5/30/10

HULING SULAT PARA SA KANYA

Para sayo...

      First of all gusto kong magpasalamat sayo para sa time, sa love sa lahat lahat ng dapat kong ipagpasalamat. Siguro huli na din itong sulat na ito, marami na rin kasi akong narealize sa pakikinig kay Papa jack sa TLC. Sa totoo lang naiinis ako sayo kasi you are not brave enough to tell me everything...lalong lalo na sagutin ung mga tanung sa utak ko. Siguro nga may mga tanong talagang mahirap hanapan ng sagot pero in due time malalaman din daw un. Ayoko ng maging bitter....hahaha... pang ampalaya lang un eh. Natural lang naman siguro na maramdaman ko un, minahal kita eh. Nung may malaman akong hindi maganda tungkol sayo, aminado ako na pinagsisihan ko talaga na nakilala kita pati ung mga effort na ginawa ko para sayo, pero narealize ko mali ung ganun eh, kasi sa loob ng 6 months na naging tayo at 1 1/2 taon na friendship naging masaya din naman ako. Hindi mo naman pinilit na gawin ko ung mga effort na un. Kasi masaya kong ginawa ko un para sayo, para malaman mo kung gaano kita kamahal at ayoko kasing maicompare mo ako sa mga ex mo, gusto ko na ung mga effort na un tumatak sa isip mo. At least on that way kahit wala ng tayo, maalala mo naman ung mga simple things na ginawa ko para sayo, sana mapangiti ka. 

       Thank you kasi naging malaking parte ka ng buhay ko bilang isang matalik na kaibigan at bilang isang dating bf. Sana maging masaya ka sa buhay mo ngayon... Sana nakita mo na din ung babaeng mamahalin mo at mamahalin ka higit pa sa kaya kong ibigay. 

Thank you sa lahat adik...
Bee happy always....=)


5/29/10

MAY NATITIRA PA...

Sa pakikinig ko sa True Love Conversation (TLC) ni Papa Jack, narealize ko na marami rami padin palang mga lalake ang ma-effort na kahit na magmuka silang tanga or muka silang desperado sa paningin ng iba, wala silang pakialam for as long as para sa mga babaeng mahal nila. Iyong pagpunta sa Love Radio para lang gawin ung best and desperate moves nila para mapansin at makuha ang atensiyon ng mga gf nila was really romantic for me.   You can't do such thing unless you really love that person or you're really scared na mawala siya sa buhay mo. Though in some point hindi sa lahat ng oras nagiging okay ang pag-uusap at napapatawad sila ng gf nila but in some cases it also failed. Nakakapanghinayang ung effort ng iba pero at least nagawa naman nila ung best shot nila at naipaglaban nila ung pagmamahal nila para sa taong mahal nila. Hindi man iyon sapat para sa mga taong mahal nila, pero it was just enough para malaman ng buong mundo kung anong kaya nilang gawin para sa mga mahahalagang tao sa buhay nila.

I really admired those guys who really put a lot of effort just to win back their girlfriend. The sad part is....

there were just certain things that are not meant to be...

HINDI AKO TOMBOY...

(Pasintabi lang po sa mga tomboy na pwedeng mapadaan ah... wala akong ibig sabihin sa post na ito....)

I am single and I think wala namang masama sa pagiging single, right? Hindi naman crime ito at mas lalong hindi nakakamatay...hehehe... Maybe I am single but that doesn't mean na purket single ang isang babaeng tulad ko at may mga katext na mga babae eh, tomboy na ako. Paksyet naman kasi ang kapatid ko, imagine pinagbibintangan niya akong tomboy? 


(Excuse lang po sa mga tomboy, hindi naman ako against sa kanila eh.)

scenario
kapatid: eto si ate tomboy ata eto eh, mga katextmate puro babae.
ako: wala kang paki... sabay smile lang...

maya maya may nagtext

kapatid: te ung chicks mo nagtext nagrerequest ng load...
ako:baliw ka talaga... tapos tawanan naman ung 3 ko pang mga kapatid
kapatid: yan si ate tomboy ata yan eh... puro kasi mga katext, babae si paula, si grace etc.
ako:hindi purket mga babae katext ko eh tomboy ba ako noh? bat naman si ara (sis ko na sumunod sakin)?
kapatid:yan naman si ate may bf e ikaw wala! sabay tawanan sila lahat at sige pa rin sa pang-aasar...

Ang hindi niya alam si paula eh pol talaga ang name at guy friend ko un, kaso kinailangan ko lang na gawing name ng babae para hindi ako mabuking ni mama at tanungin pa ng kung anu-ano dahil ayoko ng issue at dahil na rin sa may gf na un. Gamit ko kasi ang phone ni madir dear ko dahil sa mas mura magpalod kaya gawain kong palitan ang name nila at gawing babae. (wag lang sanang mabasa dahil buking ako pag nagkataon..hehehe)

5/24/10

DEAR CRUSH

Dear Crush,

      Nakita na naman kita kahapon, ung smile mo na cute na cute ako kapag nakikita ko.Pag ngumingiti ka pati ung mata mo parang tumatawa na din, ang cute cute mo talaga. Kahit na matino ka hindi halata sayo kasi ba naman para kang nakainom ng ilang baldeng red horse, ang labo mo pang kausap. Pero kahit ganun, crush pa rin kita. Gustong gusto ko kasi ung pagiging weird mo, siguro kasi dahil weird din ako. Oh dba? hindi tayo tao, kasi bagay talaga tayo.
     Kahapon nakasalubong na naman kita, syempre kumpleto na naman ang araw ko. Kaya nga kahit hindi maipinta ang mukha ko makita lang kita daig ko pang tumama sa lotto. Minsan nga iniisip ko kung paghanga lang ba ung nararamdaman ko para sayo? Para kasing habang lumilipas ang araw mas naglelevel up ung nararamdaman ko para sayo. Kaso lang hindi mo naman napapansin na nag-eexist ako. Pano mo ba ako mapapansin? Sa tuwing magpapakita na kasi ako sayo, mawawala kana sa paningin ko. Sabihin mo naman sakin para magawan ko ng paraan. Wala ka namang dapat ikatakot kasi mabait naman ako eh, lalong lalo na pagdating sayo. Alam mo naman sobrang lakas mo sakin eh, mas malakas pa bagyong ondoy. Kita naman tayo mamaya sa may balete alas-8 ng gabi, hihintayin kita.

Love lots,
whitelady

5/22/10

kwentong ADIK

"Kapag nagmamahal hindi naman kilangan ng mata kundi puso dba?"
sabi ni adik

Sa lahat ng mga salitang sinabi niya sa akin, yan ang pinaka tumatak sa isip ko. Bakit? Kasi ldr (long distance relationship) kami, oo ilang milya ang layo niya sakin. Tipong ako nasa earth samantalang nasa mars naman siya. Kung tutuusin nasa iisang bansa naman kami. Pwede kaming magkita kung gugustuhin pero sadyang hindi umaayon ang pagkakataon. 

Si adik, siya iyong kapatid ng isang kaworkmate/kaibigan ko si pol. Nasa leyte siya at andun na rin ngayon ung kaibigan ko dahil sa parehas silang nag-aaral. Paano ko nga ba nakilala si adik? Simple lang dahil sa hi-tech na tayo ngaun malamang gamit ang cellphone. Binigay siya ni pol na textmate sa akin dala na rin ng kabagutan ko naisipan ko siyang itext at simula nun naging magkatextmate na kami. Masarap siyang katext kasing sarap ng ice cream at black forest na cake. May sense kasi siyang kausap kumpara sa ibang katext ko na wala na atang maisip itext eh ang nakakaumay na "anu gawa mo?", "kamusta kana?". Pero siya sa halos araw araw na magkatext kami laging may bagong topic, kumbaga hindi kami nauubusan ng sasabihin sa isa't isa. Simula nun pinagkatiwalaan ko na siya. Inoopen ko sa kanya lahat ng tungkol sa buhay ko, lahat ng kadramahan, lovelife at lahat ng pwede kong ikwento sinabi ko sa kanya. Naging magaan ang loob namin sa isa't isa. Masaya ako kapag katext ko siya na minsan pa nga parang may kulang kapag hindi ko siya nakakatext. Pero hindi pa namin nakikita ang isa't isa. Hanggang isang araw nagsend siya ng mms at ganun din ako sa kanya. Sa totoo lang hindi naman siya gwapo, tipong pangkaraniwan lang din tulad ko. Nagsimula na din kaming magtawagan nun. Natatawa pa nga siya kasi ang astig ko daw magsalita na para bang siga sa kanto. Akala niya muka akong maton kaya naman nagulat daw siya ng makita ako sa friendster, cute naman daw pala ako(ahem..hehehe).
Tinuring ko siyang bestfriend ko kasi sa halos araw araw na ginawa ng diyos siya lagi ang nakakausap ko. Kapag masama ang loob ko tatawag siya para tanungin kong okey lang ba ako. Pag malungkot, patatawanin na akala mo ilang dipa lang ang layo namin sa isa't isa. Isang araw nagkaroon kami ng problema, nalaman ko kasing may gf na siya na hindi ko man lang alam tapos nawrongsent pa siya sa akin. Alam ko wala naman akong karapatang magalit sa kanya ang point ko lang kasi sana man lang kahit pano pinagkatiwalaan niya din ako na tulad ng pagtitiwala ko sa kanya. Pero sabi niya ayaw niya daw sabihin dahil sinabi ko sa kanya na kapag may gf na siya hindi na ako magtetext dahil ayokong makasira ng relasyon. Umabot din ng ilang linggo na hindi ko siya tenext samantalang sige parin siya sa pagsosorry sakin para lang magtxt ako uli. Tapos isang araw tumawag siya na pinakialaman naman ng kapatid ko at sinagot kaya inagaw ko ang cp ko at pinatay ang tawag niya, pero pagkatapos nun pinatawad ko na siya. Balik sa normal tulad ng dati. Sinabi niyang nagbreak na sila ng gf niya dahil wala lang naman daw un at dahil na rin sa malayo din sila sa isa't isa. Atsaka ayaw naman daw niyang mawala ako sa kanya dahil mas mahalaga ako dun sa naging gf niya at mas una daw niya ako nakilala at ayaw niyang masira kung ano man ang meron kami kahit na wala naman kaming relasyon. Sa isang banda nakakatuwang isipin na mas pinili niya ako sa gf niya pero nakakalungkot dahil parang ako pa ang dahilan kung anong nangyari sa kanila.
One time nagulat ako ng bigla nalang magtxt ang exbf ko (si 1st bf) tapos tumawag pa siya na parang tinatanung niya kung pwede pa daw ba kami? Akala ko magiging ok na ung lahat that time pero hindi pala kasi para lang akong umasa sa isang pangakong hindi naman natupad. Gulong-gulo ung isip ko that time, nasasaktan din ako dahil parang pinapamukha sakin ng ex ko na ako ang may kasalanan ng lahat ng nangyari nun samin. Kaya naman tenext ko si adik, humingi ako ng advice. Pero nung time na un pakiramdam ko wala siya sa mood kausap, ewan ko kung bakit ayoko namang mag-assume na nagseselos siya dahil wala naman dapat. Pero pagkatapos nung time na un after a week hindi na rin siya nagparamdam sakin. Para nga siyang gumanti sa ginawa ko sa kanya nung nag-away kami. Nagtxt lang siya nung sinabi kong wala namang nangyaring balikan samin ng ex ko dahil mukang useless na un samin.
Dumating ang time na isang araw inamin niya sa akin na may feelings na siya for me. Sabi niya hindi daw niya expected un kasi nga sino ba namang maiinlove sa isang taong hindi mo pa nakikita ng personal? Nagulat ako pero flattered ako sa sinabi niya. Pero pagkatapos nun sinabi ko sa kanyang hindi kami pwede kasi ayoko ng long distance relationship dahil naranasan ko na un before at nadala na ko. Pero ang kulit kulit niya na iba raw siya sa mga un at patutunayan niya un sakin. Sinabi kong friendship lang ang kaya kong i-offer kasi on that way hindi magiging kumplikado, friendship lasts a lifetime. Ibang level na kasi kapag may relasyon parang nagiging kumplikado ang lahat at ayoko naman siyang mawala sakin. In some point nagiging selfish na nga ako  pagdating sa kanya. 
Pero nung sinabi niyang nagbago na ung isip niya at magmomove on na daw siya, nagbago ung isip ko. Pumayag ako na bigyan siya ng chance. I told him na sana hindi niya sayangin un kasi huli na un at sa isang taon at limang buwan ng friendship namin, kilala na din naman niya ako. Alam niya na kung anong ayaw at gusto ko at kung anong makakapagpasama ng loob ko. Nakakatuwa nga kasi sasabihin ko palang sa kanya pero alam niya na, sabi niya ganun daw talaga pag nagmamahalan magkarugtong ang mga puso pati ang isipan. Umabot din kami ng 6 months at doon na din natapos ang lahat. Sa anim na buwan na iyon ginawa ko ung best ko para mapasaya ko siya kahit na ilang milya ang layo naman sa isa't isa. Pero siguro nga were not meant to be. Hindi ko lang matanggap na pagkatapos ng lahat after 4 months ang dami dami ko pa atang hindi alam tungkol sa kanya. Ayoko siyang husgahan dahil kahit papano ramdam ko naman ung pagmamahal niya nun para sa akin pero sa mga nalaman ko hindi ko mapigilang hindi makaramdam ng galit sa kanya. Pakiramdam ko kasi he betrayed me behind my back. I'm still hoping na sana marinig ko ung side niya pero wala. Kunsabagay useless na din naman kasi wala ng "kami." Nakakainis lang dun kasi naging totoo ako sa kanya pero parang napaglaruan lang ako ng wala akong kamalay malay. I just only want a little respect pero parang ipinagkait pa ata un sakin, masaklap dun dahil sa lahat ng tao siya pa ang gumawa nun.
Last night tenext ko siya pero no response. Nakita ko siyang online so nagmsg ako sa kanya pero no response pa din... ang tanga tanga ko kasi mas gusto ko pa din siyang paniwalaan kahit paano pero seems that wala na ung halaga...
Ung galit ko sa kanya last time parang icecream na mabilis natunaw. Siguro kasi kahit paano naniniwala pa din ako sa mga sinabi niya. Pambobola man un o totoo, naniniwala ako sa kanya. Sana bukas paggising ko wala na siya sa isip at puso ko. Sana wala ng maiwan kahit na katiting na pagmamahal kasi nasasayang lang...
Hindi ko na din alam kung anong salitang dapat sabihin... I'm trying to be ok... Sana magawa ko...

5/21/10

BAKIT nga ba AKHET?

Ano nga bang kwento tungkol sa nickname kong haket na ginawa kong akhet...?

Let me share this to you...hehehe... english un ah...

Umpisahan muna natin sa tunay kong pangalan...
I was named MICHELLE by my mother... nakakapagtaka noh? ang layo kasi ng pangalan ko sa nickname ko. Michelle daw dahil sa pinanganak ako sa shell craft kaya ayun naisip niyang idamay ang walang kamuwang muwang na shell at dinagdagan nalang niya kaya naman naging MICHELLE.
At kung bakit napakalayo ng nickname ko sa name ko eh kagagawan naman yan ng aking pudra. Ayon sa kwento ng aking madir dear... Nung unang panahon daw este nung bata pa ako, dahil daw sa ang taba taba ko at kalbong kalbo pa (na kabaliktaran ngaun...xmpre naglevel up na ko...hehehe) eh nakatuwaan ng papa ko na haket ang ipalayaw sa akin na nakuha naman niya sa idol niyang import ng basketball noon na ang pangalan ay MICHAEL HAKET. Idol na idol daw kasi un ng aking pudra dahil isa siyang basketball player dati. At dahil sa player na iyon, nadisgrasya tuloy ang walang kamalay na malay na batang si ako... Kaya tuloy hanggang ngayon eh un pa rin ang tawag sa akin. Buti na nga lang at nawala na ang letter h kaya naging aket nalang.. mas cute na un...hehehe

Dito po nagtatapos ang aking maikling kwento.. BOW....

5/18/10

ALA-ALA ng KAHAPON

Iba ka na ngayon, kung dati sakto lang ang katawan mo ngayon nag level up kana... Siguro kasi hiyang ka sa work mo o dahil sa gf mo ngayon?hahaha... Naadd pala kita sa facebook ng hindi sinasadya dahil sa kakapindot ko nawala kasi sa isip ko na nasa contacts nga pala kita sa yahoo mail ko. Hindi ko alam kung dapat ko bang pagsisihan ang pag-add sayo kasi kapag nakikita kitang online parang may kaba sa dibdib ko. Ewan ko kung bakit.

Masaya ako na makita kitang masaya kasama ngayon ang bago mong mahal. Nakakatuwang unti unti mo na ring natutupad ang mga pangarap mo para sa pamilya mo. Buti kapa nakita mo na iyong babaeng mamahalin mo samantalang ako heto pa rin, nag-iisa... Loveless... kumbaga sa load eh zero balance... kung sa score naman bokya.

Nung minsan nakita kong online ka nagpm ako sayo gusto ko lang naman sanang mangamusta kaso gf mo pala ang nag-oopen ng account mo. Nahiya tuloy ako...

Ikaw ang first bf ko...
ang first kiss at kauna unahang lalakeng nagbigay sakin ng bouquet ng bulaklak...
Ikaw din ung pinakasweet...

Tanda ko pa nga nun kapag may dadaanan tayong eskinita kakargahin mo pa ako kasi sabi mo nga baka mashoot ung paa ko sa kanal dahil masyadong makitid ung daan...
Kapag walang naglalaro sa computer shop dati kakantahan mo ako na may paemote emote mo pa. Tapos isasayaw ako, kahit na muka tayong tanga nun... Napakasaya ko talaga...
Nung minsan namang nag double date tayo kasama ang kapatid ko dahil sa sobrang pagod ko pinasan mo ko sa likod mo na para ka lang nagpasan ng isang bata... Tawa pa ako ng tawa nun kasi sabi ko sayo ibaba mo na ako pero ang kulit mo kasi hindi mo pa rin ako binababa... Tuwang tuwa sila satin nun kasi ang sweet sweet daw natin na para tayong mga bata. Siguro daw tayo ang magkakatuluyan pero malabo un.

Meron pa nga tayo nung notebook na para bang isang diary na kapag hindi tayo nagkikita dun natin isusulat lahat para alam natin kung anong nararamdaman ng bawat isa tapos kapag magkikita tayo saka tayo magpapalitan ng notebook. Walang palyang hindi mo ako napaiyak sa bawat sulat mo kahit na nga minsan eh parang paulit ulit lang ung mga nakasulat dun. Minsan nga may kasama pang tula para sa akin. Samantalang ikaw tinatawanan mo lang ung mga sulat ko sayo.

Sabi mo sakin nun ayaw mo kong makitang umiiyak. Ikaw pa nga lagi nagpupunas ng luha ko na minsan pati sipon kasama na..hahaha pero dinadaan mo lagi sa biro ang lahat para lang patawanin ako. Hindi mo lang alam na tears of joy un dahil sayo.

Sa tuwing kakain tayo kulang na lang subuan mo ko. Pinaghihimay mo pa ako minsan tapos pipiliting kumain ng gulay para naman tumaba ako. Kapag naman gabi na, lagi nating pinapanood ang mga bituin sa langit tapos titingin ka sakin na may ngiti sa labi mo. Minsan nga naisip ko nakakatawa ba ang mukha ko? 


Madalas din kitang mahuling nakatitig sakin tapos nakangiti ka na parang ewan. Alam mo namang ayoko ng tinititigan ako, naiilang kasi ako. Pero sa totoo lang kinikilig kasi ako kapag nakatitig ka sakin pakiramdam ko ako ang pinakamagandang babae sa buong mundo kahit hindi naman.

Sinabi mo ding ako lang ang nakakaintindi sayo at nagpapasalamat ka dahil dumating ako sa buhay mo. Masarap sa pakiramdam kasi galing sayo. 

Kapag namamasyal tayo lagi mong sinasabing sana huminto ang oras para matagal pa tayong magkasama. Naalala ko pa nung minsang magkaroon ng problem ang smart dahil delay ang mga txt na narereceive mo. Pumunta ka ng dis oras ng gabi para lang icheck kung nakauwi na ba ako. Napangiti ako ng makita kita nun kasi akala ko binibiro mo lang ako na nasa labas ka ng bintana ko. Tapos ilang minuto lang umalis kana din dahil sabi mo nga gusto mo lang akong makita. Hay ang adik mo talaga...

Nung nag-away naman tayo napaiyak kita ng hindi ko sinasadya, nagseselos ka na pala ng hindi ko alam. Hindi ko alam ung gagawin ko that time sabi mo kasi wag kitang tingnan, nakasandal ka lang at nakayuko sa likod ko. Awang awa ako nun sayo kasi un ung unang beses na nakita kitang ganun, hindi ko rin kasi alam kung anong gagawin ko para icomfort ka pero buti nalang at naayos din un...

Dumating ung time na nagkaroon tayo ng problema at dahil na rin masyadong magulo ung sitwasyon umabot tayo sa hiwalayan. Hindi kasi tayo nagkaintindihan... Ni hindi na din tayo nagkaayos at nakapag-usap ng personal.

Nawalan man ng salitang "tayo".
Naging napakalaking bahagi ka pa rin ng buhay ko.

SALAMAT SA MGA ALA-ALA...

5/17/10

MOON and the STAR



Ung moon and star parang dalawang taong nagmamahalan... in time magkakasama din sila...


un ung naisip ko kagabi ng makita ko sa fb ang ibat ibang pictures ng eclipse kagabi...


sa totoo lang nalulungkot ako kagabi but when I saw that picture napangiti ako... madalas kasi magkahiwalay sila dba? and minsan lang sila magkasama... tulad ng dalawang taong nagmamahalan...


sana in time magkasama din kami ng MOON ko...haha






a LONG WALK ng dahil sa PISO

Last month sinamahan ko ung friend ko na mag-apply since hindi niya alam ung place and first time niya mag-apply ng work. So I insist na samahan siya since wala naman akong gagawin. Medyo alanganin nga kami coz she only have her resume, wala pa kasi siyang mga requirements pero sabi ko ok lang siguro un basta kapag nahire siya sabihin nalang niyang to follow nalang ung mga requirements. So ayun nga I instructed her kung ano ung mga gagawin niya pagpasok niya sa building and ayun hinintay ko muna siyang makapasok bago ako umalis. Since hindi naman ako nagmamadali medyo nagstay muna ako sa labas just to make sure na hindi nagkaroon ng problem pero unfortunately hindi pala pwede na resume lang ang dala kasi need ng nbi and e1. So ayun nga magkasama ulit kami pauwi. Pero dahil malapit na din ung quezon city hall, naisip niyang kumuha na ng nbi para naman the other day eh makabalik siya ulit. Pero kinompute muna namin ung pera naming dala dahil baka hindi magkasya, 100+ lang kasi ung dala ko dahil alam ko nga eh sasamahan ko lang siya. Nakapila na kami sa line 1 para sa application ng sabihin nung announcer ba un na need daw ng i.d. I asked her kung may dala ba siyang i.d pero ang problem is hindi namin alam kung valid i.d ba ung dala niya kaya just to make sure na hindi masayang ang pinipila namin eh pinakuha ko na siya ng sedula since ayun nga daw ang kilangan kung walang i.d. Kaya naiwan ako sa pila samantalang kumukuha ng sedula ung friend ko. Medyo natagalan din siya bago dumating pero nakakuha naman siya ng sedula. Tapos nung tinanung ko siya kung magkano ang kuha niya eh nasa 50+ ata ung sedula if I'm not mistaken.. Nagulat talaga ako sa price kasi ang mahal naman nun para sa kapirasong papel....hehehe... medyo nag-iisip na din ako nun kung kakasya pa ba ung pera pero tingin ko naman eh kasya pa makakarating pa naman kami Sm Fairview. At ayun nga sa tinagal tagal ng pila namin dun eh, naging ok naman. Masaklap nga lang dun pagdating na sa Encoding nagkaroon ng problem kasi may hit siya, so bale next week niya pa makukuha ung nbi. Nanlulumo na nga ung friend ko that time, kasi parang useless na din ung pagkuha niya ng nbi eh hindi din pala siya makakabalik para makapag-apply. Pero ako dinadaan ko nalang sa ngiti at tawa.

Meron nalang akong 50+ sa bulsa ko that time. Alam ko ngang parehas na kaming gutom that time pero sinabi ko sa kanyang kumain ako sa bahay. Napilitan akong magsinungaling kasi ayoko namang mag-alala pa siya sakin dahil alam niyang may ulcer ako at isa pa hiyang hiya na din siya. Nagbus nalang kami instead na magjeep kasi akala ko mas makakamura kami dun, pero un ang pagkakamali ko. Kasi napamahal pa lalo. Inaabot talaga kami ng kamalasan ng time na un. Pero dinadaan ko nalang sa biro. Nakarating kami ng Sm Fairview siguro mga 1:30pm na un. Pumasok muna kami ng mall para makapag-isip isip at tumingin tingin kung may hiring pa dun. Meron nalang kasi kaming 13 pesos. Pwede pa sana un pamasahe pauwi kaso kulang kami ng 1 peso. Tapos maya maya nakasalubong namin ung isa sa mga classmates namin nug high school, manager siya ng MCDO... Pagkakataon na sana namin un para manghiram ng piso kaso mukang wala siyang dalang pera kaya hindi na rin kami nang-hiram tsaka hindi rin kasi namin un ganun kaclose. Umiral din ung pride namin...hahaha... ang siste? wala kaming napala... pumunta kami ng mall at nakakita ulit kami ng isang classmate namin na isa sa mga crew sa Rice in a Box. Kaso for the second time umiral ulit ung hiya namin.... kaya ang siste? wala na naman kaming napala... Isa na lang ung naisip naming way para makauwi, kundi ang maglakad.... 

Sabi ng friend ko sakin sumakay na daw ako tutal naman may pera pa ako kasi kaya naman daw niyang maglakad mag-isa tsaka ok lang daw na iwan ko siya. As in sobrang kulit niya at paulit ulit niyang sinasabi sakin un habang nasa Robinson mall pa kami. Sabi ko naman uuwi ako tapos babalikan ko siya para kumuha ng pera... Hindi ko lang kasi talaga nadala ung pera ko dahil hindi ko din naman expected na ganito ung mangyayari. In the end hindi ako pumayag sa gusto niya at naglakad nalang kami. Para naman kasing napakawalang kwenta kong kaibigan nun kung ako sasakay samantalang hahayaan ko siyang maglakad sabi ko sa kanya... hindi ko rin kaya na iwanan siya sa ganung sitwasyon.

MAGKASAMA TAYONG UMALIS KAYA MAGKASAMA DIN TAYONG UUWI... GAGA KA HINDI KITA IIWAN DITO NOH... sabi ko sa kanya na tatawa tawa lang...

Nakangiti lang siya sakin habang sinasabi ung SALAMAT... pasaway ka talaga...
Sa totoo lang parehas na hindi namin alam kung saan dadaan pero dahil ako ang lider sa paglalakad..hehehe... hinula hulaan ko lang kung saan banda kami pupunta... Salamat na nga lang dahil hindi naman kami naligaw un nga lang ang sakit ng mga katawan namin... Mga 2 oras din siguro inabot ang paglalakad namin kasi napakagaling kong magturo ng daan..hehehehe.... At ng matanaw na namin ang liwanag este ang daan pala papauwi nakahinga na kami ng maluwag dahil sa hinaba haba ng paglalakad nakauwi din kami...

Great experience un para sakin...
at un ang pinakamasayang paglalakad na ginawa ko sa buong buhay ko....
MALAYO pero masaya...

MALAYONG PAGLALAKAD NG DAHIL SA PISO...

ikaw anong kwentong piso mo?

5/14/10

PHOTOGRAPHS (LOVE STORY)




"Ate, baka gusto mong sumama sakin sa tabing dagat? Baka kasi naiinip kana dito samin eh, nag-aalalang tanung sa akin ng pinsan kong si Candy". 
Nakatingin ako noon sa labas ng bintana ng marinig kong anyaya niya, bahagya akong tumango at maigsing sige ang sinagot ko.
"Kung ganoon ay sumunod ka na lamang sa akin sa baba may kukunin lang ako, dagdag pa niya". Pagkatapos noon ay kumilos na ako at nag-ayos saka bumaba na.

Si Candy ay pinsan ko, 18 taon pa lamang siya samantalang nasa 25 anyos na ako. Kung bakit man ako muling nagbalik pagkatapos ng ilang taong pagtira sa Maynila at nagmumukmok sa kanilang probinsya siya lang ang nakakaalam. 

"Hindi ba't napakaganda ng lugar na ito ate, nakakarelax... ang sabi niya ng makarating kami sa dalampasigan".
Oo, napakaganda nga. Sariwang hangin, tahimik na kapaligiran, walang kaduda dudang napakaganda ng lugar na ito lalo na ang dagat, na para bang hinahalina ka nito na lumapit sa kanya, pero sapat na ba ito para maalis ang sakit na nararamdaman ko? ang makahulugang sagot ko sa kanya na mababakas ang kalungkutan sa bawat salitang binitiwan.

"Ate... un lamang ang tanging salitang nasambit niya habang bahagya akong pinagmasdan na may halong awa sa kanyang mga mata.
Am I that pathetic? tanung ko isip ko, kasabay ng isang malalim na buntong hininga.
Pwede mo ba akong iwan muna candy? gusto ko lang mapag-isa... pakiusap ko sa pinsan ko.
"Kung iyan ang gusto mo, hihintayin na lamang kita sa bahay ate huwag ka masyado magpagabi. Hindi man sapat ang lugar na ito para mawala ang sakit na nararamdaman mo pero marahil sapat na ito para maibsan kahit paano ang sakit...ang nakangiting sambit niya bago siya tuluyang umalis."

Siguro nga tama si Candy, hindi man nito magawang alisin ang sakit na nararamdaman ko kahit paano naman ay nababawasan...kasalukuyan akong nasa gaanong pag-iisip ng bigla kong mapansin ang flash ng camera mula sa di kalayuan. Paglingon ko, isang lalake papalayo mula sa kinaroroonan ko ang naglalakad papalayo. 
Marahil isa siyang photographer base sa itsura ng camerang hawak niya. Pagkatapos ng ilang minutong pananatili ko sa lugar na iyon, umalis na rin ako at naisip kong muling bumalik.. Masarap sa pakiramdam ang katahimikang bumabalot sa lugar na iyon. Malayo sa mga mapanghusgang taong napakaliit ng tingin sa akin na para bang ako ang pinakawalang kwentang tao sa mundo.

Hindi lang isang beses na nagpunta ko ng dalampasigan kundi naulit ito sa maraming pagkakataon. Sa tuwing pinagmamasadan ko kasi ang dagat nakakaramdam ako ng kapayapaan sa puso ko. Na para bang sa lugar na iyon nababawasan ang sakit na nararamdaman ko dahil sa isang nakaraang gusto ko ng kalimutan. Sa nakaraang minsan kong sinubukang takasan pero sa bawat araw ng buhay ko iyong mga bagay na gusto kong kalimutan kung kilan para bang nagiging maayos ang lahat saka naman para bang nananadya ang tadhana at bigla nalang isang balita ang mas lalong magbibigay ng sakit.

Isang araw habang nagbabasa ako ng dyaryo, isang article doon ang kumuha ng atensyon ko at isang pamilyar na larawan ng isang lalake kasama ang isang babae.
"Mr. Lee are now married to a very beautiful woman Ms. Lopez...." Hindi ko na nagawa pang tapusing basahin ang article. Sapat ng nalaman kong nagpakasal na pala ang lalakeng ikakasal sana sakin. Ang lalakeng minsan kong minahal at hanggang ngayon ay laman pa rin ng puso ko. Sa galit ko itinapon ko sa labas ang dyaryo at tumakbo sa paborito kong lugar. Doon ko ibinuhos ang lahat ng luhang kaya kong ilabas. Napakasakit...
sobrang sakit...
Bakit ganun na lang kadali para sa kanya ang kalimutan ako? tanung ko sa isip ko.
Bakit kilangan ko pa siyang makilala para lamang masaktan ako? at sa lahat ng bakit...
Bakit siya pa ang minahal ko?

-------





Sa di kalayuan isang pamilyar na bulto ng katawan ang natanaw ko na nakaupo sa may batuhan. Sa halos araw-araw na ginagawa kong pamamasyal sa may dalampasigan halos araw-araw ko ding nakikita ang isang magandang babaeng laging may malungkot na aura sa kanyang katauhan. At dahil sa kuryusidad naisipan kong magtanung kung sino ang babaeng iyon. Doon nalaman kong siya pala ang batang babaeng minsan kong pinangakuan. Isang pangakong hindi ko alam kung natatandaan niya pa. Masaya ako ng malaman kong siya pala ang kababata ko pero napalitan din ito ng lungkot ng malaman ko mula kay Candy kung anong pinagdadaanan niya. Ikakasal na sana siya sa isang sikat na Businessman sa Maynila ng hindi sumipot ang groom sa kasal niya, bukod sa kahihiyang natamo niya at ng kanyang pamilya higit pa roon ang sakit na naramdaman niya ng malaman niyang ikinasal na pala ang lalakeng minahal niya. 

Sa loob ng ilang taon nakita ko rin siyang muli. Iyon nga lang hindi ko inaasahan na sa pagbabalik niya dito isang malungkot na babae ang makikita ko, kabaligtaran sa isang batang babaeng nakilala ko noon. Hindi ko man gustong makita siya sa ganoong kalagayan, hindi ko alam kong paano ko maaalis ang lungkot sa mga mata niya, sa maamong mukha niya.
Sana pwede kong akuin ang lahat lahat ng sakit na nararamdaman niya.
Sana kaya kong ibalik muli ang dating ngiti sa mga labi niya.

Miss okay ka lang ba? tanung ko ng makalapit ako sa kinauupuan niya. Sa halip na humarap sa akin ay sa kabilang side siya tumingin na para bang gusto niyang itago ang pag-iyak niya. Hetong panyo? sabay abot ko sa kanya. Wag kang mag-aalala malinis naman yan eh, dagdag ko pa. Ni isang salita wala akong narinig mula sa kanya, katahimikan ang bumalot sa lugar na iyon. Maya maya'y siya rin ang bumasag ng katahimikan sa pagitan namin. 
"Salamat, maigsing sagot niya na mababakas pa rin sa kanyang mukha ang labis na kalungkutan."
Hindi ka tagarito hindi ba? ngayon lang kasi kita nakita dito samin, pagsisimula ko ng usapan.
Oo, hindi nga... matipid nyang sagot.
....
Bakit ka umiiyak? naaalangang tanung ko sa kanya.
Hindi naman dahil sa pinahiram mo ako ng panyo mo eh sapat na iyon para sabihin ko sayo ang dahilan ko, ang sabi niyang walang kare-are-aksyon sa mukha sabay tayo at akmang aalis na.
Teka, aalis ka na?
Oo, salamat sa panyo hayaan mo papalitan ko ito sabay talikod niya sa akin.
Siya nga pala may exhibit bukas sa bayan baka gusto mong pumunta para mabawasan naman yung lungkot mo, paanyaya ko sa kanya sabay hiling na sana ay pumunta siya.




--------
"Oh, ate andiyan ka na pala, galing ka ba ulit sa dalampasigan?"
Ah, oo nanggaling nga ako doon..
"Siya nga pala sinabi sa akin ng ni Kuya James na may Exhibit daw bukas sa bayan, baka gusto mong mamasyal at tingnan?
Exhibit? pagkarinig ko nun naalala ko ang sinabi sakin ng lalake kanina sa dalampasigan. May exhibit bukas sa bayan baka gusto mong pumunta para naman mabawasan ung lungkot mo.Hindi naman siguro masama kung pupunta ako. Sige pumunta tayo bukas candy. Teka sino naman ung sinasabi mong James? 
"Ah, si Kuya James? kaibigan ko siya ate. Hayaan mo ipapakilala ko siya sayo bukas."
Ah, ikaw ang bahala. 

Kinabukasan maaga kaming pumunta ni Candy sa Bayan para tingnan iyong exhibit na sinasabi ng kaibigan niyang nagngangalang James, at ng lalake sa dalampasigan. Pero habang tinitingnan ko ang mga larawan, may isa doong kumuha ng atensyon ko at ni candy.
"Ate, tingnan mo ang larawan nitong babae na nakaupo parang ikaw? puna ni candy."
Pinagmasdan kong maigi ang larawan at tama nga si Candy, hindi ako maaaring magkamali dahil talagang ako nga ang babae sa larawan. Hindi lang pala isa ang larawang iyon sa may batuhan kundi marami pa at sa iba't ibang anggulo, mababakas ang lungkot sa mga mata nga babae. Masasabi kong maganda at magaling ang kumuha ng mga larawang iyon dahil ramdam mo ang emosyon sa bawat kuha. Pero kahit ganun inis ang nararamdaman ko sa pagkuha niya ng mga litrato ko na walang paalam mula sa akin. Bakit kilangan niyang kuhaan ako ng pictures para lamang ipakita sa lahat kung anong lungkot ang nararamdaman ko? Nagngingitngit ang kalooban ko at pakiramdam ko naiinsulto ako sa walangyang photographer na hindi man lang humingi ng permiso sa akin. Nagsimula akong magtanung sa mga tao para alamin kung sinong photographer at laking gulat ko ng makita ang isang pamilyar na muka. Ang lalake sa dalampasigan, nandito din. Sa kakatingin ko ng mga larawan nawala na sa paningin ko ang pinsan kong si candy at laking gulat ko ng makita siyang kausap niya ang lalake na iyon kaya naman agad agad akong lumapit para magtanung. Pero dahil sa naunahan na ako ni candy nasagot na din ang tanung sa isip ko.

"Ate, buti naman at lumapit kana pala dito. Gusto ko nga palang ipakilala sayo si Kuya James? siya ung sinasabi ko sayo kagabi, natatandaan mo?"
Ah, oo candy.. maigsing sagot ko na hindi pa rin makapaniwala. 
Kuya james, baling naman ni candy sa lalake, siya nga pala ang pinsan ko si ate Ysa.
Nice meeting you... sambit ni James sabay ngiti.
Teka candy alam mo ba kung sino ang bwesit na photographer na kumuha ng mga pictures ko? gusto kong makausap ang kumag na un para alisin niya dito ang mga pictures ko.
Bahagyang nagkatinginan sila James at Candy na para bang takang taka sa inaakto ko pero binalewala ko un.
Magsasalita na sana si candy ng biglang putulin ni James ang sasabihin nito.

"Ako ang bwesit na photographer na sinasabi mo ang sabi ni James na para bang nang-aasar ang ngiti."
Ah, ikaw pala.. Ikaw pala ang bastos na lalakeng hindi man lang humingi ng permiso ko para ilagay dito ang mga larawan ko. Pwede bang tanggalin mo ngayon din ang mga pictures na iyon? utos ko sa kanya.
"Why should I do that? hindi mo ba alam na maraming nagagandahan sa mga pictures mo?"
Nagagandahan? o naaawa sila sa nakikita nila? pagkasabi ko noon agad akong lumabas sa lugar na iyon. 

Mabilis kong nilisan ang lugar na iyon at patakbong tumungo sa dalampasigan. Doon ibinuhos ko ang masaganang luhang kanina pa nag-uunahang lumabas.
Pumunta ako sa lugar na ito para magkaroon ng katahimikan pero heto't kahit saan ako magpunta hindi ako tinatantanan ng mga matang mapang husga.


5/10/10

I HATE YOU...

I hate him...

I even hate myself...

bakit kilangan niyang iparamdam sakin ung ganitong feeling na para ba kong isang basura para sa kanya...
Nakakainis...
Ang tanga tanga ko talaga...
I trust him with all my heart.. tapos in the end malalaman ko na it was just a game..
Shit talaga...
Sana sinabi mo sakin para naman inenjoy ko masyado ung larong un... Paksyet...
Nakakainis ka talaga...
The worst thing is I still wanted to believe with your words...
Tell me, talaga bang wala lang un para sayo? 
Para saan pa ung pagpapadala mo ng stuff toy? anu un profs mo lang?
My gulay naman oh! sana hindi kana nag-effort para lang makipaglaro sakin...
Ngayon sobrang saya mo ba? dahil napaniwala mo ko? at dahil nagago mo ko ng bonggang bongga?
I salute you... sobrang galing mong artista eh... alam mo un pang famas award eh... as in...

Ang tanga tanga ko talaga... nakakainis...
Naisahan mo ko dun ah...
All this time akala ko totoo lahat ng pinakita mo un naman pala scripted ata lahat ng un...
Shit talaga...
Of all people bakit ikaw pa? bakit ikaw pa na pinagkatiwalaan ko?
Wala naman akong ginawang masama sayo, pero bakit mo ko ginanito?
Bakit mo ko pinagmukang tanga?
Habang ang lahat ng tao alam na kung gaano ko kaengot eh ako naman walang kaalam alam...
Akala ko kasi iba ka...
akala ko hindi ka katulad niya...
pero shit, dinaig mo pa siya eh...
Marami talagang namamatay sa maling akala at isa na ako dun...
Isa sa mga tanga...

Ngayon tuloy natatakot na kong magtiwala ulit...
Lahat nalang ng pinagkakatiwalaan ko, palpak...
Akala ko pagdating sayo tumama ako, un pala sablay din...
Akala ko magaling na ko kumilala ng tao...
Ndi pa rin pala...

Nice game...
Nag-enjoy ako...

5/9/10

mY mr. EWAN

CONVERSATION NAMIN NG FRIEND KO

pol: ikaw kilan ka mag-aasawa? napag-iwanan kana ah...
ikaw kasi binasted mo ako...hehehe

ako: loko loko... bf nga wala ako eh, asawa pa kaya?

pol: bat kasi wala kang bf?

ako: eh sa wala eh, ano namang magagawa ko?

pol: maghanap ka kasi...

ako: hindi ko kilangan maghanap, sila dapat maghanap sakin..hehehe

pol: malay mo andyan lang sa tabi tabi ung mr. ryt mo

-end-

ayan na naman yang mr. right na yan...
pano mo ba malalaman na siya na nga si mr. right?

