2/23/10

CONFESSION OF MY HEART

Hanggang ngayon hindi ko pa din lubos maisip kung bakit humantaong tayo sa ganito. Para tayong mga estranghero sa isa't isa na akala mo hindi magkakilala. Hanggang ngayon questionable pa din sakin kung bakit naging ganito ang lahat. Kasalanan ko, alam ko naman iyon eh. Ako ang nag-initiate ng break-up kaya ano bang ineexpect ko d ba? Masakit lang kasi dun bakit parang wala kang pakiaalam? Ibig sabihin ba noon eh talagang hindi mo na ako mahal? o may mahal ka na kasing iba?

Siguro nga napagod ka na din sa akin.
Siguro nga mahirap talaga akong intindihin.
Siguro nga hindi talaga maganda iyong LDR.

Alam mo bang gustong gusto kong itanong sayo kung talaga bang sineryoso mo ko? Pero alam ko namang magagalit ka. Tsaka naramdaman ko namang mahal mo ko nung mga time na naging tayo at kahit naman nung time na wala pang "tayo" ramdam ko naman iyong concern mo sa akin. Ang weird lang kasi dahil parang ang lamig lamig mo sakin a week after our monthsary, ok naman tayo noon dba? Hindi ko alam kung may problema ka ba at nakisabay pa ako. Wala ka naman kasing sinasabi. O masyado lang talaga akong paranoid at demanding that time? Noong nagtetext ako sayo ni isang text ko wala ka man lang reply. Gusto ko lang naman kasi sanang malaman kung anong iniisip mo. Hindi ko kasi alam, hindi ko na din kasi maramdamang mahal mo pa ko that time. Para kasing ang layo layo mo sakin, kung dati pakiramdam ko parang katabi lang kita pag kausap kita pero nung month ng December, hindi ko talaga mafeel ung presence mo. Pakiramdam ko kasi may nagbago sayo o baka ako lang ung nagbago. Sa totoo lang wala naman talaga akong balak na makipagbreak eh, kaso pakiramdam ko masyado na akong kalabisan para sayo. Pinaparamdam mo ngang wala ka ng pakialam eh alangan namang ipagpilitan ko pa ung sarili ko sayo. Alam mo naman ako ma-pride din. Pero sa totoo lang pagdating sayo ung pride na un kahit pano natutunaw bigla.Iyong mga bagay na usually hindi ko gustong gawin nagagawa ko. Isang text lang naman iyong hinihintay ko galing sayo eh, kaso masyado akong nag-eexpect, lagi naman akong bigo. Wala na nga akong balak magtext sayo eh, kaso ewan ko nga ba bakit ang kulit kulit ko, kahit paano gusto ko pa ding makibalita tungkol sayo.

Gusto ko pa ding malaman kung okay ka...
Gusto ko pa ding bumalik ung dating friendship natin kahit wala ng "TAYO"...

Masasatisfy na ako sa friendship basta hindi ka lang mawawala at mananatili ka pa ding ung dating adik. Kaso malabo na ung mangyari, malabong malabo. Pakiramdam ko kasi para kong may sakit na ketong na kilangan mong layuan. Well, wala na akong magagawa pa doon. Sabi nga nila:

"may mga bagay bagay na minsan kilangan mo nalang hayaan lalo na kung ito na mismo ung lumalayo sayo...
matututo kang tanggapain kung hanggan doon lang humantong ang kung ano mang meron kayo...
maging masaya ka nalang dahil kahit paano naging parte siya ng buhay mo..."

"Masaya ako kasi naging parte ka ng buhay ko higit pa sa inaakala mo".

Sa totoo lang hindi ko inaasahan na mamahalin kita higit pa sa mga ex-boyfriends ko. Hindi ko nga din alam eh,kung tutuusin naman kasi ang hirap ng sitwasyon natin. Distance separate the two of us pero kahit ganun, nakasurvive pa din naman tayo ng anim na buwan. Iyon nga lang talagagang hanggang doon na lang ang lahat. Noong time na tinanong kita kung galit ka ba sakin, sana nga totoo ung sinabi mo. Sana nga hindi ka talaga galit sa akin. Gusto ko lang naman kasing maging maayos ang lahat. Kahit kilan hinding hindi ko pinagsisihan na minahal kita, kasi sa kahit sandaling panahon naramdaman kong pinahalagahan mo ko at minahal higit pa sa pagmamahal inaasahan ko.

May kanya kanya man tayong buhay ngayon. Naiisip mo man ako o hindi na. Masasabi kong ikaw ung isa sa mga taong mananatili sa puso ko habangbuhay. Espesyal ka kasi para sakin. Higit pa sa pinaka-special na buko pie at halo-halo.

...DAHIL SI ADIK AY MANANATILI SA PUSO'T ISIPAN NI AKO...

Sa ngayon aaminin kong "MAHAL pa din KITA" at kahit kunti aminado naman akong umaasa pa din ako na magiging ok tayo eh,sa huling sandali aaminin ko sa sarili ko na hindi ka ganun kadaling kalimutan...masyado ka kasing nagmarka sa puso ko.

Gusto ko lang sanang malaman mo na:
..."MINAHAL KITA HINDI DAHIL SA MINAHAL MO AKO KUNDI MINAHAL KITA KASI KARAPAT DAPAT KANG MAHALIN"...

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento