3/31/10

LOVE...LOVE...LOVE

"love changed me the way i think, the way i act, the way i decide...sometimes, i even go against my principles and beliefs in life..loving doesn't mean i'll be happy always; sometimes, all it provides me is pain and misery..yet i was blinded by strong emotions that i failed to see reality...sometimes letting go is the answer: it hurts like hell, but i will soon realize that it's better to see the person i love to be happy with someone else than to see him lonely with me..."

Someone send me this message and upon reading this one, it really hits me straight from the heart.

3/29/10

SALAMAT MA...

Kagabi habang nagbobrowse ako ng blog napadaan ako sa blog ni khekz, nabasa ko ung post niya tungkol sa mama niya. It simply reminds me of my mother, kung paano niya ko i-comfort lalo na sa mga simpleng paraan niya.

I remember nung nagbreak kami ng ex-boyfriend ko, wala siyang kaalam alam that time. Wala naman kasi talaga akong balak na mag-open sa kanya about sa lovelife ko. Hindi ko kasi ugali na mag-open up sa kanya lalo na sa mga ganung topic para sakin, nakakailang at hindi ako sanay. Pero sa kasamaang palad ikinuwento na pala sa kanya ng pinagkwentuhan kong kaibigan at wala man lang akong kaalam alam dun. Kaya nga naniniwala talaga ako sa kasabihang "Walang lihim na hindi nabubunyag."

Gabi na noon ng umuwi siya sa bahay namin, pagkapasok niya ng pinto sinabi niya agad na
"MARAMI PA NAMAN DIYANG IBA, MARAMI KAPANG MAKIKILALA AT WALA NAMANG KWENTA UNG LALAKENG UN."
Habang sinasabi niya un hinahaplos niya ung buhok ko na para bang pinaparamdam na magiging okay din ang lahat na hindi ko dapat iyakin ung ex ko.
Wala nga kong balak iyakan ung ex ko kasi wala na sakin un eh, pero pagkatapos nung sinabi sakin ng mama ko ayun nag-uunahan na sa pagpatak ung mga luha sa mata ko. Tumayo ako nun sabay diretso sa ref para kumuha ng tubig pakiramdam ko kasi nadedehydrate ako, pero isang simpleng paraan din un para umiwas at itago ung mga luhang nagbagsakan na galing sa mga mata ko. Habang andun ako sa kusina sinagot kitang parang sira ito si mama, wala naman na sakin un eh. Tapos diretso ako sa cr para makapaghilamos, ayoko kasing makita mo kong umiiyak. Naiiyak ako hindi dahil sa nangyari samin ng ex-bf ko pero dahil sa mga sinabi mo sakin. At least on that way napatunayan kong maging kaaway ko man ang buong mundo, sa lahat ng oras kakampi parin kita.SALAMAT MA...

Noong isang beses naman nun ng umaga habang katabi kita sa kama eh bigla mo nalang akong niyakap habang sinasabi na "ANG LAKI NA TALAGA NG ANAK KO" sabay halik sa buhok ko, muntik na ngang tumulo luha ko pati sipon ko ng time na un eh pero ang nasabi ko lang eh, SI MAMA TALAGA... Masarap sa pakiramdam kapag yakap yakap mo ko pakiramdam ko kasi walang sinuman ang makakasakit sakin. At ramdam na ramdam ko ang pagmamahal mo para sakin. SALAMAT MA...

Bilang isang ina ginagawa mo ang lahat para sa aming magkakapatid, ibibigay lahat ng gusto at kahit kakainin mo nalang eh ibibigay mo pa para samin kasi sabi mo nga SAYO NALANG YAN PARA TUMABA NAMAN ANG PAYATOT KONG ANAK sabay ngiti sakin. SALAMAT MA...

Sa tuwing magrerequest ako ng ulam sasabihin mo huwag un dahil minsan hindi kumakain ung ibang kapatid ko o d kaya gusto mo ng ibang ulam pero pagdating mo galing sa palengke, makikita ko nalang na ung nirequest kong ulam ang niluluto mo. SALAMAT MA...

Sa totoo lang habang sinusulat ko ito, naiiyak ako. Masyado kasi akong iyakin eh, mana kasi ko sa mama ko. Ung mga simpleng bagay kasi na ginagawa niya para sakin, saming magkakapatid sobrang laking bagay kaya gusto kong suklian un ng mga simpleng bagay na pwedeng magpangiti sa kanya. Kaya nga kahit magmuka akong tanga sa harap ng mama ko, masaya na ko basta makita ko lang siyang masaya dahil napatawa ko siya.

Hindi ko man madalas sabihin ito pero ma MAHAL NA MAHAL KITA...
SALAMAT SA LAHAT...

Kung bibigyan kita ng award para sakin YOUR THE BEST NANAY sa puso naming magkakapatid...

HOW?

Last night I was trying to call you... but unfortunately walang sumasagot...
Gusto lang sana kitang i-greet in advance kasi malapit  ng birthday mo pero parang ayaw mo naman ata akong makausap.

Siguro nga ayaw mo lang talaga sagutin...
Siguro nga tulog kana...
Siguro nga your just busy...
at marami pang siguro...

Sabi ni ana wag na daw kasi kitang kulitin baka talagang ayaw mo kong makausap o baka daw busy ka lang or tulog kana. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong isipin. Tsaka wala na din naman kasi akong karapatan eh. Alam ko namang hindi na talaga kita dapat tenetext and even ang tawagan ka pa but still I'm too stubborn talaga. Hindi ko din kasi alam kung pano ko gagawin un. I was really trying so hard para lang pigilan ang sarili ko. I pity myself. Nakakainis kasi sabi ng isip ko tumigil na ako pero letseng puso talaga oh, bakit ba kasi kilangan pang umapela ayan tuloy ung mga bagay na hindi ko na dapat ginagawa. Makikita ko nalang na nakapagsend na ako ng text, natawagan na kita. Sabi nga ni ana tumigil na ako para naman daw di nadin ako nasasaktan. Madaling sabihin pero sa totoo lang sobrang hirap panindigan. As in sobrang hirap. Pano ko nga ba gagawin un eh kahit anong gawin ko ilang beses ko mang i-delete ang number mo eh memorize ko naman ito. Ang saklap talaga. Mahirap gawin ung mga advises na sinasabi ko lang nun para sa mga kaibigan ko, madaling sabihin pero napakahirap gawin para sakin.

Paano nga ba?
Hindi ko na alam..
Hindi ko na talaga alam...

3/26/10

LOVE NOTES from JOE D MANGO

Just wanna share this to you guys...
I know you'll also loved this one...


Love don't give us the promise of forever, but having faith on it makes us believe that there is.
 
Love is not a one-shot deal that you have to get right at first. You will always make mistakes and find your ideal partner. Love is also a process of finding your way, finding the right one.

The greatest mistake we'll make in a relationship is when we look at somebody else other than our partner to satisfy our emotional and physical needs. The second mistake is when we consciously allow ourselves to be the object of these emotional and physical desires.

We can never be certain of our relationships because not all of them are built to last our lifetime. We have to constantly nurture it so it can grow and we can grow old with it.

In the midst of despair, pain, and sorrow, someone comes in our life and gives us strength to believe in life again. The love they give us gives us a blind faith that helps us believe in ourselves again, that we can make our dreams come true.

Love can be the best thing that will ever happen to you. More often than not, your lover is also your bestfriend, one who will stand by you through thick and thin.
-yeah, he used to be my bestfriend...my ADIK..
Most ordinary relationships begin and most of them continue as forms of mutual exploitation, a mental or physical barter, to be terminated when one or both parties run out of goods. The truth is you will not rn out of goods if you believe you won't.

People cannot change who you really are. You just have to tell them and be honest about the real person behind you. You cannot hide in your cloak of deception forever. You deserve to be happy just by being yourself.
 
A relationship is a two way street. It's never all your fault or the other person's. You go into the relationship together and work thorugh it all together. And remember, the best relationship is one w/c your love for each other exceeds your need for each other.

When we begin to put so much weight on what others fell and think about our relationships, we become distracted and lose our own perception of our partners.

If you choose to fight for love, then you should be prepared to face the consequences and risk associated with it. But if you choose to follow tradition over the dictate of your heart then you also have to be prepared to lose someone you love.

Let us always remember that, in the end it is not how much love we have received that would count, but how much love we have given and how much more we are willing to give even without the promise of earning it back.

We constantly have to make an extra effort to make others feel that they are important to us and the small things they do are appreciated. The greatness of a relationship is built on the foundation of small acts of kindess, love and compassion.

Whatever relationships you have attracted in your life at this moment, they are precisely the ones you need in your life at this moment. There is a purpose and meaning behind all events, and this purpose and meaning develops you as a person and as a lover.

What hurts most?
..when you can’t fight for that one thing that would make you happy..
..I may never be the guy you look forward to seeing every day… but I will always be the guy who will look out for you each and every day..

Sad Girl: “don’t make me feel that i’m just a selfish jerk just because I made you cry”!

Sad Guy: “then don’t make me feel like I did nothing for you when I almost died crying just to see you smile…”

Men are haunted by the vastness of eternity. And some ask ourselves: Will our actions echo across the centuries?

Will strangers hear our names long after we are gone, and wonder who we were, how bravely we fought, how fiercely we loved?

Love isn’t when you can’t sleep… it’s when you want to keep your eyes open…

Love isn’t when you keep holding on… it’s when you learn to let go…

Love isn’t when you kill yourself with jealousy… it’s when you understand…

Love isn’t when you fall for someone… it’s when you catch that person when she falls…

Love isn’t when you see her everywhere… it’s when you close your eyes and she is still there…

Love isn’t when you tell her what you feel… it’s when you give everything for her sake…

And Love isn’t when you think you were blind… it’s when you know she was wrong but you didn’t mind!

Always remember that when we lose someone we love, there will be pain in our hearts. But when there is pain, there will be strength and courage, and with that, there will always be the hope of finding someone who will love us and someone we can love even more.

Sometimes we just have to control our feelings for someone. Truth is, our feelings doesn't know what's right or wrong. That's why our minds reason with us so there can be balance.

Otherwise, we would always trip as we aimlessly follow what our hearts dictate.

A relationship will always need trust and faith. Trust, so you could keep a relationship strong, and faith, so you can build a strong foundation of love that could weather all storms to make it last for as long as you wish to.

A relationship is a two way street. It's never all your fault, nor is it all the fault of your partner. Both of you have to work together to make it work. And, remember, the best relationship is one in which your LOVE exceeds your NEEDS for reach other.

Letting go of someone you love is hard, but holding on to someone who doesn't even feel the same is much harder. Remember that giving up doesn't mean you are weak. It only means that you are strong eonugh to let go of something that was never really yours in the first place.

Live not on what your heart dictates but on what is right and sensible. There is still time to turn away from what is wrong. Remember, the true joy of living is not only in loving ourselves but in loving w/o hurting other people.

Even with all the pain that comes with loving, we should never let our hearts wallow in anger. When love comes into our lives, be thankful. But when it leaves us, even if it's against our will, we should only be sorry or a while. There should be no room for our hatred to grow in our hearts.

As it has always been said, we should embrace love when it comes knocking on our doors and willingly let go of it when it says goodbye. We shouldn't regret that we've lost it. Be thankful that for once in our lives it has dwelled in our hearts and made us happy.

If we pass on love today, there may never be a next day to show it and even if there's still a next day, there may never be someone to show it to. Love is never afraid. It should not hold you from showing someone how you feel. If it does, then it is not love.

Loving someone with all our hearts isn't all that it takes to make a relationship last. Sometimes, even if we prove our worth in many ways, seen and unseen, we still cannot guarantee of permanence and loyalty in our relationships.

Sometimes, loving someone means giving him/her the freedom to choose who and where he/she wants to be. This may be painful, but still be thankful, because the heartaches, the tears, the gloomy days and even the fruitless years helped you grow into a strong and wonderful person, not a bitter one.


3/25/10

hay... ang TANGA

Bakit kaya ang ewan ko? hahaha... nakakainis naman... hay...
Delete kita sa list ng friends ko sa fb pero after a month narealize ko bakit kilangan kong gawin un kaya naman naisipan kong i-add kita ulit. Kaya lang ang tanga naman talaga oo... Iba naman pala ung na-add ko at wag ka ha,kapangalan mo talaga. Tapos nung sinearch ko ung fb mo may bago kang friends at infairness ah ang ganda niya... Para tuloy pinagsisisihan kong inopen ko pa ang fb mo.

Bakit?

kasi ung totoo?

it hurts you know...paksyet!!!

Mukang may iba kana nga ata...










Pero sana nga mali lang ako... (pray)

3/24/10

SA LIKOD NG NGITI

Sa halos araw araw na ginawa ng Diyos, wala atang araw na hindi ko nakita si ate na hindi nakangiti. Hindi naman dahil sa may saltik siya sa ulo. Pero ewan ko ba may kakaiba sa mga ngiti niya. Madalas ko siyang pagmasdan lalo na kapag magkasama kami habang kabiruan ang mga kapatid namin. Tapos makikita iyong ngiti niya, kakaiba.. Para bang may ningning sa mga mata niya. Minsan naman kahit nakangiti siya napapansin kong may lungkot sa mga mata, hindi ko alam kung anong dahilan. Para siyang isang payaso na may nakatagong maskara, hindi mo maintindihan kung bakit pabago-bago ang klase ng ngiti niya. Pero isang araw natuklasan ko kung saan nanggaling ang mga iba't ibat ngiting iyon. Inlove pala ang ate ko. Ganun pala ang inlove minsan masaya, minsan malungkot. Nahihirapan pa rin akong intindihin kung minsan bakit ganun. Pero sabi ni ate paglaki ko daw maiintindihan ko din ang lahat. Para tuloy natatakot akong mainlove kasi magmumuka pala akong baliw. Magulo... Pero sabi nga ni ate MASARAP MAINLOVE.

THE BRIDE

A few steps away from my groom...
my soon to be husband...

Hindi ko alam kung ano bang dapat kong maramdaman sa oras na ito.
Sabi nila most of the bride is excited and partly nervous lalo na sa mismong araw ng kasal nila. Samantalang ako lang ata ang ikakasal na wala man lang kareareaksyon ang mukha. Ni hindi makikita ang kasiyahan na dapat ay naroon. Marahil nagtataka ka, pero ano nga bang kataka taka sa isang taong ikakasal sa isang estranghero sa kanya. Yes, this wedding was just arranged by my parents without even my consent. And if you would ask me why I agree with this wedding? Its because I don't even have my own choice. They told me they own my life and I can't do anything about it. I felt like I was just like a crap. Sh*t...

A few more minutes and I'll be Mrs. Cristina Isabela Herrera.

If only someone would just stole me from this wedding, I'll be gladly happy and thank that person but then I was only two steps away from my groom. How I wish I could just disappear in just a snap of the finger.

How I wish...

HILING NG PUSO

Minsan may oras na gustong gusto kong mabasa mo ung blog ko. Bakit? Syempre para naman malaman mo kung anong laman ng puso at isip ko. Pero sa kabilang banda ayoko din. Nahihiya kasi ako sayo (meron pa pala ko nun noh?kala ko din wala na eh..) nakakahiya kasi hindi ko alam kung anong iisipin mo. O kung magiging positive ba ung outcome kapag nabasa mo nga ung blog ko pero kasi panu kung negative? at masamain mo, ayoko din naman na ako pa ung makasakit sayo. Kasi dba nangyari na un dati, nasaktan kita dun sa ibang sinulat ko tungkol sayo. Sa totoo lang hindi ko naman talaga intension na saktan ka eh. Gusto ko lang sanang malaman mo kung anong iniisip ko but unfortunately hindi nga naging maganda ang outcome at sumama pa ung loob mo sakin. I'M SORRY... hindi ko talaga gustong mangyari iyon... lalo na ang masaktan kita...

Pero sana... sana... sana...

AKO PA RIN ANG MAHAL MO...

ALA-ALA

Sabi mo sakin noon:
AKO LANG ANG NAGING GF MO NA GUMAGAWA SAYO NG MGA KORNING BAGAY PERO GUSTONG GUSTO MO...
AKO UNG SWEET...UNG KORNI...UNG MATIGAS ANG ULO...UNG MAKULIT...
AKO LANG UNG NAGBIGAY NG TAWAGAN NA HON...
at higit sa lahat...
AKO UNG MINAHAL MO NG TODO... pero sana

kahit wala ng tayo AKO PA DIN ANG LAMAN NG PUSO MO...

Sabi ko sayo noon gagawin kong special ang bawat monthsary natin kahit na hindi tayo magkasama. Sisiguraduhin ko na hinding hindi mo makakalimutan ang bawat araw na un kasi gagawin ko ung memorable para sau. At sinubukan ko namang tuparin un eh, ginawa ko sa abot ng makakaya ko.

Remember nung 4th monthsary natin tinext ko lahat ng mga kabordmate mo para lang igreet ka nila ng "HAPPY MONTHSARY" at sabihin sayong MAHAL NA MAHAL KA NG GIRLFRIEND MO. Sabi mo pa nga nun nasurprise ka talaga kasi pagkadating mo noon isa isa silang bumati sayo at sinabi kung ano ung pinapasabi ko sa kanila. Tuwang tuwa nga ako noon kasi akala ko papalpak ung plano ko eh, but thank God nakisama naman silang lahat tapos inaasar kapa nila pero ikaw naman ngiti ngiti ka lang. Pero thank you kasi naappreciate mo ung ginawa ko na un para sayo. Ikaw lang ung sinurprise ko ng ganun at buti nalang dahil nasurprise ka talaga at pati na rin ang mga kabordmate mo. Masaya ko na napasaya kita sa araw na un. Pero alam mo kung anong pinakamasaya sa bawat monthsary natin? kasi buong buwan mo akong binabati ng HAPPY MONTHSARY HON...

Kaya nga sa tuwing darating ang ika 7th day every month namimiss ko iyong HON ko na laging bumabati sakin ng happy monthsary. Ewan ko kung naaalala mo pa pero sana importante pa din sayo ang araw na un. Sa totoo lang nalulungkot talaga ako habang nagtatype ako ngayon, kasi naalala ko lahat lahat ng memories na meron tayo. At kunti nalang babagsak na ung mga luha sa mga mata ko. Nakakainis naman kasi eh bakit ba kasi napakaiyakin ko. Sabi mo sakin ayaw mo kong nakikitang umiiyak kasi ang pangit ko.hahahaha... Pero pano ko nga ba pipigilin ang mga luha ng kalungkutan na gustong gusto ng bumagsak mula sa mga mata ko?

PAANO?

SANA

Isang araw na naman ang natapos...
Isang araw na laman kapa din ng isip at puso ko.

Hay namimiss na naman kita lalo na pag ganitong mag-isa lang ako nakaharap sa laptop habang nagtatype ng kung anong anik anik na tungkol na naman sayo. Minsan nga parang ayoko ng magblog kasi wala nang pumapasok sa isip ko na idea kundi puro ikaw na lang...

Hindi naman dahil sa nakakasawa na magsulat ng tungkol sayo kaya lang kasi sa kabilang banda ako kaya naiisip mo? Hay...

Minsan alam mo ba gustong gusto ko ng itxt ka ng I LOVE YOU HON... I MISS YOU SO MUCH... SANA AKIN KA NALANG ULIT... kaso lang kapag naiisip ko iyon bumabalik din agad ung katinuan ko. Ganun na ba ako kadesperada? Hindi naman eh. Kaya lang kasi un talaga ung gusto kong gawin. Pero ayun si pride hindi pa din nagpapaawat eh. Natatakot din kasi ako na baka masupalpal ako kapag tnxt kita ng ganun tapos irereply mo sakin. SORRY HINDI NA PWEDE. Eidy nagmuka akong kawawa naman. Pero sa totoo lang hindi ko na nga din naiisip ung pride ko eh. Kaya lang ung takot andun pa din, nangingibabaw sakin. Akala ko mas matapang na ako ngayon pero sa kabilang banda eh hindi pa rin pala. DUWAG pa rin ako. Nakakatawa ako noh, nakakaawa at para akong tanga? Siguro nga pero wala eh ayun talaga ung nasa isip ko.

PANO KO BA BABAWIIN IYONG TAONG MAHAL KO KUNG AKO MISMO ANG NAGING DAHILAN PARA MAWALA SIYA SAKIN?
Hay... sana kasi alam ko kung ano ang nasa isip mo.

Anak ng pating naman oh, pwede ba sabihin mo naman sakin na TANTANAN MO NA AKO para naman tumigil na ko..ang ewan ko naman kasi eh...

BAKIT BA KASI MAHAL KITA?
AT BAKIT PATULOY PA DIN KITANG MINAMAHAL? anak ng takte talaga...

Kilan ba ko magkakaroon ng lakas ng loob na itanong sayo ung mga bagay na nagpapagulo ng isip ko para naman manahimik na ko ng bonggang bongga.?

SANA NGAYON NA...

3/23/10

ANG KWENTO

I-sheshare ko sa inyo ang kwento ng mga gamit kong username, yahoo id at etc...

cupid_angel08 - yan ang kauna-unahan kong yahoo id. noong time kasi na gumagawa ako ng yahoo mail eh wala akong maisip na id kaya naisip ko nalang na cupid dahil iyon ang nakasulat sa suot ko noong t-shirt at dahil sa mahilig din ako sa mga angels. Tsaka feeling cupid din naman kasi ako minsan.hehehe

dark_cute_angel08 - yan naman ung 2nd yahoo id ko. Bakit dark? kasi ung crush ko noon eh yan ang codename kaya ako namang si ewan eh ginamit din iyon. hehehe.... ung cute naman kasi since cute ung crush ko syempre cute din ako..wahahaha...(wag na kaung umangal ah)

cRuSh_kita08 - ayan naman ung username ko sa isang site sa tristancafe. cRuSh_kita kasi since hindi ko naman masabi sa crush ko na crush ko siya eh pag nabasa niya yan eidy at least pasimple na parang sinabi ko na din..wahahaha...

jaychelle - hindi ko na yan ginagamit na username eh. Bakit kasi yan ung pinagsama naming name ng ex ko. Pero hindi siya si adik..hehehe

adik_say08 - yan ung gamit ko sa twitter. expression ko kasi ung word na adik, tsaka ung word na yan kasi ung naging tawagan namin ni adik eh...ung 08 naman kasi yan ang birth date ko.

ayun lang po...

-the end-

isang malaking EWAN

isa talaga akong malaking EWAN...

bakit?

Ewan ko din..hehehe...

Kapag nagboblog ako madalas akong magtanong dun sa right side part na ask a question tapos kapag klinick mo eh may sagot siya. Pero dapat ang question mo eh answerable with only a yes or a no.

Hulaan niyo kung ano madalas kong itanong dun? hahaha

Nakakahiya mang aminin pero tungkol na naman iyon kay adik.
Bakit na naman?
Walang basagan ng trip... hahaha
Kaya nga isa talaga akong malaking EWAN...

Ano namang tanong iyong tungkol sa kanya...?
Eidy ang walang kamatayang NAMIMISS NIYA KAYA AKO?
at isa pang makapigil hiningang MAHAL NIYA PA KAYA AKO? nyahahaha...

Pagkatapos madidismaya lang naman ako sa lalabas na sagot kasi parang kulang na lang eh ipagduldulan sa pagmumuka ko ang isang malaking NOOOOOOO....

Anak ng pating naman eh... pero wag ka... dahil sa aking kakulitan hindi talaga ako titigil hanggat hindi ako nakakuha ng sagot na gusto ko. Ano iyon? anu pa kundi ang isang napakalaking YES...wahahaaha

At kagabi tuwang tuwa ako dahil iyon ang lumabas na sagot. Kulang na nga lang eh magtatalon ako sa sobrang tuwa.

Ang EWAN ko talaga noh?

Pero kung iniisip mong nagkaroon ng dayaan, wala ah... MALINIS PO ANG AKING KONSENSYA d nga lang halata..hehehe...

I-try mo din ang.. "SAGOT SA TANONG?"

3/22/10

15 minutes



Last week, unli call ako...
Out of boredom naisipan kitang tawagan...
Mali pala kasi talagang gusto kitang tawagan its just that I don't have enough guts para gawin iyon.
Pero that day, ewan ko ba at nagawa ko.

Pagkatapos kong idial ang number mo, actually nagdalawang isip nga ako kung talagang sigurado ako sa gagawin ko, baka kasi mapahiya lang ako. Baka ayaw mo akong kausap tapos tatawag tawag pa ako. Pero sabi ko sa sarili ko wala namang masama eh. Kakamustahin lang naman kita, hindi naman siguro masama iyon dba? at kung hindi mo man sagutin eh d ok lang, wala naman akong magagawa pa dun at least sinubukan ko dba?

Habang nag-aantay ako sa kabilang line kung may sasagot nga ba ng tawag ko, alam mo ba sobrang lakas ng kaba ko. Ung tipong pakiramdam ko eh sasabog ang puso ko sa sobrang kaba. Parang gustong lumabas ng puso ko mula sa katawan ko, tapos nanlalamig iyong buong katawan ko. Para kong tanga pero dinadaan ko lang sa ngiti para kahit paano eh maleasen naman ung kabang nararamadaman ko.

"HELLO ADIK" sagot mo sa kabilang linya...
para kong nabunutan ng isang malaking tinik sa lalamunan ko ng sagutin mo iyong tawag ko. Salamat kasi binigyan mo ako ng chance na marinig ulit iyong boses mo na ilang buwan ko na ring hindi naririnig. It was really a big relief. "KAMUSTA?" tanung ko sayo hanggang sa humaba na iyong usapan natin. Parang katulad lang dati. Ewan ko ba pero hindi ako naiilang sayo, tawa nga lang ako ng tawa eh. Napansin mo pa nga iyon. Masaya lang kasi ako eh. Kasi pagkatapos ng ilang mahabang buwan nagawa ko ding kausapin ka ulit. Namiss ko din kasing kausap ka. Nakakamiss iyong kakulitan mo sa phone. Lagi mo kasi akong pinapatawa kahit na nga minsan eh madalas mo rin akong asarin. MASAYA LANG KASI AKO KAPAG KAUSAP KA.

Habang kausap nga kita parang walang nagbago eh. Ganun ka parin. Siguro masyado lang akong praning noong mga panahong iyon. Parang gusto ko tuloy magsisi sa desisyon ko pero okay na rin naman. Pwede namang magkaroon ng second chance eh, kung magkakaroon. Pero sana nga magkaroon.hahaha

Sa loob ng labing limang minuto nakausap ko ulit iyong ADIK ko...
Masaya ako..
Sobrang saya...

SALAMAT ADIK...
SALAMAT SA LABINLIMANG MINUTO...

SHOOT

A girl talking to her ex-bf.

G: Kamusta ka na?

B: Eto, ayos lang.. ikaw?

G: Ayos lang din.. Nakapag move-on na.

B: Meron ka ng bagong bf?

G: wala pa, balita ko ikaw meron na..

B: *smiled*

G: silence means yes..

B: wala pa. Pano sabi mo maghanap ako ng better sayo..

G: oh? ano namang problema dun?

B: malaki... kasi.. how can i find a better one, if i already let go of the best I could ever have?


(sana ganyan din ang isagot mo sakin...hahaha...)

3/12/10

HON




HON...

a simple endearment yet everytime I heard that....
it feels like for a minute my world suddenly stop for a bit of seconds...
and reality hits me...
"WALA NG TATAWAG SAYO NG GANYAN"

It would made me smile for a bit but then after that mapapalitan naman iyon ng isang pilit na ngiti...
OO nga tama naman eh...
Kahit kilan hindi ko na maririnig sayo ang tawag na yan...
Siguro marinig ko man pero hindi na para sakin...
And YES it would made my heart bleed...


HON...

I still remember ako pa iyong unang tumawag noon sayo niyan, but it was just a joke until one day naging totohanan na ang lahat...

HON...

before I used to hate that word...
Ewan ko ba pero kasi nakokornihan talaga ako sa tawagan na ganyan eh...
Pero simula noong tawagin mo akong HON...
mas naappreciate ko iyon...
Siguro kasi masarap pala sa pakiramdam na ikaw iyong taong tumatawag sakin ng HON...
masarap sa pakiramdam kasi punong-puno ng pagmamahal mo ang bawat letra...

SANA MARINIG KO ULIT SAYO ANG MGA SALITANG IYAN....
katulad dati...

I LOVE YOU HON... =(

3/11/10

SI ADIK

  • siya iyong tatay ni baby adik...wahahaha
  • siya iyong merong bolang kristal...
  • siya iyong kaibigan ko for about half a year...
  • siya iyong naging bestfriend ko...
  • siya iyong sinasabihan ko ng lahat ng kadramahan ko sa buhay...
  • siya iyong kwela kong ex...(awts)
  • siya iyong adik sa chess...
  • siya iyong nagparamdam sakin ng bonggang bonggang LOVE...
  • siya iyong nagparealize sakin na walang salitang korni sa dalawang taong nagmamahalan...
  • siya iyong nagparamdam sakin na masarap magmahal...
  • siya iyong taong nagpatibok muli ng puso ko...
  • siya iyong isang taong ilang libong kilometro ang layo sakin pero nasa puso ko(cheesy)...higit sa lahat
  • siya iyong laman ng puso at isip ko...
marami pang bagay ang nagdedescribe sa kanya... kaso lang need ko na mag-out...hehehehe
galit na ang kapatid ko...
ayan muna for now...

gudnyt....

ONLY REMINDS ME OF YOU---



When I was surfing in a forum a while ago, i bumped into someone's post...
It was like I was hit by someone exactly from the weakest point of my body...

MY HEART...

and shoot... tagos hanggang buto...

Hindi ko nga alam kung ano bang dapat kong mafeel... but when I was reading his post naisip ko lang na sana ganun din iniisip mo...hahahaha... ang ewan ko talaga...
masama bang hilingin iyon? hindi naman dba?
hanggang hiling lang naman ako eh...
ang dami dami kong nababasa na nagpaparemind sakin sayo...
Wala eh, kasalan ko bang ikaw iyong maisip ko?
Ngayon lang naman ulit eh... Hindi naman siguro masama...

Kapag may nababasa akong sn na adik, minsan parang ang paranoid ko.. Naiisip ko baka ikaw iyon... and when I ask that person. Paksyet mali talaga... ahahaha... ang bopols ko kasi...
Ang dami dami nga palang may ganung sn at marami ding taong expression iyong word na iyon...
ADIK TALAGA....

Sana okay ka lang... for sure okay ka naman eh...
Masaya na ako basta malaman ko lang na okay ka... kahit na hindi ako okay... ahahaha ang emo ko talaga...

Namimiss na talaga kita....
Nakakaiyak tuloy... hay ang ewan ko talaga...

Sayang 9th monthsary na sana natin nung MARCH 7.
Kung d lang sana ako sumuko at naging demanding...
Tayo pa kaya hanggang ngayon?
Will you still hold on and stay for me kahit na mahirap akong intindihin?
Hay.... sighed..........

Sana tayo padin...
Kung pwede ko nga lang i-undo ang lahat eh kaso d naman pwede...
Hay buhay....

Sabi noong binigay na textmate sakin ni jef malamang daw may bago kana...
(Sana wala pa...wahahahaaha)
Sabi ko sa kanya ewan ko...hindi ko naman kasi talaga alam eh.. I have no idea. Pero knowing you palagay ko naman wala pa eh..hahahaha... lakas ng fighting spirit ko... kasi kung meron na nga, tanung lang
ganun ba ako kadaling kalimutan?
Nakikipagtalo pa nga ako dun sa guy... para akong ewan noh...
Eh kasi naman kahit pano naman kilala naman kita...(sana nga...hehehe)

Nakakatawa pa kasi nacompare pa kita sa kanya...
kasi naman grabe...
mabilis pa siya sa tsunami ah....
Talagang gusto niya ng magkagf...

Eh d naman ako desperada... pero okay naman siya katext...
he's nice...
nakita ko na din siya sa picture...okay naman siya...
pero iba ka pa rin sa kanila....

IBA NAMAN KASI TALAGA IYONG ADIK KO...
kaso wala na siya sakin...

Ganun lang talaga ang life....

Napadaan ako sa fs mo, nagupdate kana pala ng background hindi na kasi iyong picture nating dalawa iyong andun eh...matrix na, sosyal...hehehe
Pero isang bagay iyong andun pa din, iyong picture ko... nakakatuwa kasi hindi mo pa din tinatanggal pero malay ko ba na baka wala ka lang time na tanggalin iyon...hahahaha...

Pagbasa ko sa profile mo wala namang nagbago. Isang bagay lang iyong napansin ko iyong nakasulat sa who i want to meet mo...

who you want to meet:
"....for me she's definitely hot and awesome person,,o other than my one and only adik"

Nawindang ako ng mabasa ko yan... sana totoo nga... hay ang ewan ko talaga....
Kaso baka matagal na yan hindi ko lang napansin...
 
THE BOTTOMLINE: MAHAL PA DIN KITA

the BRIDE

Hmmm.....
Ilan na nga bang wedding ang napuntahan ko?
Noong una, nung kasal ni Ate Dianne... she was my couzin and that was 7 years ago...
I'm one of the bridesmaid...
The second one is nung kasal ni ate Lea na pinsan ni mama iyong groom... At ako iyong pinakamagandang maid of honor....bwahahaha...
Tapos iyong kasal ng friend ko na si Judy...
then kasal ni Joan...
This year was a civil wedding of Tin-tin noong January...

And ngayong darating na sunday kasal ni ate Cleotilde.... kapatid siya ng asawa ng pinsan ko.
Si mama ang napiling ninang so ayun pupunta kami ng Nueva Ecija para sa wedding ceremony.

Another wedding for the year 2010... Best wishes to them...

Naranasan ko ng maging abay...
Maging maid of honor...
maging bwesita...

the question is
KILAN KO NAMAN KAYA MARARANASANG MAGING BRIDE? wahahaha

Hindi naman dahil sa gusto ko ng magpakasal noh... wala lang...
Gusto ko lang mafeel kung anong feeling ng bride habang nag-lalakad siya sa aisle papalapit sa groom niya...
Papalapit sa taong makakasama niya habang buhay...
Tapos nakatingin sa kanya iyong lahat ng tao na nandoon sa event na iyon, na para bang siya iyong pinakamagandang babae sa buong universe...

In time sana maranasan ko ding maglakad sa aisle habang nag-hihintay sa dulo noon ang pinakamamahal kong groom..hehehe
Gusto kong magsuot ng bonggang bonggang gown...
Gusto ko na sa mga oras na iyon ako lang ang pinakamagandang babae sa paningin nilang lahat...

Iyon nga lang sa mga panahong ito hindi ko alam kung mararanasan ko pa iyon...nyahahaha... kasi bf nga wala ako eh...
Baka kasi walang gustong magpakasal sakin eh..wahahahaha...

Lord hindi ko po kailangan ng perfect groom coz I know he doesn't exist...
Just give me someone who will stay by my side for the rest of my life and would love me with all his heart and soul...=)

I'll be patiently waiting for him... kahit na napakamainipin ko...

3/10/10

MOVING FORWARD---



MOVE FORWARD---

MOVE ON GIRL--

MARAMI PA NAMAN DIYANG IBA EH...

KALIMUTAN MO NA SIYA...


 
Samot saring advise ang kadalasang maririnig pag broken hearted ang isang tao. At isa rin ako sa mga nagsasabi ng mga linyang yan sa mga kaibigan ko at kapag ako naman ang broken hearted baliktad naman ang sitwasyon at sakanila ko naman maririnig ang mga salitang yan...

Noon akala ko napakadali lang gawin ng mga advise na yan. Pero sa kabuuan NAPAKAHIRAP pala. Mahirap panindigan...

Hindi ito kasing dali ng pagkuha ng isang kutsarang kanin na may kasamang ulam na basta basta mo lang isusubo...

Iiyak ka muna ng ilang litrong luha at sandamakmak na tissue paper. At hindi lang diyan nagtatapos ang lahat pagkatapos ng sangkaterbang kaemohan o kadramahan mo sa buhay, hindi naman basta basta mawawala iyong sakit at iyong nararamdaman mo para kay Ahemmm...

Minsan kasi akala natin nakalimutan na natin ang isang tao. Iyon naman pala isa lamang iyong MALING AKALA tulad ng kanta ng isang banda (d ko na matandaan...hehehe). Tapos out of nowhere kapag nakita mo si Ahemmm doon mo lang marerealize kung talaga nga bang nakamove forward kana sa kanya.

Sabi nga sa isang quotes na nabasa ko:

"WOUNDS WON'T HEAL IF YOU URGENTLY PUT BAND AIDS ON IT... SOMETIMES, YOU JUST HAVE TO LET IT BLEED... LET YOUR WOUNDS HAVE A SPACE FOR HEALING AND WHEN YOU THINK YOUR WOUNDS ARE ALREADY CLEANSED... THAT'S THE TIME YOU NEED TO USE BAND AIDS..."

REMEMBER:
THE MORE YOU COVER YOURSELF FROM PAIN...
THE MORE INFECTED IT GETS...




HANGGANG KAILAN???

MOVE ON---

Madalas ko yang marinig noon sa mga kaibigan ko...
Lalo na kapag broken hearted sila...

Madalas ako pa nga ang adviser nila...
Samantalang wala pa naman akong alam sa mga pag-ibig na yan...
Kasalukuyan pang natutulog ang prince charming ko noong mga time na iyon...nyahahaha
Back to the topic... ayun nga ako ang dakilang love adviser nila...
At ako namang si ewan todo advice din na akala mo eh, napagdaanan na lahat ng napagdaanan nila...
Basta sinasabi ko lang ang kung ano sa tingin ko ang tama, sa mga napapanood ko at napapakinggan base sa sitwasyon ng iba.
Napuri pa ako noon ng isang kaibigan ko na ang galing ko daw magbigay ng payo...
AKALA LANG NIYA IYON....hehehehe

Dumating ang time na kumatok si LOVE at bonggang bongga ko naman siyang pinapasok...
Tinanggap ko siya ng buong puso pati ng lahat ng body organs ko.

Naransan kong maramdaman ang tinatawag na chuvachocho ni Jolina.
Masarap pala sa pakiramdam...
Iba iyong feeling...
Pakiramdam mo nga ikaw si Darna na kahit wala kang super powers eh para ka namang lumilipad sa ere basta kasama mo si Ahemm...
Para ka ding si SUPERMAN kasi feeling mo kayang kaya mong gawin ang lahat basta para kay Ahemmm...

Pero tulad nga ng isang pelikula, fairy tale at kung anu-ano pa...
May hangganan ang lahat...

"HINDI LAHAT NG GUSTO NATING MANGYARI AY AAYON SA GUSTO NATIN"

Iyon lamang ang isa sa mga bagay na napatunayan ko. Pwede kang mangako ng FOREVER pero walang kasiguraduhan na matutupad ito. Hindi assurance ang mga matatamis na salita na habangbuhay na kayong magkasama. Meron din kasing mga KONTRABIDA na pilit hahadlang. May mga pagkakataong magagawa niyong lampasan ang lahat pero hindi sa lahat ng oras.

MAY HANGGANAN ANG LAHAT...

3/8/10

LAMAN NG ISIPAN NG ISANG ADIK

minsan pilit mong hinahanap ang isang bagay na hindi mo alam kung ano...
at sa kakahanap mo sa malayo hindi mo napapansin na andiyan lang pala sa harap mo...
kumakaway sayo...
un nga lang sa layo ng tingin mo hindi mo siya nakikita...




"hindi ko alam kung hanggang kilan ako magpapakatanga sayo..."
siguro kapag napagod na ako
ang tanong lang...
KILAN NAMAN KAYA IYON?




PAG-IBIG
kung iisipin akala mo simpleng salita lang...
iyon pala...
"mas malalim pa sa pinakamalalim na balon...
mahirap bigyan ng kahulugan...
at minsan napakadaling sabihin pero mahirap panindigan"...

3/6/10

MISUNDERSTANDING LEADS TO BREAK UP

Girl's Side

You're too cold. I dont know why?
I thought were okay but then I felt something strange...
Am I just too paranoid?

Weeks passed, but you haven't texted me even a single message.
Samantalang dati rati naman gumagawa ka ng way.
Does that mean nagsawa kana?

I called you... kahit na a part of my mind is not agree with what I wanted to do.
For the 1st time, sinunod ko iyong sinasabi ng puso ko kesa sa isip ko na at naghuhurumintado kong PRIDE.

I waited and waited hanggang sa marinig ko nalang iyong operator "SORRY THE NUMBER YOU HAVE DIALLED IS EITHER UNATTENDED OR OUT OF COVERAGE AREA PLEASE TRY YOUR CALL LATER"... Nawala na iyong pag-asa ko na makausap ka. I didn't tried again kasi baka pag ginawa ko pa iyon mag-eexpect lang ako sa wala. I really feel so upset that moment. I wanted to cry but then again for what? muka na nga akong kawawa eh. Siguro okay na iyong kahit once sinubukan ko, kung ayaw mo naman kasi talaga akong makausap eh wala na akong magagawa dun dba? But then sana kahit pano nagkaroon ka ng guts para sabihin sakin kung ano mang problema o kung hirap kana sakin. Coz you know what I'm still holding on, pero I decided to let you go. Hindi ko na kasi kaya iyong sakit. For the last minute I'm still hoping na magtetext ka but then again maybe I was expecting too much.
I really don't want to lose you but I'm so hopeless and I know I have to do something that I hope I would never regret.
I'm really having a hard time to make my final decision... coz I REALLY LOVE YOU... but sometimes you have to face the fact that somethings are not meant to be. And maybe YOU and I are not meant to be. I decided to let you go, not because I HATE YOU but because I REALLY LOVE YOU with all my heart and soul.




 

Guy's Side


Hindi ko alam kung bakit ganyan ang iniisip mo sakin. Hindi paba sapat na MAHAL KITA? Hindi pa ba sapat lahat ng ginagawa ko sayo. Tapos iyong mga simpleng bagay na gusto ko, hindi mo sinusunod. Ang tigas tigas ng ulo mo. Kung anong gusto mo ginagawa mo. Hindi mo lang alam pero mas nasasaktan ako sa mga nangyayari. Alam mo naman kung gaano kita kamahal pero parang hindi ka naniniwala. Wala ka atang tiwala sakin. Hindi na kita maintindihan, nahihirapan akong sakyan ka sa mga gusto mo. Kapag tinatanong kita kung anong problema, tahimik ka lang at wala ka namang sinasabi. Marami akong problema hindi ko lang sinasabi sayo kasi ayokong pati ikaw problemahin mo pa iyon, kaso lang hindi mo din ako maintindihan.

Tumawag ka nga kaya lang bakit isang tawag lang? Dati rati naman nakakailang tawag ka pa lalo na kapag hindi ko nasasagot. Bakit ngayon isang tawag lang suko ka na.Haaay...

Ayoko rin namang nahihirapan ka, siguro nga mas okay ng tapusin na lang ang lahat. Ang gusto ko lang naman makita kang masaya, at kung kasama doon ang pagkawala ko sa buhay mo. Siguro nga mas ok na iyon basta makita lang kitang masaya dahil MAHAL KITA. Hindi ako magsasawa sa mga salitang iyon dahil iyon naman talaga ang totoo.

TANONG LANG?

Naiirita ka na ba sakin?
Ang kulit ko kasi...

Text pa ng text...
Gusto ko lang namang kamustahin ka eh.
Masaba ba iyon?
Siguro nga..hehehe

Wala lang kasi, gusto ko lang maging magkaibigan pa rin tayo.
Tulad dati.
Pero mukang ayaw mo naman.
Obvious kasi parang iniiwasan mo akong makatext.
Ewan ko kung bakit.

Nung tinanong kita, sabi mo hindi ka naman galit sakin.
Pero parang hay ewan.
Hindi ko din alam...
Confuse daw ako..hehehe

Sige yaan mo hindi na talaga ako magtetext.hehehe
Hindi na ako mangungulit sayo.
Baka kasi isipin mo ang epal ko talaga...
I mean no harm naman...

Wag kang mag-alala ndi na talaga ako mangungulit...
Si J.r nalang kukulitin ko.
HAHAHAHA..

GODBLESS... Galingan mo sa exam mo.

CONFESSION OF A GIRL

Simula pagkata magkasama na kami.
Madalas kaming maglaro.
Mamasyal sa park.
Manood ng mga bituin sa langit.
Masasabi kong sa maraming pagkakataon mas lamang iyong mga oras na magkasama kami. Kaya nga nagkaroon ako ng espesyal na nararamdaman para sa kanya.
At kahit ngayong nagtatrabaho na siya kahit kailan hindi niya ako nakalimutan. Kapag dumarating siya galing sa trabaho niya, mas una niya pa akong hinahanap bukod sa mga magulang niya.
Madalas niya din akong bigyan ng mga rosas. Hindi ko nga alam kung para saan iyon pero tanggapin ko na lamang daw.
Gusto niya akong laging nakikitang nakangiti. Maganda daw kasi ako lalo na kapag nakangiti. Kung minsan hindi ko alam kong papano ko magrereact, naguguluhan ako. Hindi ko kasi alam kung paano ko ipaliliwanag ang nararamdaman ko. Para kasing bago para sa akin ang pakiramdam na iyon.

Kung minsan isinasama niya ako sa pagpunta sa tabing dagat at sabay naming panonoorin ang paglubog ng araw. Sa tuwing tititigan ko siya, kakaiba iyong nararamdaman ko na para bang may isang parte ng katawan ko na para bang sasabog at gustong lumabas. Napapansin ko din ang kakaibang lungkot sa mga mata niya.
Nang minsang maglakas ako ng loob na itanong sa kanya kung bakit tila malungkot siya, tumitig siya sakin at pilit na ngumiti sabay bitaw ng mga salitang "bakit kasi? kasabay ng isang malalim na buntong hininga.

May time na madalas siya mapaaway dahil sa akin lalo na kapag magkasama kaming dalawa. Pero kahit kilan hindi niya ako pinabayaan at sa halip na ako ang maging tagapagtanggol niya, siya ang nagiging tagapagtanggol ko.Tandang tanda ko pa iyong mga salitang binitiwan niya

"KAHIT KILAN HINDI KO HAHAYAAN NA MAY MANAKIT SAYO, NI DULO NG DALIRI MO HINDING HINDI AKO MAKAKAPAYAG NA MAHAWAKAN NILA... I'LL DO EVERYTHING FOR YOU ELLA KAHIT NA MAKIPAGPATENTERO PA AKO KAY KAMATAYAN..."

Noong mga sandaling iyon, mas lalong tumindi iyong kakaibang nararamdaman ko para sa kanya. Hindi ko alam kung anong itatawag ko sa pakiramdam na iyon. Pero kung PAG-IBIG nga ang tawag doon gaya ng sabi ng iba, marahil MAHAL KO NA NGA SIYA.

Pero sadyang may mga bagay na naghihiwalay sa aming dalawa.

Nakalimutan ko palang sabihing isa siyang MORTAL samantalang isa lamang akong CYBORG.

3/1/10

GOOD NEWS!

Guess what?
Hindi na kita masyadong naiisip...ahahahaha
Good news na iyon para sakin. Kasi nasasanay na ako sa sitwasyon ngayon.
Kagabi nagawa ko ng basahin iyong mga text message mo na nakasave pa din sa phone ko until now.
Hindi ko pa kasi siya maerase erase eh. Ewan ko nga ba. Nakakatuwa lang kasi, those text messages are very important to me kasi galing sayo iyon. Bukod pa dun andun pa ung puso mo na wala na ngayon. Pero after a month eerase ko na din un. Ngayon kasi hindi ko pa kaya. Pero habang tumatagal nagiging okay na naman eh. I am enjoying every single moment in my life with my friends, my family even without you, I know naman nag-eenjoy ka din eh. At dapat lang iyon, you should always be smiling kasi tatanda ka agad pag lagi kang nakasimangot.hehehehe... Atsaka gusto ko din namang malamang masaya ka kahit na hindi na ako kasali sa mga rason kung bakit napapangiti ka.

Be happy always ha adik.... =)