7/25/10

TAYA

Ang pag-ibig tulad ng isang laro.
Kung hindi ikaw ang hahabulin... Ikaw ang maghahabol.
Ngayon, sa larong ito magpapataya ka ba?
O ikaw ang magpapahabol?


Napangiti ako ng makita ang mga batang naghahabulan sa labas ng bahay. Naalala ko tuloy ang kababata ko.
Simula pagkabata paborito namin ang larong habulan. Madalas ngang ako ang taya...

"Taya ka Keith" sabay hawak ko sa braso nya. 
Tanda na nataya ko na siya. Gustong gusto ko siyang tayain dahil bukod sa mabagal siyang tumakbo eh may pagkalampa pa. Kaya nga inis na inis siya sakin dahil bukod sa madalas ko siyang asarin, basta ako ang taya siguradong siya ang susunod.

"Nakakainis ka talaga! tan. Bakit ba kasi laging ako ang tinataya mo? eh ang dami dami naman nating naglalaro?"

"Wala lang, alam ko kasi hindi ako mapapagod sa paghabol sayo, nakangisi kong sagot.
Eh, ikaw nga laging si Rick ang hinahabol mo," dagdag ko pa.

"Ang yabang mo talaga," iritado sabi niya sabay irap sakin. "Wala ka ng paki kung siya man gusto kong tayain."

"Sus, palibhasa crush mo un noh?" biro ko pa.

"Hindi kaya noh..." defensive mo namang sagot pero kitang kita naman ang pamumula ng pisngi mo.

Pilit akong napangiti. Sana pala hindi ko na tinanung pa un sayo, ayan tuloy nasaktan lang ako.

"Sige, uwi na ako," paalam ko sayo.

"Sige, buti pa nga."

Sa tuwing tumatakbo ako papunta sayo, ikaw naman tumatakbo papunta sa kanya.
Lagi na lang bang ganito? Hahabulin kita tapos hahabulin mo siya.
Sana kahit minsan habulin mo naman ako.

---

Labing-tatlong taon na din pala ang nakakalipas simula ng huli ko siyang makita. Simula noong lumipat kami hindi ko na siya nakita. Pinuntahan ko siya pero nalaman kong lumipat na rin pala sila ng bahay gaya namin.

Nasaan ka na kaya ngayon Keith?

Napatingin ako sa oras ala-singko ng hapon. Narinig kong tumunog ang cp ko at agad ko naman itong dinampot.

1 message
received


Couz, wag mong kalimutang pumunta sa kasal ko ah.
Madami dung chicks...=p

Tin2

Napangiti ako ng mabasa ko ang txt ng pinsan ko. Madaming chicks. Napabuntong hininga ako.
Ang gusto ko lang naman ay si Keith...
Magkikita pa kaya kami?

Hanggang ngayon pakiramdam ko ako pa rin ang taya.
Sila na kaya ni Rick? Sana naman hindi.
Matagal ng natapos ang laro pero kilan ako magsasawang habulin siya?

-----

Maaga akong gumising para pumunta sa kasal ng pinsan ko.
Mukhang matagal pa akong maghihintay dahil wala pang laman ang dyip. Umupo ako malapit sa may driver para hindi naman nakakahiya kung sakali mang makatulog ako. Inilabas ko ang ipod ko atsaka ko inilagay ang headset sa tainga ko.

"Malinta... Malinta..." tawag ng barker sa mga taong nagdadaanan.

Mga ilang minuto pa ay halos napuno na rin.

Mabilis lang pala sa isip isip ko. Mukhang hindi ako malalate.

"Miss, isa na lang sakay ka na," narinig ko pang sabi nung lalake sa labas pero hindi na ako lumingon.

Maya maya sinimulan ng paandarin ng driver ang dyip.

"Bayad po...toll gate lang," sabi ng isang boses babae sa may bandang dulo.

"Paki-abot naman po..." galing parin sa boses mula sa likuran.

Bingi-bingihan naman ang mga katabi niya sa isip-isip ko kaya pinilit kong inabot ang bayad niya kahit na ang layo-layo naman niya sakin.

Ang mukha niya parang nakita ko na siya kung saan.

"Salamat..." nakangiting sabi niya saka ibinaling niya ang tingin niya sa labas.

Pamilyar talaga ang mukha niya sakin. Siguradong nakita ko na siya kung saan. 
Isip Ethan..
Isip...

---

"Oh! ung bababa diyan ng toll gate pwede na dito," sabi ng Manong Driver.
Kumilos na rin ako para bumaba. Naunang bumaba ung babae. Nakawhite na may halong black na dress siya. Sa itsura niya mukhang may pupuntahan siyang okasyon. Saan kaya ang punta nya? Sa isang binyagan o kasalan?

Sumakay na ulit ako ng dyip papuntang Marilao.
Hay, bat naman kasi napakalayo ng bahay ni Tintin. Nakakapagod na.

Maya maya sumakay na rin ang babae. Nagkatinginan kami at halatang medyo nagulat siya ng makita ako.
Ang mata niya... pamilyar talaga sakin.

---

Ang bilis ng byahe andito na kaagad kami. Nagsimula ng bumaba ang ilan sa mga pasahero kasama na rin ang babae.
Kung ganun parehas lang pala kami ng lugar na pupuntahan. Sino kayang pupuntahan niya dito? sa isip isip ko.
Nauna na siyang maglakad sakin pero maya maya'y huminto siya atsaka may kinuha sa bag.

Napangiti ako. Hindi ba siya makapaghintay na makapag-ayos at dito niya pa nagawang magsuklay at magpulbos.
Ang mga babae talaga, oo.
Nauna na akong maglakad sa kanya.

---

"Auntie, asan na po sila?" tanung ko sa tiyahin ko.

"Ikaw pala Ethan... naku eh andun na sila sa munisipyo. Kung gusto mo pumunta ka na lang dun o gusto mo sumabay ka nalang samin?"

"Eh, baka ho marami na kayong kasabay. Mauna na lang po ako sa inyo."

"Oh, siya sige. Inaantay ko pa din ang kaibigan ni tin-tin eh."

"Sige po, aalis na ko."

"Sige, ingat ka."

---

Pagdating ko ng munisipyo hindi ko makita ang pinsan ko kaya naghanap-hanap pa ako.
Patay kang bata ka, naku Ethan malalate kana lagot.
Nagmamadali akong maglakad ng may mabangga akong babae.

"IKAW???" chorus pa naming sabi sa isa't isa.

"Magkakilala kayo?" takang tanung naman ng pinsan kong si Tin-tin.

"Ah, hindi tin, nakasabay ko kasi siya sa dyip kanina.

"Oo nga pala... Keith si Ethan pinsan ko... Ethan si Keith close friend ko," pagpapakilala niya.

Keith ang pangalan niya? sigurado akong siya iyon at hindi ako maaaring magkamali, sabay napatingin ako sa direksiyon nila.
Tama... siya talaga iyon. Kaya pala pamilyar siya sakin, napangiti ako. Napansin kong nagbubulungan sila at nagtatawanan.
D kaya ako ang pinag-uusapan ng dalawang ito?

Salamat, nakita din kita.

Dito na kaya magtatapos ang larong ito?

Sa pagkakataong ito.
Sana siya naman ang maging taya.




-----tapos------



7/17/10

LOVELIFE

Alas-kwatro ng hapon nasa labas kami noon ng bahay, masayang nagkukwentuhan kasama ang mga pamangkin kong ubod ng kukulit. Maya maya napansin nilang wala si Belle, ang kapatid ko.

"Oh! asan si Belle? bakit hindi ata lumalabas? tanung ni Auntie Deth."

"Wala po, baka may date... sagot ko naman."

"Ah..."
Maya maya'y bumaling naman sa akin ang pamangkin kong si Anne.

"Ate, Khiet ilan taon ka na ba? tanung sa akin ng 10 taon gulang kong pamangkin."

"Bente tres... maikling sagot ko sa kanya."

"Ilan un?" takang tanung pa din nya.
Natawa ko. "Twenty three..."

"Ah, eh bakit ikaw wala kang boyfren? tulad ni ate Belle? muling tanung niya sa akin na ngingiti ngiti pa...
Natawa ako... napangiti saka biglang natahimik...

"Walang ganyanan, sabat naman ni Auntie Deth na tumatawa tawa pa."

Hindi ko na sinagot ang tanung sa akin. Ngumiti lang ako sa pamangkin ko. Parang gusto ko tuloy pagsisihan na sinabi ko pang nakipagdate ang kapatid ko. Ako tuloy ang nalagay sa hot seat. 
Nakakainis... ako na naman...
Lagi na lang ako....

Nang matapos ang kwentuhan pumasok na ako ng kwarto ko. Umupo sa kama saka ko binuksan ang T.V.
Biglang nag-echo ulit sa isip ko iyong tanung sa akin ng pamangkin ko.

"Bakit nga ba? naitanung ko sa sarili ko."
Hay, keith bakit mo ba pinoproblema ang isang bagay na hindi naman dapat problemahin?
Eh, ano ngayon kung wala kang lovelife malay mo bukas makasalubong mo na siya.

Nabulabog ang pagmumuni muni ko ng marinig ko ang tunog ng cp ko.

1 message
received

Agad kong binasa ang txt.... galing kay tin-tin

Bruha wag mong kalimutang pumunta bukas sa kasal ko.
Don't be late...

Oo nga pala magpapasakal na bukas ang isa sa mga close friend ko.

------

Maaga akong gumising para maaga akong makapunta, nakakahiya naman kasi kung malalate ako.
Isinuot ko ang isang simpleng white dress na may halong black, favorite color ko kasi ang white and black lalo na sa damit.

Pagkatapos kong mag-ayos, umalis na rin ako ng bahay dahil malayo layo rin ang byahe ko.

Hay, bat naman kasi sa Bulacan pa nakatira si Tin-tin.

Habang naglalakad ako, napapansin kong napapatingin sila sakin. Ewan ko nga ba kung bakit,wala naman akong dumi sa mukha at sa tingin ko naman mukha naman akong tao sa itsura ko. Hindi ko na lang pinansin ang mga etsuserang mga frog...Keber ko sa kanila.

Sumakay ako ng dyip byaheng novaliches bayan atsaka ako umupo sa pinakaunang bahagi nito, favorite ko kasi ang pwestong un dahil mabilis lang makababa. Pagkatapos ng halos 45 minuto nakarating ako ng bayan. Buti na lang walang traffic kung hindi baka abutin ako ng siyam-siyam. Nagsimula na akong maglakad sa may sakayan papuntang malinta. 
Nang makarating ako sa may sakayan ng jeep, sumakay na ulit ako.

"Bayad po, toll gate lang" sabay abot ko ng bayad ko. Nakakainis kasi wala man lang pumapansin sakin lahat nasa ibang dako ang tingin. Ano bang meron sa dyip na ito, mga esnaberang frog.

"Paki-abot naman po", sabi ko sa katabi ko pero parang binging hindi man lang ako pinansin.

Maya maya napansin din ako ng isang lalake, siguro halos magkasing-edad lang kami. Pilit niyang inabot ung kamay ko para makuha ang bayad ko dahil medyo malayo ang pagitan namin.

"Salamat.." ang sabi kong nakangiti.

Pagkatapos nun, ibinalik ko ang tingin ko sa labas.
Buti na lang mabait ung lalake, cute pa...

Pagkatapos ng isang oras na byahe nakarating din ako ng toll gate, un nga lang kung kanina fresh na fresh pa ko ngayon parang bilasang isda na ko dahil sa tagal ng byahe. Pero nakakatuwa dahil sabay kaming bumaba nung mabait na lalake. 

Kilangan ko pang sumakay ng isang dyip papuntang Marilao. Bakit naman kasi napakalayo ng bahay ng bruhang un.

Hay naman...

Pasakay na ako ng dyip ng makita ko ang pamilyar na lalake na nakasakay ko kanina.
Saan kaya bababa ang isang ito?
Matapos ang ilang minutong byahe, nakarating din ako ng Marilao. Un nga lang kilangan ko pang maglakad. Grabeng parusa talaga.
Iyong buhok ko, ang gulo-gulo na... tapos ung mukha ko naman nagmamantika na sa pawis kaya ayun naisipan ko munang huminto at mag-ayos saglit. Nakakahiya naman kasing pumunta dun ng ang sama ng itsura ko.
Nagsuklay lang ako atsaka nagpulbos. Nakakahiya lang dun kasi eksaktong nagpupulbos ako nadaanan ako ng lalakeng nakasabay ko sa dyip, nakangiti pa siya sakin. Napangiwi na lang ako.
D bale hindi ko na naman un makikita eh.

----


"Tin-tin" tawag ko mula sa labas ng bahay nila.
Maya maya lumabas ang mama ng kaibigan ko.

"Keith, ikaw pala... Nauna na sila sa may munisipyo. Saglit lang sumabay ka na lamang samin."

"Ah sige po tita."

--

Pagdating namin sa munisipyo, nakangiti sakin ang bruhang bride. Mukha siyang diwata sa suot niya. Napangiti ako.

"Pangit ba?" tanung agad niya sakin.

"Hindi noh, cute nga eh... mukha kang fairy god mother", tumatawang sabi ko.

"Sira ka talaga.. ikaw asan na ung groom mo?" pabirong tanung niya.

"Baliw..." bf nga wala groom pa..


Maya maya may isang lalakeng nakabangga sakin.

"Dahan dahan naman..." medyo naiinis na sabi ko. Hindi ko makita ang lalake dahil medyo may kataasan siya pero ganun na lang ang gulat ko ng makita ang itsura niya.
ANG LALAKE SA DYIP...

"IKAW????" chorus pa naming tanung sa isa't isa.

"Magkakilala kayo?" takang tanung naman ni Tin-tin sakin.

"Ah, hindi noh.. nakasakay ko kasi siya sa dyip kanina.."

"Oo nga pala... Keith si Ethan pinsan ko... Ethan si Keith close friend ko pagpapakilala niya."

Ah, pinsan pala...

"Bruha, napapansin ko kanina pa nakatingin sayo si Ethan ah... ui..."

"Sus, akala mo lang un..."

"Mukhang type ka ata..."

"Sira ka...imposible noh.."

"Ano namang imposible dun? dalaga ka... binata naman siya..."
Napangiti lang ako...

"Tsaka maganda ka naman..."

"Naku, Ms. Bride wag mo na nga akong pinagbobola.. Puntahan mo na ung groom mo dun oh, magsisimula na ang sakalan..."

"Baliw ka talaga..."sabi niya sakin pero bago siya bumalik sa pwesto niya may ibinulong siya sakin. 
"Gusto ko siya para sayo..."

-----

"Kaibigan mo pala si Tintin", ang sabi ng isang pamilyar na boses mula sa likod ko.

"Oo.. matagal na."

"Ang swerte ko naman pala.."

"Huh? bakit naman?" takang tanung ko.

"Kasi nakilala kita..." sabay ngiti niya.

Napangiti lang ako....

"Magpinsan nga kayo, parehas kayong bolero."

"Nagsasabi lang ng totoo..."

LOVELIFE NA BA ITO?


----tapos----

7/14/10

Now and Forever

It was raining...

Dahil sa wala naman akong dalang payong minabuti kong sumilong sa isang waiting shed mula sa di-kalayuan. Patakbo ko itong tinungo.

Napangiti ako habang pinagmamasdan mula sa kalsada ang mga patak ng ulan. Para akong nanonood ng mga nagsasayaw. Tulad ng isang kanta, ang tunog ng nito ay parang isang musika sa aking tainga. Pero kanina ko napapansin na para bang may mga matang nakatingin sakin. Napatingin ako sa left side ko, and there he was, a simple guy wearing a simple polo shirt and jeans with his eye glasses. 
Napangiti ako, base sa reaksiyon niya mukhang enjoy na enjoy siya sa pinapanood niya na para bang nanonood siya ng isang magandang pelikula. Hindi na ako nakatiis kaya naman nagsalita na ako.

“Huwag mo akong masyadong titigan baka matunaw ako... ang sabi kong ubod ng tamis na nakangiti sa kanya...”

Kitang kita ko ang pamumula ng pisngi niya na para bang nasampal at napakamot pa siya sa ulo saka niya ibinaling ang tingin niya mula sa kung saan. 

Hindi ko mapigilang hindi matawa sa reaksiyon niya. Maya maya makalipas ang ilang minuto nakarinig ako ng boses mula sa kaliwang bahagi ng waiting shed.

"Hi!", maiksing sambit ni Mr. Goody goody boy na halata pa rin na medyo naiilang...

Ewan ko ba pero imbes na sungitan ko siya tulad ng nakagawian ko eh kabaliktaran nun ang ginawa ko. Sa pagkakataong ito magiging nice ako sa kanya.

“I’m Ella... Ella Henares sabay lahad ng palad ko na may kasamang pagkatamis tamis na ngiti.”

Kitang kita ko ang pagkagulat sa mukha niya. Hindi niya siguro akalain na papansinin ko siya. Ang lalakeng ito, may kung ano sa kanya na nagpapagaan sa pakiramdam ko. Pakiramdam ko namamagnet ako sa kanya samantalang wala na mang kakaiba sa kanya.

“M- Mike... Mike Dela Cruz... ang sabi niya sabay abot ng palad ko.”

Mike... nice name...


---



Iyon ang unang pagkakataon na nakipagkilala ako sa isang estranghero...
Sa isang estrangherong naging napakalaking bahagi ng buhay ko....
Nakakatawa pero maniniwala ka bang nalove at first sight ako sa isang lalakeng nagngangalang Mike Dela Cruz.


---



"Hon, ano bang tinitingnan mo diyan?," tanung ko mula sa isang lalakeng nakatanaw sa labas ng bintana namin sabay yakap sa kanya mula sa likod niya.

"Naalala ko lang nung una tayong magkakilala, sabay harap niya sakin." Ikinulong niya sa kanyang mga palad ang mukha ko saka marahang dinampian ng halik ang labi ko.

"You know what hon? alam mo ba kung anong pinakagusto ko sayo?"

Napalabi ako. "Ano?," kunot-noong tanung kong nakatingin ng diretso sa mga mata niya.

Dahil sa mga ngiti mong yan, mas lalo kitang minamahal. Simula noong araw na makilala kita hanggang ngayong kasama na kita.

"I love you..."

"I love you too...."

"Dalawang beses lang kita gustong makasama..."

"Hmmmp... bakit dalawa lang?takang tanung ko."

"Now and forever... my dear wife." 





-the end-

Raindrops

It’s raining... napangiti ako ng makita ang pagpatak ng ulan mula sa aking bintana. It simply reminds me of that day.

I was on my way home ng bigla na lang bumuhos ang malakas na ulan.

“Shit! Bakit naman ngayon pa umulan kung kilan wala akong payong na dala.” 
Imbes na sumugod sa ulan mas pinilikong magstay sa isang waiting shed habang naghihintay ng pagtila ng ulan. Maya maya may isang werdong babae ang pumukaw ng atensiyon ko. Sa lahat ng taong nakasilong sa waiting shed na iyon, hindi ko alam kung bakit tila ba namagnet ako at pinagmasdan ko siya. Ang ganda ng pagkakangiti niya habang pinagmamasdan ang bawat pagpatak ng ulan. Nang hindi makuntento sa panonood isinahod niya pa ang kanyang kamay na para bang kaya niyang saluhin ang bawat patak nito. Hindi ko alam pero wiling wili akong panoorin siya, para siyang bata samantalang kung titingnan ay nasa bente tres anyos na siya.

“Huwag mo akong masyadong titigan baka matunaw ako... ang sabi niyang ubod ng tamis na nakangiti sa akin...”

Pakiramdam ko napahiya ako,hindi ako nakapagsalita kaya napangiwi na lang ako.

“Nakakahiya”, bulong ko... Napansin pala niyang nakatingin ako sa kanya.Masyado kana man kasing obvious mike sabi ko sa sarili ko.

Maya maya naglakas loob na rin akong lapitan siya kahit alam kong wala naman ako nun. Kung alam ko lang kung saan pwedeng bumili nun, siguro bumili na ko ng sandamukal.

“Hi!”, maiksing bati ko sa kanya na medyo nahihiya pa.

“I’m Ella... Ella Henares sabay lahad ng palad niya na pagkatamis tamis pa din ng ngiti sakin.” 

Sa tingin ko mas matamis pa ata sa asukal at coco jam ang mga ngiti niya. Kung ganito laging ngiti ang makikita ko tuwing gigising ako sa umaga, oks na oks na para bang nakainom ng sandosenang vitamins.

“Mike... Mike Dela Cruz... ang sabi ko sabay abot ng palad niya.”


---

It was the day I saw her... 
The day I met her...
The day she started to changed my life...
The day I fell in love with a total stranger...
And I think it was love at first sight...




-the end-