ka nalang ng ahas ndi mo pa nakikita. Tanga... pero mas tanga ko.

"Ano? sasama ka ba? may goodnews pa naman ako sayo? Tara na..." sabay hawak mo sa kamay ko. Paano pa ba ko makakatangi sayo? sa tuwing hahawakan mo ung kamay ko nanghihina na ko. At sa tuwing katabi kita para kong nauupos na kandila at ung puso ko para ng sasali sa karera sa bilis ng tibok.

"Sige na nga. Ano ba ung goodnews mo?"

"Basta malalaman mo din," sabay ngiti mo. Ayan ngumingiti ka na naman, ndi mo lang alam dahil sa ngiting yan mas lalo lang akong nahuhulog sayo, kakayanin ko pa bang makabangon nito?

Habang nasa daan nakaakbay ka sakin. Ang saya saya ko pakiramdam ko kasi mayroong "tayo" kahit alam ko namang hindi mangyayari un. Iniisip ko tuloy baka nakikita mo din ako bilang isang babae, hindi bilang isang kaibigan, at kaklase mo. Makukuntento na lang ako sa kung anong meron tayo, sana lang huwag kang mawala sa tabi ko kahit na parang imposible un.

Masayang masay si Janna ng salubungin niya tayo at kitang kita ko rin ang ningning sa mga mata niya. Bigla akong kinabahan ng lumapit ka sa kanya at inakbayan siya. Sana nanaginip lang ako kung isa nga lang ba itong panaginip. Gustong gusto ko na kasing magising. Pero kahit anong gawin ko alam kong ito ang realidad. Gustuhin ko mang takpan ang mata ko at tainga ko para hindi ko makita at marinig sinabi mo. Huli na ang lahat.
"Kami na ni Janna," ang sabi mong kulang na lang mawasak ang labi mo sa pagkakangiti mo. Kayo na pala, ang saya saya niyo na samantalang nagpira-piraso naman ang puso ko. 
Sana kaya ko ding sabihin sayong "masaya ko para sayo," pero sorry ah isang pilit na ngiti lang ang kaya kong isukli sa inyo.

Sa tuwing titingnan ko siya mas lalo ko lang napapansin na hindi niya ko makikita bilang isang babaeng nagmamahal sa kanya. Kasi kahit anong gawin ko isa akong lalake sa paningin nya.


And I know He'll never see me the way I see him...

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento