5/24/10

DEAR CRUSH

Dear Crush,

      Nakita na naman kita kahapon, ung smile mo na cute na cute ako kapag nakikita ko.Pag ngumingiti ka pati ung mata mo parang tumatawa na din, ang cute cute mo talaga. Kahit na matino ka hindi halata sayo kasi ba naman para kang nakainom ng ilang baldeng red horse, ang labo mo pang kausap. Pero kahit ganun, crush pa rin kita. Gustong gusto ko kasi ung pagiging weird mo, siguro kasi dahil weird din ako. Oh dba? hindi tayo tao, kasi bagay talaga tayo.
     Kahapon nakasalubong na naman kita, syempre kumpleto na naman ang araw ko. Kaya nga kahit hindi maipinta ang mukha ko makita lang kita daig ko pang tumama sa lotto. Minsan nga iniisip ko kung paghanga lang ba ung nararamdaman ko para sayo? Para kasing habang lumilipas ang araw mas naglelevel up ung nararamdaman ko para sayo. Kaso lang hindi mo naman napapansin na nag-eexist ako. Pano mo ba ako mapapansin? Sa tuwing magpapakita na kasi ako sayo, mawawala kana sa paningin ko. Sabihin mo naman sakin para magawan ko ng paraan. Wala ka namang dapat ikatakot kasi mabait naman ako eh, lalong lalo na pagdating sayo. Alam mo naman sobrang lakas mo sakin eh, mas malakas pa bagyong ondoy. Kita naman tayo mamaya sa may balete alas-8 ng gabi, hihintayin kita.

Love lots,
whitelady

2 komento:

  1. Heeeeheeheheh! Ang cute naman....hay, sarap ng in love.

    TumugonBurahin
  2. @ayie: hehehe.. thanks po... uu nga po eh, masarap talaga...mas masarap pa sa pinakamasarap...hehe

    TumugonBurahin