5/14/10

PHOTOGRAPHS (LOVE STORY)




"Ate, baka gusto mong sumama sakin sa tabing dagat? Baka kasi naiinip kana dito samin eh, nag-aalalang tanung sa akin ng pinsan kong si Candy". 
Nakatingin ako noon sa labas ng bintana ng marinig kong anyaya niya, bahagya akong tumango at maigsing sige ang sinagot ko.
"Kung ganoon ay sumunod ka na lamang sa akin sa baba may kukunin lang ako, dagdag pa niya". Pagkatapos noon ay kumilos na ako at nag-ayos saka bumaba na.

Si Candy ay pinsan ko, 18 taon pa lamang siya samantalang nasa 25 anyos na ako. Kung bakit man ako muling nagbalik pagkatapos ng ilang taong pagtira sa Maynila at nagmumukmok sa kanilang probinsya siya lang ang nakakaalam. 

"Hindi ba't napakaganda ng lugar na ito ate, nakakarelax... ang sabi niya ng makarating kami sa dalampasigan".
Oo, napakaganda nga. Sariwang hangin, tahimik na kapaligiran, walang kaduda dudang napakaganda ng lugar na ito lalo na ang dagat, na para bang hinahalina ka nito na lumapit sa kanya, pero sapat na ba ito para maalis ang sakit na nararamdaman ko? ang makahulugang sagot ko sa kanya na mababakas ang kalungkutan sa bawat salitang binitiwan.

"Ate... un lamang ang tanging salitang nasambit niya habang bahagya akong pinagmasdan na may halong awa sa kanyang mga mata.
Am I that pathetic? tanung ko isip ko, kasabay ng isang malalim na buntong hininga.
Pwede mo ba akong iwan muna candy? gusto ko lang mapag-isa... pakiusap ko sa pinsan ko.
"Kung iyan ang gusto mo, hihintayin na lamang kita sa bahay ate huwag ka masyado magpagabi. Hindi man sapat ang lugar na ito para mawala ang sakit na nararamdaman mo pero marahil sapat na ito para maibsan kahit paano ang sakit...ang nakangiting sambit niya bago siya tuluyang umalis."

Siguro nga tama si Candy, hindi man nito magawang alisin ang sakit na nararamdaman ko kahit paano naman ay nababawasan...kasalukuyan akong nasa gaanong pag-iisip ng bigla kong mapansin ang flash ng camera mula sa di kalayuan. Paglingon ko, isang lalake papalayo mula sa kinaroroonan ko ang naglalakad papalayo. 
Marahil isa siyang photographer base sa itsura ng camerang hawak niya. Pagkatapos ng ilang minutong pananatili ko sa lugar na iyon, umalis na rin ako at naisip kong muling bumalik.. Masarap sa pakiramdam ang katahimikang bumabalot sa lugar na iyon. Malayo sa mga mapanghusgang taong napakaliit ng tingin sa akin na para bang ako ang pinakawalang kwentang tao sa mundo.

Hindi lang isang beses na nagpunta ko ng dalampasigan kundi naulit ito sa maraming pagkakataon. Sa tuwing pinagmamasadan ko kasi ang dagat nakakaramdam ako ng kapayapaan sa puso ko. Na para bang sa lugar na iyon nababawasan ang sakit na nararamdaman ko dahil sa isang nakaraang gusto ko ng kalimutan. Sa nakaraang minsan kong sinubukang takasan pero sa bawat araw ng buhay ko iyong mga bagay na gusto kong kalimutan kung kilan para bang nagiging maayos ang lahat saka naman para bang nananadya ang tadhana at bigla nalang isang balita ang mas lalong magbibigay ng sakit.

Isang araw habang nagbabasa ako ng dyaryo, isang article doon ang kumuha ng atensyon ko at isang pamilyar na larawan ng isang lalake kasama ang isang babae.
"Mr. Lee are now married to a very beautiful woman Ms. Lopez...." Hindi ko na nagawa pang tapusing basahin ang article. Sapat ng nalaman kong nagpakasal na pala ang lalakeng ikakasal sana sakin. Ang lalakeng minsan kong minahal at hanggang ngayon ay laman pa rin ng puso ko. Sa galit ko itinapon ko sa labas ang dyaryo at tumakbo sa paborito kong lugar. Doon ko ibinuhos ang lahat ng luhang kaya kong ilabas. Napakasakit...
sobrang sakit...
Bakit ganun na lang kadali para sa kanya ang kalimutan ako? tanung ko sa isip ko.
Bakit kilangan ko pa siyang makilala para lamang masaktan ako? at sa lahat ng bakit...
Bakit siya pa ang minahal ko?

-------





Sa di kalayuan isang pamilyar na bulto ng katawan ang natanaw ko na nakaupo sa may batuhan. Sa halos araw-araw na ginagawa kong pamamasyal sa may dalampasigan halos araw-araw ko ding nakikita ang isang magandang babaeng laging may malungkot na aura sa kanyang katauhan. At dahil sa kuryusidad naisipan kong magtanung kung sino ang babaeng iyon. Doon nalaman kong siya pala ang batang babaeng minsan kong pinangakuan. Isang pangakong hindi ko alam kung natatandaan niya pa. Masaya ako ng malaman kong siya pala ang kababata ko pero napalitan din ito ng lungkot ng malaman ko mula kay Candy kung anong pinagdadaanan niya. Ikakasal na sana siya sa isang sikat na Businessman sa Maynila ng hindi sumipot ang groom sa kasal niya, bukod sa kahihiyang natamo niya at ng kanyang pamilya higit pa roon ang sakit na naramdaman niya ng malaman niyang ikinasal na pala ang lalakeng minahal niya. 

Sa loob ng ilang taon nakita ko rin siyang muli. Iyon nga lang hindi ko inaasahan na sa pagbabalik niya dito isang malungkot na babae ang makikita ko, kabaligtaran sa isang batang babaeng nakilala ko noon. Hindi ko man gustong makita siya sa ganoong kalagayan, hindi ko alam kong paano ko maaalis ang lungkot sa mga mata niya, sa maamong mukha niya.
Sana pwede kong akuin ang lahat lahat ng sakit na nararamdaman niya.
Sana kaya kong ibalik muli ang dating ngiti sa mga labi niya.

Miss okay ka lang ba? tanung ko ng makalapit ako sa kinauupuan niya. Sa halip na humarap sa akin ay sa kabilang side siya tumingin na para bang gusto niyang itago ang pag-iyak niya. Hetong panyo? sabay abot ko sa kanya. Wag kang mag-aalala malinis naman yan eh, dagdag ko pa. Ni isang salita wala akong narinig mula sa kanya, katahimikan ang bumalot sa lugar na iyon. Maya maya'y siya rin ang bumasag ng katahimikan sa pagitan namin. 
"Salamat, maigsing sagot niya na mababakas pa rin sa kanyang mukha ang labis na kalungkutan."
Hindi ka tagarito hindi ba? ngayon lang kasi kita nakita dito samin, pagsisimula ko ng usapan.
Oo, hindi nga... matipid nyang sagot.
....
Bakit ka umiiyak? naaalangang tanung ko sa kanya.
Hindi naman dahil sa pinahiram mo ako ng panyo mo eh sapat na iyon para sabihin ko sayo ang dahilan ko, ang sabi niyang walang kare-are-aksyon sa mukha sabay tayo at akmang aalis na.
Teka, aalis ka na?
Oo, salamat sa panyo hayaan mo papalitan ko ito sabay talikod niya sa akin.
Siya nga pala may exhibit bukas sa bayan baka gusto mong pumunta para mabawasan naman yung lungkot mo, paanyaya ko sa kanya sabay hiling na sana ay pumunta siya.




--------
"Oh, ate andiyan ka na pala, galing ka ba ulit sa dalampasigan?"
Ah, oo nanggaling nga ako doon..
"Siya nga pala sinabi sa akin ng ni Kuya James na may Exhibit daw bukas sa bayan, baka gusto mong mamasyal at tingnan?
Exhibit? pagkarinig ko nun naalala ko ang sinabi sakin ng lalake kanina sa dalampasigan. May exhibit bukas sa bayan baka gusto mong pumunta para naman mabawasan ung lungkot mo.Hindi naman siguro masama kung pupunta ako. Sige pumunta tayo bukas candy. Teka sino naman ung sinasabi mong James? 
"Ah, si Kuya James? kaibigan ko siya ate. Hayaan mo ipapakilala ko siya sayo bukas."
Ah, ikaw ang bahala. 

Kinabukasan maaga kaming pumunta ni Candy sa Bayan para tingnan iyong exhibit na sinasabi ng kaibigan niyang nagngangalang James, at ng lalake sa dalampasigan. Pero habang tinitingnan ko ang mga larawan, may isa doong kumuha ng atensyon ko at ni candy.
"Ate, tingnan mo ang larawan nitong babae na nakaupo parang ikaw? puna ni candy."
Pinagmasdan kong maigi ang larawan at tama nga si Candy, hindi ako maaaring magkamali dahil talagang ako nga ang babae sa larawan. Hindi lang pala isa ang larawang iyon sa may batuhan kundi marami pa at sa iba't ibang anggulo, mababakas ang lungkot sa mga mata nga babae. Masasabi kong maganda at magaling ang kumuha ng mga larawang iyon dahil ramdam mo ang emosyon sa bawat kuha. Pero kahit ganun inis ang nararamdaman ko sa pagkuha niya ng mga litrato ko na walang paalam mula sa akin. Bakit kilangan niyang kuhaan ako ng pictures para lamang ipakita sa lahat kung anong lungkot ang nararamdaman ko? Nagngingitngit ang kalooban ko at pakiramdam ko naiinsulto ako sa walangyang photographer na hindi man lang humingi ng permiso sa akin. Nagsimula akong magtanung sa mga tao para alamin kung sinong photographer at laking gulat ko ng makita ang isang pamilyar na muka. Ang lalake sa dalampasigan, nandito din. Sa kakatingin ko ng mga larawan nawala na sa paningin ko ang pinsan kong si candy at laking gulat ko ng makita siyang kausap niya ang lalake na iyon kaya naman agad agad akong lumapit para magtanung. Pero dahil sa naunahan na ako ni candy nasagot na din ang tanung sa isip ko.

"Ate, buti naman at lumapit kana pala dito. Gusto ko nga palang ipakilala sayo si Kuya James? siya ung sinasabi ko sayo kagabi, natatandaan mo?"
Ah, oo candy.. maigsing sagot ko na hindi pa rin makapaniwala. 
Kuya james, baling naman ni candy sa lalake, siya nga pala ang pinsan ko si ate Ysa.
Nice meeting you... sambit ni James sabay ngiti.
Teka candy alam mo ba kung sino ang bwesit na photographer na kumuha ng mga pictures ko? gusto kong makausap ang kumag na un para alisin niya dito ang mga pictures ko.
Bahagyang nagkatinginan sila James at Candy na para bang takang taka sa inaakto ko pero binalewala ko un.
Magsasalita na sana si candy ng biglang putulin ni James ang sasabihin nito.

"Ako ang bwesit na photographer na sinasabi mo ang sabi ni James na para bang nang-aasar ang ngiti."
Ah, ikaw pala.. Ikaw pala ang bastos na lalakeng hindi man lang humingi ng permiso ko para ilagay dito ang mga larawan ko. Pwede bang tanggalin mo ngayon din ang mga pictures na iyon? utos ko sa kanya.
"Why should I do that? hindi mo ba alam na maraming nagagandahan sa mga pictures mo?"
Nagagandahan? o naaawa sila sa nakikita nila? pagkasabi ko noon agad akong lumabas sa lugar na iyon. 

Mabilis kong nilisan ang lugar na iyon at patakbong tumungo sa dalampasigan. Doon ibinuhos ko ang masaganang luhang kanina pa nag-uunahang lumabas.
Pumunta ako sa lugar na ito para magkaroon ng katahimikan pero heto't kahit saan ako magpunta hindi ako tinatantanan ng mga matang mapang husga.


4 (na) komento:

  1. You said ur not a writer but u wrote very well..

    I love ur first story. I'll try to write a script for that and if ever it turns out to be a good one then i'll use ur story for my upcoming film for my course req this sem..

    TumugonBurahin
  2. ahm thanks for the complement...=)
    im not really a writer but i loved to be one...hehehe

    thanks for dropping by...=)

    TumugonBurahin
  3. Maganda pero bitin lang. May continuation ba?

    TumugonBurahin
  4. @anonymous: wala pa masyadong time para tapusin e2 eh... hehe
    anyway salamat sa pagbasa.. @_@
    may mga short stories naman ako d2 sa blog ko, un na lang muna basahin mo...hehe

    TumugonBurahin