  • kapag ba kanan ang gamit niya?
  • kapag ba lagi siyang nakatingin sa right side?
  • kapag ba lagi siyang right?
eh pano kung kaliwete? eh d ndi na siya pwedeng tawaging mr. right? so mr. left ba dapat ang itawag sa kanya?hehehe

seriously? i used to believe sa mga mr. right na yan... kalokohan ndi ba?
oo tama... isang malaking kalokohan talaga...
sino ba naman kasing nakakaalam kung nag-eexist nga ba talaga si mr. right?
eh siya kaya alam niyang nag-eexist ako? hahaha...

basta ang pinaniniwalaan ko lang ngayon...
sa bawat isa satin may isang taong nakalaan para sa kanya...
hindi ko alam kung siya ba ung tinatawag nilang mr. right? the one? o mr. perfect.?
basta ang alam ko siya ang MR. EWAN ng buhay ko...
at itatago ko siya sa ganung pangalan...

MY MR. EWAN...

PHOBIA

phobia (from the Greekφόβος,phóbos, meaning "fear" or "morbid fear") is an intense and persistent fear of certain situations, activities, things, animals, or people. The main symptom of this disorder is the excessive and unreasonable desire to avoid the feared stimulus. When the fear is beyond one's control, and if the fear is interfering with daily life, then a diagnosis under one of the anxiety disorders can be made


kanina ito ung topic sa aha! hosted by drew arellano sa channel 7. 
naisip ko tuloy ung mga phobia ko... ang dami ko kasing kinatatakutan...

takot ako sa bola - nagsimula ito noong high school ako. natamaan kasi ako noon sa likod ko habang nakatambay kami sa may likod ng puno. ang sakit sakit naman kasi... simula noon kapag nakakakita talaga ako ng bola lalayo na ako niyan kahit na ang layo pa naman sakin, pakiramdam ko kasi may paa ang bola at baka habulin ako... hehehe... kaya nga kapag nanonood ako ng naglalaro ng basketball sinisigurado kong malayo talaga ako dahil makakita lang ako ng bola eh napaparanoid na talaga ako...at hanggang ngayon hindi pa rin maalis sakin un...

takot din ako sa mga nakakatakot na rides tulad ng roller coaster - makita ko lang kasi ung taas nun pakiramdam ko pag sumakay ako eh malalaglag ako... lalo na ung sa part na papaakyat tapos biglang bababa para bang maiiwan ung kaluluwa mo... kaya ayoko talaga sa mga ganyang rides.. baka mamatay ako.. o.a noh?

takot din ako sa palaka - (irrelevant na ung mababasa mo sa topic ko.. may makwento lang ako..hehe)nung high school nung minsang pinagdala kami ng palaka talaga namang halos umiyak ako nun sa pinsan ko para lang ihuli ako ng palaka dahil nga kilangan para sa isang activity. ang siste, mag-aala doctor pala kami na kala mo e ooperahan ang palaka... nung nakita ko na ginagawa un ng mga classmates ko talaga namang hindi ko maiwasang maawa sa palaka... ikaw ba namang isabit sa kahoy na para kang nagpenitensiya ng mahal na araw... masaklap dun eh mamatay din sila dahil kilangan lang bilangin ung heartbeat ata un... (nakalimutan ko kasi ung term para activity na un eh..disect ata un)..tsaka sino ba namang mabubuhay na hiwa na ang tyan mo? kaawa awang mga frog... at dahil sa activity na un hindi ko dinissect ang aking malaking frog kawawa naman kasi siya eh...buntis pa naman ata... kaya aun wala akong grade tuloy... tapos pinakawalan ko nalang siya...habang sinasabing "humayo kayo at magpakadami" hehehe...


ang mama ko?

  • sa totoo lang ah, wala siya masyadong alam lutuin kaya minsan nakakasawa din kasi kung anong ulam ngayong week, ganun pa din yan next week iba iba nga lang ng araw...hehehe
  • hindi niya ugali ang magmura kaya minsang narinig namin siyang magmura as in nanlaki talaga ang mata namin sabay tanung... si mama ba un?
  • kapag wala siya sa mood paulit ulit na sermon ang aabutin mo... para kang nakikinig ng sirang plakang paulit ulit...
  • hindi niya matandaan ng tama ang pangalan ng kahit sinong artista kaya kapag bumanat na yan si mama talaga namang matatawa ka...
  • pag nagkuwento yan kwela kasi ba naman pati facial expression eh meron... san ka pa?
  • kapag galit siya kahit na anong tanung mo dyan eh wala kang maririnig na sagot kahit pa yata magkabunga at ugatin kana diyan...
  • kapag walang pera yan madalas mainit ang ulo kaya alam na kapag mainit ang ulo niya...
  • kapag magtetext yan aabutin ng 48 years (wag ka ang nattype palang niyan "pa musta ka na?")
  • hindi siya nangingialam ng cp (buti nalang dahil mabubuking ang mga kalokohan ko..hahaha)
  • hindi siya tsismosa pero pag may kinuwento sa kanya siguradong itsitsimis niya yan sakin...haha
  • maganda si madir dear ko, un nga lang kinulang sa height...parang ako..haha
  • favorite niya ang kantang kabet at bestfriend ni kiroro ba un?
  • trip na trip niyang kantahin ang kanta ng aegis tapos akala mo nag-iiba iba ng boses un pala nanghihina taz biglang tataas na naman..
  • mahilig siyang tumawad sa bilihin..
  • kuripot na galante..
hindi sapat ang blog na ito para maisulat ang lahat lahat tungkol sa mama ko...
    basta kahit na may pagka adik si mama love na love namin yan...

    HAPPY MOTHER's day...

    meet my LOLA

    Si Lola Belen, siya nalang ung natitira kong lola (pwera ung mga kapatid ni lola na iba). Ung parents kasi sa side ng mama ko, eh matagal ng patay. I never had the chance to spend time with them kaya nga bumabawi ako sa lola ko eh. Sa side ng papa ko si lola nalang ang natitira matagal na din kasing patay si lolo, at masaklap lang dun eh hindi ko man lang nakita si lolo.

    Lola is staying here in our house for a vacation, un nga lang nakaka 1 month palang siya pero gusto na niyang umuwi sa Marinduque kasi daw namimiss niya na ung kanyang mga apo sa tuhod dun sa pinsan ko. Bukod pa dun masyado siyang nagwoworry sa mga alaga niyang hayop na aso, pusa at manok isama mo na rin ung baboy. Ewan ko ba pero natatawa talaga ko... masyado siyang nag-aalala samantalang andun naman ung pinsan ko at mga auntie ko. Tuwing nagbabakasyon siya dito samin bihirang bihira talaga na tumagal siya ng taon siguro dahil na rin sa hindi siya sanay na wala siyang ginagawa dito at mamimili nalang siya ng bahay na pupuntahan kung saan siya kakain since tatlo sa mga anak niya eh magkakatabi lang nga ng bahay. Minsan nga suko na siya sa kakakain dahil katatapos lang daw niya kumain eh kakain na naman... Sasabihin nalang namin na minsan ka lang kasi dito la eh. 

    ANG LOLA KO:
    HINDI MARUNONG MAGSINUNGALING
    EVIDENCE 101
    Mama: Nay, hindi naman maalat ano? masarap naman...
    Lola: Ah, ayos lang naman...
    Ako: (nakiepal) ma ang alat kaya ng luto mo... la magsabi ka ng totoo?
    Mama: Hindi naman ah...
    Ako: la, dba maalat? (medyo natatawa)
    Lola: ay, oo medyo maalat...sabay tawa.
    Ako: sabi ko sayo ma eh, maalat nga ung luto mo...pano naman magcocomment si lola ng maayos eh mali naman ang tanung mo sa kanya...hehehehe...
    Mama: Hindi napadami lang ung asin ko... eto nay tikman mo ung paksiw ko.. yan hindi na maalat sabay bigay kay lola.
    Ako: sensiya na la, maalat talaga yang magluto si mama eh, lam mo naman kami dito may factory ng asin...hehehe
    Lola: tinikman ng konti ung isda sabay nilagay na sa plato ko... khet sayo na laang yan, busog na ako eh sabay ngiti...
    (HULAAN NIYO KUNG BAKIT BINIGAY SAKIN? ^_^)

    SI LOLA TALAGA HINDI MARUNONG MAGSINUNGALING...hahaha



    ANG LOLA KO:
    AYAW MAG-ESCALATOR
    EVIDENCE 102

    Mama: Nay, tara akyat muna tayo sa taas at pili ka ng isusuot mong sandals.
    Lola: Hala, sige...lakad
    Ako: (sa side lang ako ni lola, p.a ba?hehe)
    Lola: aakyat tayo dyan?
    Mama: Oo nay, iapak mo lang ang paa mo diyan...madali lang naman...
    Ako: don't worry la andito lang sa tabi mo ang maganda mong apo...(char lang un wala sa script ko un.hehehe) inalalayan ko lang si lola sa escalator... cge lang la wag kang matakot d ka naman kakainin ng buhay niyan..hehehe
    Lola: kinakabahan talaga ako pagmag-eescalator na tayo.

    ANG SISTE? KAPAG PUMUPUNTA KAMI NG MALL HANGGAT PWEDENG MAGHAGDAN, NAGHAHAGDAN KAMI...

    SI LOLA:
    THOUGHTFUL YAN

    Bihira lang namin makasa si Lola kaya nga hindi na muna ako lumalabas labas ng bahay para pumunta sa kaibigan ko eh...at sa halip tatambay ako sa labas kasama si lola tapos makikipagkwentuhan sa mga auntie ko at least on that way bonding moments na din namin un... Madalas kapag wala na akong upuan sa labas, tatayo yan si lola tapos un pala kukuha ng upuan para sakin... (ayaw niya talagang mangawit ang maganda niyang apo...hehehe)

    Nung one time na nag-aircon kami, namalayan ko nalang na nilalagyan ako ng kumot ni lola napansin niya sigurong nilalamig na si ako... sa totoo lang natouch talaga ako dun.. Un nga lang nadaganan ko ata ang braso niya (sori naman po akala ko ata unan..hehe).

    Nung minsang galing silang doctor ni mama may pasalubong pa siyang egg sandwich sakin, un nga lang may ketchup eh and I HATE KETCHUP... Sori kasi hindi ko nakain... hindi dahil sa hindi ko naappreciate hate ko lang talaga ang ketchup samantalang kinaadikan un ng mga hinayupak kong kapatid..hehehe

    ANG LOLA KO:
    PILOSOPO at MAY SENSE OF HUMOR

    Kapag nagkukwentuhan kami may time na namimilosopo din si lola at may mga pambanat din na joke kaya naman hindi na ako nagtataka kung kanino nagmana ang papa ko, malamang talaga walang kinalaman si lolo..hehehe...

    ANG LOLA KO:
    MABABAW ANG KALIGAYAHAN

    Nung minsang kakwentuhan namin si ate lourdes na asawa ng pinsan ko talaga namang mabenta ang kwento niya kaya naman todo tawa kami labas na pati gilagid at kahit ayaw tumawa ng auntie ko na wala pang ngipin dahil d pa gawa ang pustiso niya hindi napigilan ang tawa...
    Isang nakakalokong araw talaga...
    Nung magkwento si lola mas natawa pa ako. BAKIT?
    Kasi ba naman kahit daw hindi niya masyadong maintindihan ang ibang salita ni ate lourdes eh natatawa na siya...hehehe 

    DUN KO NAREALIZE NA MAY PAGKA ADIK DIN PALA ANG LOLA KO PARANG AKO LANG... 

    Para sa pinakamamahal kong lola... I'm so proud of you... The best ka talaga...
    I LOVE YOU WOWA...

    HAPPY MOTHER's DAY

    5/8/10

    HAPPY MOTHER'S DAY

    Sa mga magiging ina...
    Nag-iina inahan...
    Isa ng ina... at
    matagal ng ina...

    HAPPY MOTHER'S DAY




    5/3/10

    ang TATAY kong OFW

    Paano ko nga ba idedescribe ang tatay ko?
    hmmmm....
    ...siya ung may pagkastrikto...
    ...conservative din...
    ...matalino...
    ...maparaan...
    ...malakas ang loob...
    ...business minded...
    ...may sense of humor...
    ...matangkad...
    ...talented kasi magaling na player ng basketball, mahilig din siyang magsulat ng mga tula tsaka
       magaling kumanta..
    ...hawig niya si lito lapid...hehehe
    ...sweet...
    ...galante...
    ...friendly...
    ...magaling makisama...
    ...mainitin ang ulo pag minsan...
    ...masama magalit...

    ayan ang tatay ko... pansin mo tatay ang tawag ko imbes na papa?
    kasi ganito yan eh... ndi kami nasanay na tawagin siyang ganun dahil parang ang sagwa ng dating para sakin...ewan ko ba... d ko talaga makeri na tawagin siyang papa... d kasi talaga ako nasanay...

    sa totoo lang bilang lang sa daliri ko ung mga bonding moments naming pamilya...
    bakit? kasi nga isa siyang OFW... at simula nung nag-aral ako nagsimula na siyang magwork hanggang ngayon...kilangan kasing kumayod dahil 5 kaming magkakapatid... kapag umuuwi siya tumatagal lang siya ng ilang buwan o matagal na ung taon tapos babalik na naman ulit siya para magwork...

    At ang pinakanakakalungkot sa lahat ung time na kilangan na niyang umalis... kasi kung kilan naman okey na at parang nasasanay na kami sa presence niya eh mawawala na naman siya... Nakakalungkot kasi kung kilan masaya na kami eh kilangan niya ulit bumalik para magwork... Nakakaiyak lalo na pag sasabihin pa niya sakin na "nak, kaw ng bahala sa mga kapatid mo at mama mo"...

    Lumaki akong si mama at mga kapatid ko lang ang mga kasama ko sa lahat ng oras...
    maging saya, o lungkot man ito...

    Sa totoo lang kung may choice lang... mas gugustuhin ko pang lumaki na magkakasama kaming buong pamilya pero alam ko namang kilangan niyang gawin un para samin... ayaw niya kasing maranasan namin ung mga naranasan niya nung bata pa siya na pumapasok na walang baon at sira sira ang mga damit dahil walang pera...

    Nagpapasalamat ako sa lahat ng mga sakripisyo niya para sa aming magkakapatid...
    Pero minsan gusto ko ring maranasan na makasama ung tatay ko, ung lahat kami magkakasama para naman hindi kami nagkakailangan kapag umuuwi na siya... ang hirap din kasing mag-adjust. Ang hirap na sa loob ng isang buwan kung kilan okey na ang lahat. Aalis ulit siya... Para kang pinatakam sa isang pagkain na gustong gusto mo pero sa bandang huli hindi rin pala ibibigay sayo.

    Sa edad kong 23, sa loob ng 8 taon ko lang siya nakasama. Bilang ko ung mga time na nakasama namin siya kasi madalas sa trabaho ung oras niya. Mahirap lumaki na nanay mo lang ung kasama mo dahil may time na hahanap hanapin mo din ung pagmamahal at pag-aalaga ng isang ama.

    Natatandaan ko pa nga nung bata pa ako at nandito siya nun dahil tapos na ang work niya at inaantay pa niya kung kilan ang flight niya. Nagkasakit ako nun at nagkaroon ng mga pasa at dahil nag-aalala sila ni mama sakin dinala nila ako sa clinic sa Bayan para ipacheck up. Hinang hina ako nun kaya pinasan niya ako nun sa likod niya, un ata ung pinakamasayang araw para sakin kasi kahit na maysakit ako ramdam na ramdam ko naman ang pag-aalala nila para sa akin. Binilan pa niya ako nun ng tsinelas saka ako kinarga. Nahihiya ako nun pero masarap sa pakiramdam na karga karga ka ng tatay mo.

    Nung namasyal kami lahat nun sa Manila Zoo ang saya saya ko din nun dahil magkakasama kami lahat. Masyado kasing mababaw ang kaligayahan ko, hindi naman kasi ako materialistic mas gusto kong makita na masaya ung mga taong mahal ko.

    Isa sa mga hindi ko makakalimutan iyong sinundo namin siya sa airport, un ung kauna unahang pagkakataon na nagpasundo siya. Ugali kasi nun na mang-gulat at bigla nalang na sumulpot na parang kabute.

    Isa lang naman ang hiling ko sana makatulong ako sa kanya at sana matupad ko na ung pangarap ko, para hindi na niya kilangan pang umalis at iwan kami...
    Sana dumating ung araw na magkakasama sama kami lahat...
    Isang simple at masayang pamilya...

    SANA MANGYARI NA...

    GUSTO KO NG KUYA

    Simula pagkabata ko gustong gusto ko talaga magkaroon ng kuya. Kaya lang since ako ang eldest eh malabong mangyari ang hiling kong un... kasi ako ang ate, un nga lang hindi halata kasi ang nangyayari eh parang ako ang bunso...

    GUSTO KO NG KUYA...
    ung tipong pwede kong sabihan ng mga hinanakit ko...
    ung magtatanggol sakin kapag may umaaway at nananakit sakin...
    ung tutulong sa mga assignments at projects ko sa skul...
    ung susundo at maghahatid sakin kapag ginabi na ako sa work...
    ung pwede kong isama sa mga party kapag wala akong date...
    ung tatawag sakin ng little sis...

    basta gusto ko ng kuya...

    Nung nasa kinder pa ako naiinggit ako sa mga classmates kong sinusundo ng mga kuya nila samantalang ako si mama lang ang madalas kong kasama o d kaya minsan umuuwi lang akong mag-isa. Wala din akong mga kaibigan kasi masyado akong mahiyain at lagi lang ako sa isang tabi.

    Siguro kaya gustong gusto ko nun na magkaroon ng kuya dahil mama ko lang ang halos lagi kong kasama, bihira lang kasi kami magkita nun ng papa ko dahil nagwowork siya sa ibang bansa... isa siyang OFW. Magkasama sama man kami noon eh matagal na iyong taon o buwan para sakin... Kilangan kasi ulit niyang bumalik sa ibang bansa para magtrabaho at wala naman akong magagawa tungkol dun. Malungkot lumaki na hindi mo nakakasama iyong tatay mo at sa halip si mama lang lagi...

    Noong nag-aaral pa ako kapag gumagawa ako nun ng assignment ko sa math at minsan nakikita ni mama sasabihin niyang sayang ang tatay mo magaling diyan kaso wala naman siya kaya wala din akong magawa kahit na hirap na hirap na ako dahil sa ayoko talaga ng math.

    Kapag may mga drawing assignments kami wala akong mahingan ng tulong dahil hindi naman marunong si mama kaya kahit hindi ako marunong at pangit ung gawa ko wala akong choice kundi magdrawing buti na nga lang at kahit pano hindi naman ganun kasama, nakakainggit lang kasi ung sa mga classmates ko pinagmamalaki nilang gawa daw un ng kuya nila. Kahit na mali hindi ko talaga maiwasang maiinggit at hilingin na sana may kuya rin ako tulad nila...

    May mga pagkakataon naman na iyong ibang mga classmates ko na may mga kuya ang hiling naman nila sana daw may ate sila kasi nakakainis daw ang mga kuya nila.
    MAGULO noh?

    Pero kahit na malaki na ko (d lang halata) gustong gusto ko parin magkaroon ng kuya...

    PWEDE KA BA? =)

    5/2/10

    SWEETEST GOODBYE

    Habang nag-hihintay ako ng bus sa cubao may napansin akong magjowa na magkayakap pa... hangsweet dba?hehehe... natutuwa lang ako sa kanilang dalawa kaya naman hindi ko maiwasang hindi sila tingnan...wala pa naman kasi ung bus na sasakyan ko...

    Maya maya may bus na may sign board na MALINTA EXIT... at dahil sa ang lapit ko lang sa magjowa eh narinig ko ung usapan nila...(tsismosa eh noh..)

    gurlalo: aalis na ako ayan na ung sasakyan ko eh...
    boylalo: hindi naman yan eh...(halatang ayaw pa paalisin si girl)
    gurlalo: hindi kaya alam ko ayan un eh... alis na ako ah... sabay goodbye kiss na...
    boylalo: mamaya na... (ayaw pa bitiwan si girl)
    gurlalo: alis na ako ah... bye (sabay halik ulit at unti unti ng nagbitiw ang kanilang mga kamay hanggang sa isang daliri nalang at unti unti ng naghiwalay...)

    wala lang... ang sweet sweet kasi nila eh... nakakainggit...wahahaaha... 

    ANG MALAS

    May 1, 2010

    Pumunta ko sa Malate para sana iwithdraw ang application ko para kunin na ang Passport ko kaso wala din namang nangyari dahil wala daw pasok ung isang department kaya wala pang 5 minuto eh pauwi na ako. Nang nasa mrt station na ako sa shangrila naisipan kong pumunta nalang muna sa SM Megamall dahil may job fair daw at dahil sa maaga pa naman ng time na un so ayun nga sige go ako sa Mega...

    Nakakapagod kasi medyo malayo layo ring lakaran ang ginawa ko at napakainit pa. Nang makarating ako sa Megamall ang daming tao, hindi na nakakapagtaka kasi nga may Job fair so malamang magsisipag-apply ang karamihan dahil mga semi-formal ang mga attire. Naglakad lakad lang muna ako at hinanap ko na din kung saan banda ung venue ng Job fair, sobrang sakit ng binti ko sa kakalakad at after 2 hours nakita ko rin.

    Nasa 4th flr ata un kung d ako nagkakamali. Makikipila sana ko kaso ang daming tao mga 12:30 na din ung time at wala pa akong lunch at tinamad na akong makipila dahil wala din akong dalang resume.hehehe... Makikiusyoso lang sana ako kaso hindi pala pwede pumasok lahat so naisipan kong umuwi nalang pero dahil nagugutom ako eh syempre kilangan kumain muna kaso naisip ko saturday nga pala at walang 39'ers sa Jobby..hehe tagtipid kasi ako dahil magkano lang ang pera kong dala tapos umay na ako sa chicken dahil sa halos araw araw panay manok ang ulam namin kulang na nga lang magkapak-pak kami.hehehe... Isa pa nalulungkot ako kumain mag-isa kaya naisip ko na punta nalang ako sa kaibigan ko para makipagkwentuhan na din kaya pumunta nalang ako ng supermarket para bumili ng snack at tinapay para makain ko bago man lang ako bumiyahe dahil tom jones na talaga ang lola niyo.

    Pagkatapos kong bumili ng snack pati ng pasalubong na rin eh lakad na naman ulit ako at syempre ginamit ko na ang pinabaon na payong ni mader. Ang saklap lang dun dahil sira naman pala ung payong tanggal na ung isang alambre at nung malapit na ako sa elevator paakyat sa mrt eh sumabit pa sa buhok ko... kakainis talaga ang hirap pa naman tanggalin... buti na nga lang at wala masyadong nakakita sakin...dyahe naman kasi..hehe
    nakakasira ng pose...

    Nang nasa mrt station na ako so ayun bili na muna ako ng ticket papuntang cubao para dun nalang ako sakay paSM fairview dahil ang layo ng lalakarin ko pag sa kamuning ang ganda ganda pa naman ng payong ko...hehehe... so ayun nakasakay na ako sa mrt at dahil hindi naman rush hour eh may vacant seat kaya naman todo upo ang lola niyo, minsan lang kasi mangyari na hindi ako nakatayo sa mrt. Kaso lang nagulat ako ng sabihin na ang next station eh boni... sa isip isip ko bakit ganun alam ko una muna shangri-la bago ang boni station eh pero dahil palagay ang loob ko eh hindi muna ako nagpanic. Maya maya ang next station na daw eh buendia... anak ng pating at sampung kagaw naman oh, napatingin ako sa card at naconfirm ko ngang nagkamali ako ng sakay...kaya naman bumaba ako ng ayala station at ayun nga bili na naman ng card para makauwi ako dahil ang layo na ng narating ko...kaso lang nagkamali na naman ako ng daan dahil ung pataft pala ung napuntahan ko kaya balik na naman ako...nakakawindang na talaga... kaya naman bago ako sumakay sa mrt eh nagtanung muna ako sa manong kasi baka kung saan na ako mapadpad wala pa naman ako masyadong dalang pera baka d ako makauwi..hehe... dala na rin ata ng gutom kung bakit nawiwindang ako..hehehe... nagmadali na kasi akong makapunta sa friend ko para makikain nalang sana ako at nalilito na kasi ako sa megamall dahil ang laki laki hindi naman ako sanay dun. Kaya aral talaga sakin ung nangyari kaya sa susunod hindi na ako papagutom... hindi na talaga...

    Nang makasakay ako ng bus kumain na talaga ako nung binili ko, wala na akong paki sa mga katabi ko basta ang alam ko nagugutom na talaga ako...

    Nang makarating naman ng SM Fairview, grabe talaga ang timing ng ulan biruin mo ba namang bumuhos siya ng bonggang bongga... samantalang sa kabilang side eh super duper init to the max... buti na nga lang at kahit pano ay nakatulong naman ung mahiwagang payong na pinadala ni mader dear ko kundi talaga namang basang basa ko... at least nagmuka lang akong basang sisiw hindi manok...nyahaha...

    At ayun nga sa wakas nakarating ako sa bahay ng kaibigan ko... todo kwento pa ng kamalasan ko...

    Kaya ang masasabi ko lang....

    HUWAG MAGPAPAGUTOM....