2/24/10

FROM ME TO YOU

Feb 18,2010
4:40pm
(This letter is supposedly para sa isang taong mahalaga sa akin pero sana wag niya itong mabasa..hahaha... nakakahiya kasi talaga...iisipin niya ang pathetic ko talaga...)
Adik,
Hi! Kamusta ka naman ngayon? Alam ko namang hindi mo ito mababasa at kung magkaroon man ng chance just dont mind it... wala naman itong kwenta eh...
Alam mo bang sobrang miss na kita? malamang hindi siguro... at alam ko hindi mo na rin maiisip pa un. Hindi na rin naman mahalaga dba? Kahit na alam kong you dont feel the same way ok lang naman eh. Eh wala na akong magagawa sa nararamdaman ko. Namimiss na talaga kita eh. Masyado kasi akong naattached sayo kaya tuloy heto ang hirap mong kalimutan samantalang napakadali para sau na gawin un. Naiisip mo pa kaya ako? Siguro ndi nah... Bakit pa dba? Eh ako ung nakipagbreak eh... Ewan ko nga ba kung bakit hindi kita maalis sa isip at puso ko. Ewan ko nga ba kung bakit ang hirap hirap para sakin na kalimutan ka.Ewan ko nga ba kung bakit mahal kita.Oo tama ka,hanggang sa mga oras at araw na ito ikaw pa rin ang nagmamay ari ng puso ni MICHELLE LANARIO. Nakakatawa ko no? Nakakaawa. Hanggang ngayon naiisip ko pa rin ung isang taong hindi naman ako iniisip. Sabi nga ni ana mahal daw talaga kita kasi ba naman wala atang araw na hindi kita naiikwento sa kanya. Kahit na sabihin pa niyang naiinis siya sayo kasi bat daw ganun, pinagtatanggol pa din kita sa kanya. I know yo have your own reason kung bakit hindi mo na nagagawang magreply sa txt ko. Walang duda mahal nga daw talaga kita. Higit pa sa pagmamahal ko nun kay jay. Remember that name? ung pinagseselosan mo nun ng bonggang bongga.

Nung nagreply ka at tinawag mo akong adik. Alam mo bang ang saya saya ko nun? Kahit pano naramdaman ko pa rin ung concern mo kahit na ganun lang. Pero mas masarap pa din pala na tinatawag mo kong hon. Nakakamiss din pala. Kung dati rati hon ang tawag mo sakin ngayon adik na lang. Nagbago na kasi ang lahat eh. Lalong lalo ka na. Iba ka na talaga kumpara noon. Masaya na din naman ako na masaya ka. At least wala pala kong dapat pagsisihan sa kung ano mang nangyari satin. Kung wala ng "tayo". Ayos na rin kasi masaya kana man na.Magsasawa din akong isipin ka. Mapapagod din ang isip ko at kung kilan un hindi ko pa alam. Pero hayaan mo nalang muna ako sa ngayon ayoko kasing pilitin ko ang sarili ko. Ang hirap kasi eh. Ang hirap mag-adjust. Alam mo namang matagal din akong walang boyfriend bago naging tayo dba? Kala ko nga huli ka na eh. Hindi pa din pala. Sa totoo lang ung 6 months na naging tayo i really cherished those moments kahit na nga ldr lang tayo. Ung mga time na magkausap tayo, ung mga time na kulitan natin, ung mga kwento mo, ung mga simpleng banat mo, higit sa lahat ung pagiging sweet mo at ung boses mo na gustong gusto kong naririnig lalo na kapag tumatawa ka kahit na asar na asar ako dun.

Hay namimiss na talaga kita. Miss na miss na...

Tutuparin mo pa rin kaya ung mga sinabi mo sakin?ung mga pangako mo? Hindi ko kasi alam kung ano bang gagawin ko eh. Kasi ung 70% ng utak at puso ko umaasa pa din sa mga salitang un. Siguro nga mag-hihintay nalang ako..Ganun naman talaga dba? maghihintay nalang ako kung may darating pa ba o talagang wala na. Kung magiging tayo hindi ko din alam. Ayoko na nga din masyadong umasa. Pero kahit na ganun ung sinasabi ko may parte pa rin ng puso ko na naghihintay at umaasa na tuparin mo ung sinabi mo.

Sakim ba ko kung hihilingin kong sana akin ka nalang?
Hay, ang ewan ko talaga...



Naghihintay,
Adik sayo...

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento