3/22/10

15 minutes



Last week, unli call ako...
Out of boredom naisipan kitang tawagan...
Mali pala kasi talagang gusto kitang tawagan its just that I don't have enough guts para gawin iyon.
Pero that day, ewan ko ba at nagawa ko.

Pagkatapos kong idial ang number mo, actually nagdalawang isip nga ako kung talagang sigurado ako sa gagawin ko, baka kasi mapahiya lang ako. Baka ayaw mo akong kausap tapos tatawag tawag pa ako. Pero sabi ko sa sarili ko wala namang masama eh. Kakamustahin lang naman kita, hindi naman siguro masama iyon dba? at kung hindi mo man sagutin eh d ok lang, wala naman akong magagawa pa dun at least sinubukan ko dba?

Habang nag-aantay ako sa kabilang line kung may sasagot nga ba ng tawag ko, alam mo ba sobrang lakas ng kaba ko. Ung tipong pakiramdam ko eh sasabog ang puso ko sa sobrang kaba. Parang gustong lumabas ng puso ko mula sa katawan ko, tapos nanlalamig iyong buong katawan ko. Para kong tanga pero dinadaan ko lang sa ngiti para kahit paano eh maleasen naman ung kabang nararamadaman ko.

"HELLO ADIK" sagot mo sa kabilang linya...
para kong nabunutan ng isang malaking tinik sa lalamunan ko ng sagutin mo iyong tawag ko. Salamat kasi binigyan mo ako ng chance na marinig ulit iyong boses mo na ilang buwan ko na ring hindi naririnig. It was really a big relief. "KAMUSTA?" tanung ko sayo hanggang sa humaba na iyong usapan natin. Parang katulad lang dati. Ewan ko ba pero hindi ako naiilang sayo, tawa nga lang ako ng tawa eh. Napansin mo pa nga iyon. Masaya lang kasi ako eh. Kasi pagkatapos ng ilang mahabang buwan nagawa ko ding kausapin ka ulit. Namiss ko din kasing kausap ka. Nakakamiss iyong kakulitan mo sa phone. Lagi mo kasi akong pinapatawa kahit na nga minsan eh madalas mo rin akong asarin. MASAYA LANG KASI AKO KAPAG KAUSAP KA.

Habang kausap nga kita parang walang nagbago eh. Ganun ka parin. Siguro masyado lang akong praning noong mga panahong iyon. Parang gusto ko tuloy magsisi sa desisyon ko pero okay na rin naman. Pwede namang magkaroon ng second chance eh, kung magkakaroon. Pero sana nga magkaroon.hahaha

Sa loob ng labing limang minuto nakausap ko ulit iyong ADIK ko...
Masaya ako..
Sobrang saya...

SALAMAT ADIK...
SALAMAT SA LABINLIMANG MINUTO...

SHOOT

A girl talking to her ex-bf.

G: Kamusta ka na?

B: Eto, ayos lang.. ikaw?

G: Ayos lang din.. Nakapag move-on na.

B: Meron ka ng bagong bf?

G: wala pa, balita ko ikaw meron na..

B: *smiled*

G: silence means yes..

B: wala pa. Pano sabi mo maghanap ako ng better sayo..

G: oh? ano namang problema dun?

B: malaki... kasi.. how can i find a better one, if i already let go of the best I could ever have?


(sana ganyan din ang isagot mo sakin...hahaha...)

3/12/10

HON




HON...

a simple endearment yet everytime I heard that....
it feels like for a minute my world suddenly stop for a bit of seconds...
and reality hits me...
"WALA NG TATAWAG SAYO NG GANYAN"

It would made me smile for a bit but then after that mapapalitan naman iyon ng isang pilit na ngiti...
OO nga tama naman eh...
Kahit kilan hindi ko na maririnig sayo ang tawag na yan...
Siguro marinig ko man pero hindi na para sakin...
And YES it would made my heart bleed...


HON...

I still remember ako pa iyong unang tumawag noon sayo niyan, but it was just a joke until one day naging totohanan na ang lahat...

HON...

before I used to hate that word...
Ewan ko ba pero kasi nakokornihan talaga ako sa tawagan na ganyan eh...
Pero simula noong tawagin mo akong HON...
mas naappreciate ko iyon...
Siguro kasi masarap pala sa pakiramdam na ikaw iyong taong tumatawag sakin ng HON...
masarap sa pakiramdam kasi punong-puno ng pagmamahal mo ang bawat letra...

SANA MARINIG KO ULIT SAYO ANG MGA SALITANG IYAN....
katulad dati...

I LOVE YOU HON... =(

3/11/10

SI ADIK

  • siya iyong tatay ni baby adik...wahahaha
  • siya iyong merong bolang kristal...
  • siya iyong kaibigan ko for about half a year...
  • siya iyong naging bestfriend ko...
  • siya iyong sinasabihan ko ng lahat ng kadramahan ko sa buhay...
  • siya iyong kwela kong ex...(awts)
  • siya iyong adik sa chess...
  • siya iyong nagparamdam sakin ng bonggang bonggang LOVE...
  • siya iyong nagparealize sakin na walang salitang korni sa dalawang taong nagmamahalan...
  • siya iyong nagparamdam sakin na masarap magmahal...
  • siya iyong taong nagpatibok muli ng puso ko...
  • siya iyong isang taong ilang libong kilometro ang layo sakin pero nasa puso ko(cheesy)...higit sa lahat
  • siya iyong laman ng puso at isip ko...
marami pang bagay ang nagdedescribe sa kanya... kaso lang need ko na mag-out...hehehehe
galit na ang kapatid ko...
ayan muna for now...

gudnyt....

ONLY REMINDS ME OF YOU---



When I was surfing in a forum a while ago, i bumped into someone's post...
It was like I was hit by someone exactly from the weakest point of my body...

MY HEART...

and shoot... tagos hanggang buto...

Hindi ko nga alam kung ano bang dapat kong mafeel... but when I was reading his post naisip ko lang na sana ganun din iniisip mo...hahahaha... ang ewan ko talaga...
masama bang hilingin iyon? hindi naman dba?
hanggang hiling lang naman ako eh...
ang dami dami kong nababasa na nagpaparemind sakin sayo...
Wala eh, kasalan ko bang ikaw iyong maisip ko?
Ngayon lang naman ulit eh... Hindi naman siguro masama...

Kapag may nababasa akong sn na adik, minsan parang ang paranoid ko.. Naiisip ko baka ikaw iyon... and when I ask that person. Paksyet mali talaga... ahahaha... ang bopols ko kasi...
Ang dami dami nga palang may ganung sn at marami ding taong expression iyong word na iyon...
ADIK TALAGA....

Sana okay ka lang... for sure okay ka naman eh...
Masaya na ako basta malaman ko lang na okay ka... kahit na hindi ako okay... ahahaha ang emo ko talaga...

Namimiss na talaga kita....
Nakakaiyak tuloy... hay ang ewan ko talaga...

Sayang 9th monthsary na sana natin nung MARCH 7.
Kung d lang sana ako sumuko at naging demanding...
Tayo pa kaya hanggang ngayon?
Will you still hold on and stay for me kahit na mahirap akong intindihin?
Hay.... sighed..........

Sana tayo padin...
Kung pwede ko nga lang i-undo ang lahat eh kaso d naman pwede...
Hay buhay....

Sabi noong binigay na textmate sakin ni jef malamang daw may bago kana...
(Sana wala pa...wahahahaaha)
Sabi ko sa kanya ewan ko...hindi ko naman kasi talaga alam eh.. I have no idea. Pero knowing you palagay ko naman wala pa eh..hahahaha... lakas ng fighting spirit ko... kasi kung meron na nga, tanung lang
ganun ba ako kadaling kalimutan?
Nakikipagtalo pa nga ako dun sa guy... para akong ewan noh...
Eh kasi naman kahit pano naman kilala naman kita...(sana nga...hehehe)

Nakakatawa pa kasi nacompare pa kita sa kanya...
kasi naman grabe...
mabilis pa siya sa tsunami ah....
Talagang gusto niya ng magkagf...

Eh d naman ako desperada... pero okay naman siya katext...
he's nice...
nakita ko na din siya sa picture...okay naman siya...
pero iba ka pa rin sa kanila....

IBA NAMAN KASI TALAGA IYONG ADIK KO...
kaso wala na siya sakin...

Ganun lang talaga ang life....

Napadaan ako sa fs mo, nagupdate kana pala ng background hindi na kasi iyong picture nating dalawa iyong andun eh...matrix na, sosyal...hehehe
Pero isang bagay iyong andun pa din, iyong picture ko... nakakatuwa kasi hindi mo pa din tinatanggal pero malay ko ba na baka wala ka lang time na tanggalin iyon...hahahaha...

Pagbasa ko sa profile mo wala namang nagbago. Isang bagay lang iyong napansin ko iyong nakasulat sa who i want to meet mo...

who you want to meet:
"....for me she's definitely hot and awesome person,,o other than my one and only adik"

Nawindang ako ng mabasa ko yan... sana totoo nga... hay ang ewan ko talaga....
Kaso baka matagal na yan hindi ko lang napansin...
 
THE BOTTOMLINE: MAHAL PA DIN KITA

the BRIDE

Hmmm.....
Ilan na nga bang wedding ang napuntahan ko?
Noong una, nung kasal ni Ate Dianne... she was my couzin and that was 7 years ago...
I'm one of the bridesmaid...
The second one is nung kasal ni ate Lea na pinsan ni mama iyong groom... At ako iyong pinakamagandang maid of honor....bwahahaha...
Tapos iyong kasal ng friend ko na si Judy...
then kasal ni Joan...
This year was a civil wedding of Tin-tin noong January...

And ngayong darating na sunday kasal ni ate Cleotilde.... kapatid siya ng asawa ng pinsan ko.
Si mama ang napiling ninang so ayun pupunta kami ng Nueva Ecija para sa wedding ceremony.

Another wedding for the year 2010... Best wishes to them...

Naranasan ko ng maging abay...
Maging maid of honor...
maging bwesita...

the question is
KILAN KO NAMAN KAYA MARARANASANG MAGING BRIDE? wahahaha

Hindi naman dahil sa gusto ko ng magpakasal noh... wala lang...
Gusto ko lang mafeel kung anong feeling ng bride habang nag-lalakad siya sa aisle papalapit sa groom niya...
Papalapit sa taong makakasama niya habang buhay...
Tapos nakatingin sa kanya iyong lahat ng tao na nandoon sa event na iyon, na para bang siya iyong pinakamagandang babae sa buong universe...

In time sana maranasan ko ding maglakad sa aisle habang nag-hihintay sa dulo noon ang pinakamamahal kong groom..hehehe
Gusto kong magsuot ng bonggang bonggang gown...
Gusto ko na sa mga oras na iyon ako lang ang pinakamagandang babae sa paningin nilang lahat...

Iyon nga lang sa mga panahong ito hindi ko alam kung mararanasan ko pa iyon...nyahahaha... kasi bf nga wala ako eh...
Baka kasi walang gustong magpakasal sakin eh..wahahahaha...

Lord hindi ko po kailangan ng perfect groom coz I know he doesn't exist...
Just give me someone who will stay by my side for the rest of my life and would love me with all his heart and soul...=)

I'll be patiently waiting for him... kahit na napakamainipin ko...

3/10/10

MOVING FORWARD---



MOVE FORWARD---

MOVE ON GIRL--

MARAMI PA NAMAN DIYANG IBA EH...

KALIMUTAN MO NA SIYA...


 
Samot saring advise ang kadalasang maririnig pag broken hearted ang isang tao. At isa rin ako sa mga nagsasabi ng mga linyang yan sa mga kaibigan ko at kapag ako naman ang broken hearted baliktad naman ang sitwasyon at sakanila ko naman maririnig ang mga salitang yan...

Noon akala ko napakadali lang gawin ng mga advise na yan. Pero sa kabuuan NAPAKAHIRAP pala. Mahirap panindigan...

Hindi ito kasing dali ng pagkuha ng isang kutsarang kanin na may kasamang ulam na basta basta mo lang isusubo...

Iiyak ka muna ng ilang litrong luha at sandamakmak na tissue paper. At hindi lang diyan nagtatapos ang lahat pagkatapos ng sangkaterbang kaemohan o kadramahan mo sa buhay, hindi naman basta basta mawawala iyong sakit at iyong nararamdaman mo para kay Ahemmm...

Minsan kasi akala natin nakalimutan na natin ang isang tao. Iyon naman pala isa lamang iyong MALING AKALA tulad ng kanta ng isang banda (d ko na matandaan...hehehe). Tapos out of nowhere kapag nakita mo si Ahemmm doon mo lang marerealize kung talaga nga bang nakamove forward kana sa kanya.

Sabi nga sa isang quotes na nabasa ko:

"WOUNDS WON'T HEAL IF YOU URGENTLY PUT BAND AIDS ON IT... SOMETIMES, YOU JUST HAVE TO LET IT BLEED... LET YOUR WOUNDS HAVE A SPACE FOR HEALING AND WHEN YOU THINK YOUR WOUNDS ARE ALREADY CLEANSED... THAT'S THE TIME YOU NEED TO USE BAND AIDS..."

REMEMBER:
THE MORE YOU COVER YOURSELF FROM PAIN...
THE MORE INFECTED IT GETS...




HANGGANG KAILAN???

MOVE ON---

Madalas ko yang marinig noon sa mga kaibigan ko...
Lalo na kapag broken hearted sila...

Madalas ako pa nga ang adviser nila...
Samantalang wala pa naman akong alam sa mga pag-ibig na yan...
Kasalukuyan pang natutulog ang prince charming ko noong mga time na iyon...nyahahaha
Back to the topic... ayun nga ako ang dakilang love adviser nila...
At ako namang si ewan todo advice din na akala mo eh, napagdaanan na lahat ng napagdaanan nila...
Basta sinasabi ko lang ang kung ano sa tingin ko ang tama, sa mga napapanood ko at napapakinggan base sa sitwasyon ng iba.
Napuri pa ako noon ng isang kaibigan ko na ang galing ko daw magbigay ng payo...
AKALA LANG NIYA IYON....hehehehe

Dumating ang time na kumatok si LOVE at bonggang bongga ko naman siyang pinapasok...
Tinanggap ko siya ng buong puso pati ng lahat ng body organs ko.

Naransan kong maramdaman ang tinatawag na chuvachocho ni Jolina.
Masarap pala sa pakiramdam...
Iba iyong feeling...
Pakiramdam mo nga ikaw si Darna na kahit wala kang super powers eh para ka namang lumilipad sa ere basta kasama mo si Ahemm...
Para ka ding si SUPERMAN kasi feeling mo kayang kaya mong gawin ang lahat basta para kay Ahemmm...

Pero tulad nga ng isang pelikula, fairy tale at kung anu-ano pa...
May hangganan ang lahat...

"HINDI LAHAT NG GUSTO NATING MANGYARI AY AAYON SA GUSTO NATIN"

Iyon lamang ang isa sa mga bagay na napatunayan ko. Pwede kang mangako ng FOREVER pero walang kasiguraduhan na matutupad ito. Hindi assurance ang mga matatamis na salita na habangbuhay na kayong magkasama. Meron din kasing mga KONTRABIDA na pilit hahadlang. May mga pagkakataong magagawa niyong lampasan ang lahat pero hindi sa lahat ng oras.

MAY HANGGANAN ANG LAHAT...

3/8/10

LAMAN NG ISIPAN NG ISANG ADIK

minsan pilit mong hinahanap ang isang bagay na hindi mo alam kung ano...
at sa kakahanap mo sa malayo hindi mo napapansin na andiyan lang pala sa harap mo...
kumakaway sayo...
un nga lang sa layo ng tingin mo hindi mo siya nakikita...




"hindi ko alam kung hanggang kilan ako magpapakatanga sayo..."
siguro kapag napagod na ako
ang tanong lang...
KILAN NAMAN KAYA IYON?




PAG-IBIG
kung iisipin akala mo simpleng salita lang...
iyon pala...
"mas malalim pa sa pinakamalalim na balon...
mahirap bigyan ng kahulugan...
at minsan napakadaling sabihin pero mahirap panindigan"...

3/6/10

MISUNDERSTANDING LEADS TO BREAK UP

Girl's Side

You're too cold. I dont know why?
I thought were okay but then I felt something strange...
Am I just too paranoid?

Weeks passed, but you haven't texted me even a single message.
Samantalang dati rati naman gumagawa ka ng way.
Does that mean nagsawa kana?

I called you... kahit na a part of my mind is not agree with what I wanted to do.
For the 1st time, sinunod ko iyong sinasabi ng puso ko kesa sa isip ko na at naghuhurumintado kong PRIDE.

I waited and waited hanggang sa marinig ko nalang iyong operator "SORRY THE NUMBER YOU HAVE DIALLED IS EITHER UNATTENDED OR OUT OF COVERAGE AREA PLEASE TRY YOUR CALL LATER"... Nawala na iyong pag-asa ko na makausap ka. I didn't tried again kasi baka pag ginawa ko pa iyon mag-eexpect lang ako sa wala. I really feel so upset that moment. I wanted to cry but then again for what? muka na nga akong kawawa eh. Siguro okay na iyong kahit once sinubukan ko, kung ayaw mo naman kasi talaga akong makausap eh wala na akong magagawa dun dba? But then sana kahit pano nagkaroon ka ng guts para sabihin sakin kung ano mang problema o kung hirap kana sakin. Coz you know what I'm still holding on, pero I decided to let you go. Hindi ko na kasi kaya iyong sakit. For the last minute I'm still hoping na magtetext ka but then again maybe I was expecting too much.
I really don't want to lose you but I'm so hopeless and I know I have to do something that I hope I would never regret.
I'm really having a hard time to make my final decision... coz I REALLY LOVE YOU... but sometimes you have to face the fact that somethings are not meant to be. And maybe YOU and I are not meant to be. I decided to let you go, not because I HATE YOU but because I REALLY LOVE YOU with all my heart and soul.




 

Guy's Side


Hindi ko alam kung bakit ganyan ang iniisip mo sakin. Hindi paba sapat na MAHAL KITA? Hindi pa ba sapat lahat ng ginagawa ko sayo. Tapos iyong mga simpleng bagay na gusto ko, hindi mo sinusunod. Ang tigas tigas ng ulo mo. Kung anong gusto mo ginagawa mo. Hindi mo lang alam pero mas nasasaktan ako sa mga nangyayari. Alam mo naman kung gaano kita kamahal pero parang hindi ka naniniwala. Wala ka atang tiwala sakin. Hindi na kita maintindihan, nahihirapan akong sakyan ka sa mga gusto mo. Kapag tinatanong kita kung anong problema, tahimik ka lang at wala ka namang sinasabi. Marami akong problema hindi ko lang sinasabi sayo kasi ayokong pati ikaw problemahin mo pa iyon, kaso lang hindi mo din ako maintindihan.

Tumawag ka nga kaya lang bakit isang tawag lang? Dati rati naman nakakailang tawag ka pa lalo na kapag hindi ko nasasagot. Bakit ngayon isang tawag lang suko ka na.Haaay...

Ayoko rin namang nahihirapan ka, siguro nga mas okay ng tapusin na lang ang lahat. Ang gusto ko lang naman makita kang masaya, at kung kasama doon ang pagkawala ko sa buhay mo. Siguro nga mas ok na iyon basta makita lang kitang masaya dahil MAHAL KITA. Hindi ako magsasawa sa mga salitang iyon dahil iyon naman talaga ang totoo.

TANONG LANG?

Naiirita ka na ba sakin?
Ang kulit ko kasi...

Text pa ng text...
Gusto ko lang namang kamustahin ka eh.
Masaba ba iyon?
Siguro nga..hehehe

Wala lang kasi, gusto ko lang maging magkaibigan pa rin tayo.
Tulad dati.
Pero mukang ayaw mo naman.
Obvious kasi parang iniiwasan mo akong makatext.
Ewan ko kung bakit.

Nung tinanong kita, sabi mo hindi ka naman galit sakin.
Pero parang hay ewan.
Hindi ko din alam...
Confuse daw ako..hehehe

Sige yaan mo hindi na talaga ako magtetext.hehehe
Hindi na ako mangungulit sayo.
Baka kasi isipin mo ang epal ko talaga...
I mean no harm naman...

Wag kang mag-alala ndi na talaga ako mangungulit...
Si J.r nalang kukulitin ko.
HAHAHAHA..

GODBLESS... Galingan mo sa exam mo.

CONFESSION OF A GIRL

Simula pagkata magkasama na kami.
Madalas kaming maglaro.
Mamasyal sa park.
Manood ng mga bituin sa langit.
Masasabi kong sa maraming pagkakataon mas lamang iyong mga oras na magkasama kami. Kaya nga nagkaroon ako ng espesyal na nararamdaman para sa kanya.
At kahit ngayong nagtatrabaho na siya kahit kailan hindi niya ako nakalimutan. Kapag dumarating siya galing sa trabaho niya, mas una niya pa akong hinahanap bukod sa mga magulang niya.
Madalas niya din akong bigyan ng mga rosas. Hindi ko nga alam kung para saan iyon pero tanggapin ko na lamang daw.
Gusto niya akong laging nakikitang nakangiti. Maganda daw kasi ako lalo na kapag nakangiti. Kung minsan hindi ko alam kong papano ko magrereact, naguguluhan ako. Hindi ko kasi alam kung paano ko ipaliliwanag ang nararamdaman ko. Para kasing bago para sa akin ang pakiramdam na iyon.

Kung minsan isinasama niya ako sa pagpunta sa tabing dagat at sabay naming panonoorin ang paglubog ng araw. Sa tuwing tititigan ko siya, kakaiba iyong nararamdaman ko na para bang may isang parte ng katawan ko na para bang sasabog at gustong lumabas. Napapansin ko din ang kakaibang lungkot sa mga mata niya.
Nang minsang maglakas ako ng loob na itanong sa kanya kung bakit tila malungkot siya, tumitig siya sakin at pilit na ngumiti sabay bitaw ng mga salitang "bakit kasi? kasabay ng isang malalim na buntong hininga.

May time na madalas siya mapaaway dahil sa akin lalo na kapag magkasama kaming dalawa. Pero kahit kilan hindi niya ako pinabayaan at sa halip na ako ang maging tagapagtanggol niya, siya ang nagiging tagapagtanggol ko.Tandang tanda ko pa iyong mga salitang binitiwan niya

"KAHIT KILAN HINDI KO HAHAYAAN NA MAY MANAKIT SAYO, NI DULO NG DALIRI MO HINDING HINDI AKO MAKAKAPAYAG NA MAHAWAKAN NILA... I'LL DO EVERYTHING FOR YOU ELLA KAHIT NA MAKIPAGPATENTERO PA AKO KAY KAMATAYAN..."

Noong mga sandaling iyon, mas lalong tumindi iyong kakaibang nararamdaman ko para sa kanya. Hindi ko alam kung anong itatawag ko sa pakiramdam na iyon. Pero kung PAG-IBIG nga ang tawag doon gaya ng sabi ng iba, marahil MAHAL KO NA NGA SIYA.

Pero sadyang may mga bagay na naghihiwalay sa aming dalawa.

Nakalimutan ko palang sabihing isa siyang MORTAL samantalang isa lamang akong CYBORG.

3/1/10

GOOD NEWS!

Guess what?
Hindi na kita masyadong naiisip...ahahahaha
Good news na iyon para sakin. Kasi nasasanay na ako sa sitwasyon ngayon.
Kagabi nagawa ko ng basahin iyong mga text message mo na nakasave pa din sa phone ko until now.
Hindi ko pa kasi siya maerase erase eh. Ewan ko nga ba. Nakakatuwa lang kasi, those text messages are very important to me kasi galing sayo iyon. Bukod pa dun andun pa ung puso mo na wala na ngayon. Pero after a month eerase ko na din un. Ngayon kasi hindi ko pa kaya. Pero habang tumatagal nagiging okay na naman eh. I am enjoying every single moment in my life with my friends, my family even without you, I know naman nag-eenjoy ka din eh. At dapat lang iyon, you should always be smiling kasi tatanda ka agad pag lagi kang nakasimangot.hehehehe... Atsaka gusto ko din namang malamang masaya ka kahit na hindi na ako kasali sa mga rason kung bakit napapangiti ka.

Be happy always ha adik.... =) 




2/26/10

ADIK SAYO (2)

-SI BWESIT-

Dalawang araw akong hindi lumabas ng bahay namin dahil bumawi ako ng tulog mula sa ilang araw na ikinapuyat ko na naging dahilan kung bakit mukha akong nasapak. :lol: Kaya ngayon lang ulit ako lumabas ng bahay namin para bumili ng pandesal. Hindi na ako nag-ayos pa kasi malapit lang naman ang bakery sa bahay namin tsaka ano bang pakialam nila eh basta alam ko muka akong tao.

Kuya, pandesal nga po 15 pesos.

"20 pesos po ang sa akin, ang sabi ng lalake sa likod ko."

Wala sa sariling napalingon ako mula sa likod ko at nakita ko ang lalake.Hulaan niyo kung sino?
Tumpak siya nga ang "bwesit na lalake". Ang ganda ganda ng sikat ng araw kaya lang parang biglang kumulimlim.
Maya maya napansin ko na lang na nakatitig na ang bwesit na lalake sa akin.

Hoy, mister akala mo ba, hindi ko napapansin na kanina kapa nakatingin sa akin? may dumi ba ako sa muka at ganyan ka makatingin ha?

"Ms. masyado ka namang assuming diyan? bakit ano namang palagay mo sa sarili mo, Dyosa ng kagandahan?"

Wala akong sinabing ganyan. Nagtatanong lang ako.

"at sinasagot lang naman kita.ang sabi niya sabay ngiti ng mapang-asar."

Kinuha niya na iyong binili niyang pandesal at kinuha ko na din ang sa akin. Nagsimula na akong maglakad pauwi ng bigla akong magulantang sa biglang sinabi ng bwesit na lalake sa akin.

"Miss, sa susunod bago ka umalis sa bahay ninyo siguraduhin mo munang humarap sa salamin.Nakakatawa kasi ng itsura mo eh. .Atsaka nga pala ang pentel pen hindi ginagamit sa mata sabay tawa niya ng pagkalakas lakas."

Pagkarinig ko noon nagtatakbo ako, buti na nga lang at wala pa masyadong tao at malapit lang ang bahay namin. Agad agad akong humarap sa salamin. Nagulat ako ng makita kong may makitang dalawang bilog sa mata ko na tila ba salamin.

Kaya naman pala natatawa iyong tindero sa may bakery.OMG naman nakakahiya talaga...
John.......Jhhhhhhhhhhhhoooooooooooooooonnnnnnnnnnnnnnnnnnnnn humanda ka sa aking bata ka. Bakit pinagtripan mo ako.???

Sa pangalawang pagkakataon napahiya na naman ako sa bwesit na lalakeng iyon. Hindi ko tuloy alam kong bakit napapadalas ata na mapahiya ako sa tuwing nakikita ko siya.

Nakakainis.....

Nakakainis talaga....

Utang na loob sana naman eh hindi na magkrus ang landas namin ng bwesit na iyon lagi na lang kasi akong napapahiya.
LESSON: Humarap muna sa salamin bago lumabas. :lol: :roll:

"ADIK SAYO"

-MRS. BETTYFUL-

January 2009 Nakilala ko siya. Katulad lamang ng ordinaryong pagkikita ng dalawang taong estranghero sa isa't isa. Isang simpleng eksena tulad sa isang pelikula.
At sa hudyat ng direktor nagsimula ng magsimula ang kwento ng buhay ko.

Lights...

camera....

Action.

Aray naman, mister hindi niyo po ba napansin na paa ko na iyong naapakan niyo?ang sabi kong iritado sa kasasakay na lalake sa jeep.

"Pasensiya kana misis hindi ko naman sinasadya, ang tila nang-aasar niyang baling sa akin."

Aba't hinahamon ata ako ng isang ito ah,misis? eh miss pa kaya ako.Siraulo ito ah, hindi purket hindi ako magkanda-ugaga sa mga dala ko,at daig ko pang hindi nagsuklay at pwede nang ipakilo ang eyebag ko eh pwede niya na akong tawaging misis. Nakakairita talaga siya. Ganun ba kalala ang itsura ko para isipin niyang may-asawa na ako? Wala na mang batas na nagsasabing ang lahat ng babaeng wala sa kaayusan eh pwedeng tawaging misis ah.

Sa wakas malapit na akong bumaba at mawawala na din sa paningin ko ang bwesit na lalake sa tabi ko. Lord, salamat at kahit pano'y magiging maganda pa rin pala ang araw na ito para sa akin.

Manong sa tabi lang po.Sandali lang po at marami akong dala.

Kapag minamalas ka nga naman oh, biruin mo ba namang makakasabay ko pa pala sa pagbaba ang siraulong lalake na iyon. Bwesit talaga.

"Misis baka ho gusto niyong tulungan ko na kayo?"

Hindi na yan tinatanong pa kundi ginagawa, sagot ko sa lalake.
Pagkasabi ko noon kinuha naman niya agad iyong mga bitbit kong pasalubong para sa pamilya ko.

"Saang bansa ho ba kayo galing at parang kulang nalang eh pati mall sinami niyo sa mga bagahe niyo.?"

Nangingialam ka?

"Hindi naman...sige ingat nalang ho misis."paalam ng lalake kasabay ng isang mapang-asar na ngiti.

Ang epal talaga ng lalake na un... Chismoso pa kalalakeng tao.Hay naku nakakasira ng araw.
Sumakay na ako ng tricycle papunta sa amin. Nakasimangot ako pagdating sa bahay namin, dala na rin sa sobrang init at sa lalakeng bwesit na akala mo naman eh gwapo pero totoo naman.

Payat na ate bat nakasimangot ka? bungad na tanong sa akin ng kapatid ko.

May nakakabwesit kasi na lalake na nakasabay ko sa jeep, pagkamalan ba akong misis? Haller? ako misis eh ni boyfriend nga eh wala ako.

Hahahaha...nakakalokang tawa ng kapatid ko, ayun pala ang pinagsesentir mo? kahit naman siguro ako eh mapagkakamalan kang misis eh, natingnan mo na bang itsura mo sa salamin ha ate?

Sa totoo lang hindi pa, nakangiwing sagot ko sa kanya.

Sa tingin ko mas mabuting humarap ka muna sa salamin, ang sabi niya sa akin sabay kuha ng mga dala dala ko at ipinasok sa loob ng bahay namin.

Pagpasok ko sa bahay namin gulat na gulat na reaksiyon sa mga mukha nila ang nakita ko.
Oh! anong nangyari sa inyo? bat ganyan mga itsura niyo.

"Huwag mo kaming tanungin ng ganyan dahil alam mo ate kung sino ang dapat magtanong niyan, walang iba kundi kami sabay tawa nila at tanung ng "WHAT HAPPEN at bat ganyan itsura mo?"

Hindi ko na sinagot pa iyong mga tanong nila at sa halip eh tumingin ako sa salamin para makita ang itsura ko at sa totoo lang kahit ako natatawa sa sarili ko. Muka akong isang problemadong misis na pasan pasan ang lahat ng bagay na pwedeng pasanin. Dinaig ko pa ata si betty la fea.

I'm bettyful... :lol:

2/24/10

FROM ME TO YOU

Feb 18,2010
4:40pm
(This letter is supposedly para sa isang taong mahalaga sa akin pero sana wag niya itong mabasa..hahaha... nakakahiya kasi talaga...iisipin niya ang pathetic ko talaga...)
Adik,
Hi! Kamusta ka naman ngayon? Alam ko namang hindi mo ito mababasa at kung magkaroon man ng chance just dont mind it... wala naman itong kwenta eh...
Alam mo bang sobrang miss na kita? malamang hindi siguro... at alam ko hindi mo na rin maiisip pa un. Hindi na rin naman mahalaga dba? Kahit na alam kong you dont feel the same way ok lang naman eh. Eh wala na akong magagawa sa nararamdaman ko. Namimiss na talaga kita eh. Masyado kasi akong naattached sayo kaya tuloy heto ang hirap mong kalimutan samantalang napakadali para sau na gawin un. Naiisip mo pa kaya ako? Siguro ndi nah... Bakit pa dba? Eh ako ung nakipagbreak eh... Ewan ko nga ba kung bakit hindi kita maalis sa isip at puso ko. Ewan ko nga ba kung bakit ang hirap hirap para sakin na kalimutan ka.Ewan ko nga ba kung bakit mahal kita.Oo tama ka,hanggang sa mga oras at araw na ito ikaw pa rin ang nagmamay ari ng puso ni MICHELLE LANARIO. Nakakatawa ko no? Nakakaawa. Hanggang ngayon naiisip ko pa rin ung isang taong hindi naman ako iniisip. Sabi nga ni ana mahal daw talaga kita kasi ba naman wala atang araw na hindi kita naiikwento sa kanya. Kahit na sabihin pa niyang naiinis siya sayo kasi bat daw ganun, pinagtatanggol pa din kita sa kanya. I know yo have your own reason kung bakit hindi mo na nagagawang magreply sa txt ko. Walang duda mahal nga daw talaga kita. Higit pa sa pagmamahal ko nun kay jay. Remember that name? ung pinagseselosan mo nun ng bonggang bongga.

Nung nagreply ka at tinawag mo akong adik. Alam mo bang ang saya saya ko nun? Kahit pano naramdaman ko pa rin ung concern mo kahit na ganun lang. Pero mas masarap pa din pala na tinatawag mo kong hon. Nakakamiss din pala. Kung dati rati hon ang tawag mo sakin ngayon adik na lang. Nagbago na kasi ang lahat eh. Lalong lalo ka na. Iba ka na talaga kumpara noon. Masaya na din naman ako na masaya ka. At least wala pala kong dapat pagsisihan sa kung ano mang nangyari satin. Kung wala ng "tayo". Ayos na rin kasi masaya kana man na.Magsasawa din akong isipin ka. Mapapagod din ang isip ko at kung kilan un hindi ko pa alam. Pero hayaan mo nalang muna ako sa ngayon ayoko kasing pilitin ko ang sarili ko. Ang hirap kasi eh. Ang hirap mag-adjust. Alam mo namang matagal din akong walang boyfriend bago naging tayo dba? Kala ko nga huli ka na eh. Hindi pa din pala. Sa totoo lang ung 6 months na naging tayo i really cherished those moments kahit na nga ldr lang tayo. Ung mga time na magkausap tayo, ung mga time na kulitan natin, ung mga kwento mo, ung mga simpleng banat mo, higit sa lahat ung pagiging sweet mo at ung boses mo na gustong gusto kong naririnig lalo na kapag tumatawa ka kahit na asar na asar ako dun.

Hay namimiss na talaga kita. Miss na miss na...

Tutuparin mo pa rin kaya ung mga sinabi mo sakin?ung mga pangako mo? Hindi ko kasi alam kung ano bang gagawin ko eh. Kasi ung 70% ng utak at puso ko umaasa pa din sa mga salitang un. Siguro nga mag-hihintay nalang ako..Ganun naman talaga dba? maghihintay nalang ako kung may darating pa ba o talagang wala na. Kung magiging tayo hindi ko din alam. Ayoko na nga din masyadong umasa. Pero kahit na ganun ung sinasabi ko may parte pa rin ng puso ko na naghihintay at umaasa na tuparin mo ung sinabi mo.

Sakim ba ko kung hihilingin kong sana akin ka nalang?
Hay, ang ewan ko talaga...



Naghihintay,
Adik sayo...

2/23/10

CONFESSION OF MY HEART

Hanggang ngayon hindi ko pa din lubos maisip kung bakit humantaong tayo sa ganito. Para tayong mga estranghero sa isa't isa na akala mo hindi magkakilala. Hanggang ngayon questionable pa din sakin kung bakit naging ganito ang lahat. Kasalanan ko, alam ko naman iyon eh. Ako ang nag-initiate ng break-up kaya ano bang ineexpect ko d ba? Masakit lang kasi dun bakit parang wala kang pakiaalam? Ibig sabihin ba noon eh talagang hindi mo na ako mahal? o may mahal ka na kasing iba?

Siguro nga napagod ka na din sa akin.
Siguro nga mahirap talaga akong intindihin.
Siguro nga hindi talaga maganda iyong LDR.

Alam mo bang gustong gusto kong itanong sayo kung talaga bang sineryoso mo ko? Pero alam ko namang magagalit ka. Tsaka naramdaman ko namang mahal mo ko nung mga time na naging tayo at kahit naman nung time na wala pang "tayo" ramdam ko naman iyong concern mo sa akin. Ang weird lang kasi dahil parang ang lamig lamig mo sakin a week after our monthsary, ok naman tayo noon dba? Hindi ko alam kung may problema ka ba at nakisabay pa ako. Wala ka naman kasing sinasabi. O masyado lang talaga akong paranoid at demanding that time? Noong nagtetext ako sayo ni isang text ko wala ka man lang reply. Gusto ko lang naman kasi sanang malaman kung anong iniisip mo. Hindi ko kasi alam, hindi ko na din kasi maramdamang mahal mo pa ko that time. Para kasing ang layo layo mo sakin, kung dati pakiramdam ko parang katabi lang kita pag kausap kita pero nung month ng December, hindi ko talaga mafeel ung presence mo. Pakiramdam ko kasi may nagbago sayo o baka ako lang ung nagbago. Sa totoo lang wala naman talaga akong balak na makipagbreak eh, kaso pakiramdam ko masyado na akong kalabisan para sayo. Pinaparamdam mo ngang wala ka ng pakialam eh alangan namang ipagpilitan ko pa ung sarili ko sayo. Alam mo naman ako ma-pride din. Pero sa totoo lang pagdating sayo ung pride na un kahit pano natutunaw bigla.Iyong mga bagay na usually hindi ko gustong gawin nagagawa ko. Isang text lang naman iyong hinihintay ko galing sayo eh, kaso masyado akong nag-eexpect, lagi naman akong bigo. Wala na nga akong balak magtext sayo eh, kaso ewan ko nga ba bakit ang kulit kulit ko, kahit paano gusto ko pa ding makibalita tungkol sayo.

Gusto ko pa ding malaman kung okay ka...
Gusto ko pa ding bumalik ung dating friendship natin kahit wala ng "TAYO"...

Masasatisfy na ako sa friendship basta hindi ka lang mawawala at mananatili ka pa ding ung dating adik. Kaso malabo na ung mangyari, malabong malabo. Pakiramdam ko kasi para kong may sakit na ketong na kilangan mong layuan. Well, wala na akong magagawa pa doon. Sabi nga nila:

"may mga bagay bagay na minsan kilangan mo nalang hayaan lalo na kung ito na mismo ung lumalayo sayo...
matututo kang tanggapain kung hanggan doon lang humantong ang kung ano mang meron kayo...
maging masaya ka nalang dahil kahit paano naging parte siya ng buhay mo..."

"Masaya ako kasi naging parte ka ng buhay ko higit pa sa inaakala mo".

Sa totoo lang hindi ko inaasahan na mamahalin kita higit pa sa mga ex-boyfriends ko. Hindi ko nga din alam eh,kung tutuusin naman kasi ang hirap ng sitwasyon natin. Distance separate the two of us pero kahit ganun, nakasurvive pa din naman tayo ng anim na buwan. Iyon nga lang talagagang hanggang doon na lang ang lahat. Noong time na tinanong kita kung galit ka ba sakin, sana nga totoo ung sinabi mo. Sana nga hindi ka talaga galit sa akin. Gusto ko lang naman kasing maging maayos ang lahat. Kahit kilan hinding hindi ko pinagsisihan na minahal kita, kasi sa kahit sandaling panahon naramdaman kong pinahalagahan mo ko at minahal higit pa sa pagmamahal inaasahan ko.

May kanya kanya man tayong buhay ngayon. Naiisip mo man ako o hindi na. Masasabi kong ikaw ung isa sa mga taong mananatili sa puso ko habangbuhay. Espesyal ka kasi para sakin. Higit pa sa pinaka-special na buko pie at halo-halo.

...DAHIL SI ADIK AY MANANATILI SA PUSO'T ISIPAN NI AKO...

Sa ngayon aaminin kong "MAHAL pa din KITA" at kahit kunti aminado naman akong umaasa pa din ako na magiging ok tayo eh,sa huling sandali aaminin ko sa sarili ko na hindi ka ganun kadaling kalimutan...masyado ka kasing nagmarka sa puso ko.

Gusto ko lang sanang malaman mo na:
..."MINAHAL KITA HINDI DAHIL SA MINAHAL MO AKO KUNDI MINAHAL KITA KASI KARAPAT DAPAT KANG MAHALIN"...

2/17/10

PARA SA MGA MANLILIGAW GALING KAY BOB ONG

Dear Mr. Bob Ong,
Matagal ko na pong nililigawan itong chik na nakilala ko recently sa isang party. Nasisiraan na ako ng bait. Pag nakilala mo siya, tiyak matutunaw ang utak mo sa kakaisip sa kanya.
Hingi lang po ako ng advice. Paano ko po siya mapapaibig? Bibigyan ko ba siya ng tula ? Haharanahin ko ba siya? Roses? Kalachuchi? Chocnut at sampaguita?
In lab na po ako. Ano po ang gagawin ko? Is she the one?


Lubos na gumagalang,

-MATT -


- ANG REPLY -
Dear MATT,
Hindi ka talaga sasagutin niyang nililigawan mo. Napaka-old school kasi ng mga tactics mo. Wala nang gumagawa ng ganyan. Sa panahon ngayon, lahat ng bagay, nagtaas na. Nagtaas na ang gasolina, nagtaas na ang presyo ng bigas at mga bilihin, nagtaas na ang pamasahe, at lalong nagtaas na rin ng standards ang mga babae. Hindi na uubra yang siopao at suman mo. Lalo na yung huli mong binigay, hopia at santan. Ano ba pare? Ano’ng era ka ba pinanganak?
Pero don’t worry. It’s not too late. May pag-asa ka pa. Hindi pa naman siya kinakasal at di pa niya sinasagot yung crush niya na basketball player. Kahit lamang siya ng sampung paligo sa’yo, daanin mo sa utak at creativity. Dahil aminin na natin, iyon na LANG talaga ang pag-asa mo. Heto, bibigyan kita ng mga simple, tried and tested na mga regalo para di siya mapurga sa hopia at siomai. Sundin mo ‘to, tiyak na lalaglag ang bagang niya sa’yo. Mga medyo more than your usual regalong panligaw:
1. Bili ka ng century tuna. Ilagay mo sa isang napakalaking box—yung sinlaki ng TV o kaya box ng desktop PC mo. Tapos balutan mo ng magarang pambalot. Kuntsabahin mo na yung teacher niya sa Calculus. Sa gitna ng klase, bigla kang kumatok sa classroom. Pero dapat, incognito ka. Magsuot ka ng LBC jacket, magshades, at magsuot ng surgical mask. Pagpasok mo sa classroom, iabot mo yung box sa teacher, at papirmahin mo ng acknowledgement receipt. Tapos pabuksan mo in front of everyone. Tignan mong mabuti ang reaction sa mukha niya.
Later during the day, pag tinanong niya kung bakit Century Tuna ang binigay mo, iikot mo yung lata at ituro mo yung sign na “Omega 8.” Pag tinanong niya kung ano yung Omega 8, sabihin mo: “because you’re good for my heart.”

2. Mangolekta ka ng isang dosenang hanger na libre mong nakukuha tuwing nagpapa-dry clean ka. Tapos, sa bawat hanger, isulat mo: “I miss hanging out with you.”
3. Instead of roses, kuha ka ng tissue paper sa banyo ng school mo. Gawin mong tissue paper roses. Gawa ka ng isang dosena. Pag-abot mo, sabihin mo, “Ganito kalinis ang pag-ibig ko sa’yo.”
4. Bili ka ng tetra pack ng mantikang Minola. Tapos bilugan mo yung “with Omega 8.” Hindi na siya magtatanong kung bakit.

5. Bigyan mo ng ice cream cone. Dapat cone lang at walang ice cream. Pag hinanap niya yung ice cream, sabihin mo, “natunaw na kakatitig sa’yo.”
6. Bili ka ng sandosenang box ng crayola. Kolektahin mo lahat ng black. Lagay mo sa isang box ng crayola. Sa likod, isulat mo: “Walang kulay ang buhay kung wala ka.”
7. Bigyan mo siya ng mumurahing bumbilya. Alam mo na siguro by this time kung ano ang isasagot pag tinanong niya kung bakit.
8. Itext mo siya ng: “Hindi tayo tao, hindi tayo hayop, hindi tayo halaman. Bagay tayo. Bagay!”
9. Bigyan mo siya ng calling card ng MMDA. Sa likod, isulat mo “para pag nagkabanggaan ang puso natin.”
10. Padalhan mo ng Happy Meal pero huwag mong ibibigay yung libreng laruan. Paghinanap niya, sabihin mo: “Ako yung freebie, at ikaw yung meal na nagpapahappy sa’kin.”
11. Sunugin ang kanyang bahay at padalhan ng hallmark card: "aanhin mo pa ang bahay mo, kung matagal ka nang nakatira sa puso ko".
12. Pagkatapos sunugin ang kanyang bahay, padalhan siya ng isang box ng posporo, Guitar brand. unahan ang kanyang galit at sabihin, "ayan ang posporo na ginamit ko sa pagsunog ng iyong bahay, match na tayo"
13. Sa kalagitnaan ng isang malupit na bagyo, pasalubungan sya ng "salbabida", wag payong, o mainit na mami. Pag nagtanong bkt? ang isagot mo ay " ayaw kong malunod ka sa pag mamahal ko."
14. Pag pumayag na siyang makipagdate, dalhin mo siya sa canteen at huwag bibitawan ang kamay. Pag tinanong niya kung bakit, ituro mo yun sign na “don’t leave your valuables unattended”
Handang tumulong lagi,
-Bob Ong-

2/15/10

Regret

Let go of me!!! pasigaw kong utos sa lalakeng nakahawak sa braso ko.
Why are acting this way shayne?tanung niya sa akin na mababakas sa kanyang mga mata ang kalungkutan.

You're asking me a very stupid question mark...
Nagka amnesia ka ba na at nakalimutan mo kung gaano kalaki ang atraso mo sakin?
nakalimutan mo na ba lahat ng ginawa mo? sakrastikong sagot ko sa kanya.
But we could still start, right shayne?nagsusumamong tanung niya sakin sabay hawak sa mga kamay ko.
Start what? galit kong tanung sabay tanggal ng pagkakahawak ng kamay niya.
Wala ng "tayo"...
at kahit kilan hindi na pwedeng maging tayo....

May kanya kanya na tayong buhay Mark.

You see I'm pregnant at ikakasal na ako kay Benedict kasabay ng isang pilit na ngiti.
Ikakasal kana?naguguluhang tanung niya.

Si benedict? dugtong niya pa na may halong pagtataka.

Yah, your right ang bestfriend mo.
Pero paanong-?
He's always there for me. Siya ung nagcomfort sakin nung time na wala ka. Kahit na hirap na hirap siyang pangitiin ako he still tried. Kulang na nga lang eh magtutumbling siya sa harap ko, kumain ng apoy at tumawid sa sinulid.
Sa sobrang sama ng loob ko sayo inaya ko siyang mag-inuman.

Hanggang sa nagising nalang ako isang umaga katabi ko siya. And the next thing I knew nalaman ko nalang na buntis ako. Wala na akong nagawa. Pumasok sa isip ko na ipalaglag ang bata pero bakit ko naman gagawin un sa walang kamalay malay sa sinapupunan ko. Hindi naman niya kasalanan un kaya hindi siya dapat ang magdusa. Pumunta rin si Benedict sa bahay at sinabi niyang pananagutan niya ang nangyari samin. Sinabi niyang mahal niya ako at humingi din siya ng tawad sakin. Gusto kong magalit sa kanya pero bakit pa?Gayong handa naman siyang panagutan ang lahat at kulang na lang eh iaalay niya sa akin pati mga bituin at ang mga planeta sa solar system.
Nung umalis ka ng walang paalam...
Nag-hintay ako...ng tawag mo... ng txt...
Pero ni isang txt na hoy gago antayin mo ako... wala eh... lagi lang akong umaasa sa wala.
God knows kung gaano ko nahirapan ng mawala ka...
I'm sorry shayne...
It's not enough Mark...
Wala ng magagawa ung sorry mo. It wouldn't change the fact that this is happening.
I know it's not enough...
Wala na ung mga pangarap natin...Naglaho na tulad ng isang bula...
Ikaw at ako sana ang ikakasal bukas pero wala ng tayo.
Kundi ikaw at ako nalang.

2/10/10

Para sa mga walang date tulad ko..=)

Dear Mr. Kupido
       Araw na naman ng mga Puso at ako eto single pa rin.Hinihintay si Mr. Right, The One o kung sino mang ponsio pilato na nilaan sakin ni Lord. Baka kasi natrapik lang siya o kaya naman eh nabagok ang ulo at nagka amnesia kaya hindi niya maalala na ako pala ung pupuntahan niya, o baka naliligaw lang siya dahil maling address pala ung dala niya. Sabi nga nila kusa daw ung dumarating at hindi daw hinahanap. Kaya nga hanggang ngayon eh hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa na mag-hintay. Ika nga nila patience is a virtue. Pero minsan parang nakakaubos din ng pasensiya lol.
      
       Makakakita na naman ako ng sangkaterbang magkakapareha na magkahawak kamay pa (HHWW sabi nga nila), with their bongggang bonggang bulaklak na bigay ng mga jowa nila. Minsan nga parang nagmimistula ring beauty pagent ng mga bulaklak ang araw ng mga PUSO. Doon mo kasi mapapansin kung sino ung may pinakamarami at pinakamalaking bouque ng bukaklak. Mapakanan man o kaliwa ang tingin mo paniguradong ndi mawawala ang mga magkakapareha na ubod ng sweet na kulang na nga lang eh lapitan ng sangkaterbang langgam.

      Ayos naman kahit walang kadate eh, pwede ko namang idate ang mga kaibigan ko, ung nanay ko o d kaya ung aso ko. Oh, dba bongga un...



Nagmamahal,
  -emotera-

      
     

2/6/10

PROPOSAL

Finally this is the day I've been waiting for...
Magpopropose na ako sa kanya...
Sa babaeng matagal ko ng pinangarap...
Sa babaeng nagbigay kulay ng mundo ko...
Sa babaeng nakaharap ngayon sa dalampasigan... na tinitingnan ko ng buong pagmamahal...

Shane tawag ko sa kanya.
Humarap siya ng may ngiti sa kanyang labi.

Piniringan ko ang kanyang mata at dinala sa isang lugar na hinanda kong surpresa para lamang sa kanya.
Dinala ko siya sa gitna ng isang heart shape na napapalibutan ng mga pulang rosas at katabi noon ang isang cottage na mayroong mga musikero na kumakanta ng paborito niyang awitin.

Kitang kita ko sa mga mata niya ang sayang nararamdaman niya.
Bahagya pa siyang nagulat ng makitang lumuhod ako sa harap niya habang hawak hawak ang isang malaking drawing book na nakasulat sa bawat pahina ang mga mensahe na para lamang sa kanya.

Gusto kong makita ang iyong mukha sa bawat araw ng buhay ko...
Gusto kong ikaw ang maging ina ng magiging mga anak ko.
Gusto kitang makasama simula sa araw na ito hanggang sa ating pagtanda...


at sa huling pahina nakasulat ang mga salitang:
WILL YOU MARRY ME?

Yes ang sabi niyang bahagya pang mangiyak ngiyak sa tuwang nadarama niya sabay yakap niya.

Yes!!! ang sagot niya. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko sa oras na ito. Halo halong emosyon kasabay na rin ng pagtulo ng luha mula sa mga mata ko.

Ano nga bang dapat kong maramdaman?


Si Shane...


Magpapakasal na siya sa bestfriend ko.

Nakalimutan kong sakin nga lamang pala ang ideyang ito.

-the end-

2/3/10

SPECIAL DELIVERY

Special delivery po para kay Ms. Gutierez sabi ng isang delivery boy ng LBC habang hawak hawak nito ang isang bouquet ng red roses. Maya maya naman ay may isang delivery boy na naman ang dumating na may dala dalang cake sabay tanung ng sino po ba si Ms. Guevarra?

Buti pa sila may natatanggap na regalo para sa araw na ito. Kilan ko naman kaya maririnig ung pangalan ko na tawagin.Hay...

"Ms. Montenegro?"tawag sa akin ng isang delivery boy na may hawak ng isang regalo.
Yes? Para sa akin ba yan, nakangiting tanung ko pa.
"Ah, eh hindi po ipapakisuyo ko lang po sana sa inyo para po ito kay Ms. Fhaye kasi sabi po nung isang kasama niyo katabi niyo lang naman po siya ng desk."
Tinawag nga ung pangalan ko hindi naman pala para sa akin.
Dismayado man kinuha ko na rin ang regalo para maibigay ko mamaya sa kasama kong si Fhaye. Hindi ko na nga naintindihan ang mga sinabi ng delivery boy basta ang alam ko hindi para sa akin ang regalo tapos.

Habang ako ay abalang abala sa pag-eencode ng mga documents sa aming opisina, ang mga kasamahan ko naman ay abalang abala sa pagpapaganda para sa kani-kanilang date. Kung monitor at keyboard ang pinagkakaabalahan ko ang mga kasama ko naman eh salamin at make up kit. Malapit na kasi mag-uwian at kanya kanya sila ng kwentuhan para sa kani-kanilang date. Buti pa sila sa isip isip ko, sabay balik sa ginagawa ko. Belle wala ka bang date ngayon?tanung sakin ni Mitchy isa sa mga officemate ko. Wala eh sagot ko sa kanya sabay ngiti at patuloy lang sa  aking ginagawa.

Pagsapit ng 5 ng hapon isa isa na silang nagmamadaling nagpaalam para sa kanilang date. Halos lahat ata sa kanila eh excited para sa araw na ito maliban lang sa akin. Habang naglalakad ako hindi ko maiwasang hindi mapansin ang mga magkakaparehang magkakahawak ng kamay na nakakasalubong ko. Hindi ko tuloy maiwasang maisip si James. Si James ang nobyo ko 3 taon na din kaming magkasintahan, dangan nga lamang at nasa ibang bansa siya ngayon dahil dun siya naassign sa kanyang trabaho. Dalawang taon na din kaming hindi nagkikita at 2 taon na din kaming hindi nakakapagdate kaya tuloy hindi ko maiwasang hindi malungkot lalo na sa okasyon tulad ngayon. Kung sana nga lang pwede ko siyang makasama kahit sa araw lang na ito. Marahil ito na ang pinakamasayang Araw ng mga Puso para sa akin kaso alam ko naman na malabo iyon. Nakasakay na ako sa jeep pero hindi ko pa din maiwasang hindi malungkot pano ba naman kahit saan ata ako tumingin eh halos magkakapareha ang nakikita ko. Hindi ko tuloy alam kung saan dapat lumugar buti na nga lamang at bababa na ako. Makakauwi na din ako sa wakas, mawawala na sa paningin ko ang mga magkakapareha.

Bago ako makapasok nakasalubong ko ang nakababata kong kapatid na si jeric, may hawak hawak siyang isang pirasong red roses sabay abot niya sa akin. Ate Happy Valentines Day sabi niya pa sabay ngiti sa akin. Kahit pano nabawasan ung lungkot na nararamdaman ko dahil sa kapatid ko. Sabay kaming pumasok sa bahay sabi nya pa sa akin may regalo daw para sa akin, nagtataka man ako sa sinabi niya hindi na ako gaanong nagulat ng makita ang isang malaking kahon sa may sala namin. Isang tanong lang ang nasa isip ko Bakit kaya ang laki ng kahon? at Kanino naman kaya ito galing. Maya maya ay biglang dumating sila Mama galing daw iyon kay James. Napangiti ako ng nabanggit ang pangalan ni James kahit pano pala ay naalala niya ang araw na ito. Akala ko'y nakalimutan na niya ako. Mas maganda sana kung siya ang narito sa halip na isang regalo sa isip ko. Makita ko lang siya'y sapat na para sa akin.

Dahan dahan kong binuksan ang malaking kahon sa totoo lang nagtataka talaga ako sa laman ng kahon masyado kasing malaki eh. Nasagot ang mga nasa isip ko ng biglang lumabas si James mula sa kahon.

"HAPPY VALENTINE'S HON" ang bati niyang nakangiti sa akin.

Sa sobrang tuwa ko nayakap ko siya at kasabay na rin nun ang unti unting pagtulo ng luha mula sa mga mata ko. Wala ng hihigit na regalo sa natanggap ko ngayon.

Si James siya ang SPECIAL DELIVERY sa buhay ko.
_the end_

2/2/10

TANUNGAN

USAPAN NG DALAWANG ADIK... =)

SIYA: Mahal mo ba talaga siya?
IKAW: hehehehe Bakit?
SIYA: Basta! Sagutin mo nalang...
IKAW: Ok na naman siya di ba? Mas ok nang wag nalang sagutin.
SIYA: Bakit?
IKAW: Mahirap eh...masakit lang...
SIYA: Pano kong mahal ka pa niya?
IKAW: Malabo un...
SIYA: Eh pano kung totoo?
IKAW: Imposible... d sana nagparamdam siya, sinagot niya ung txt ko pati tawag ko.
SIYA: Kung mahal mo talaga siya hindi ka magtatampo..ipaglalaban mo siya, hindi ka susuko.
IKAW: To late... ayoko ng umasa.. mahirap at masakit lang...
(Kahit gustong gusto ko siyang ipaglaban kung ako lang mag-isa,balewala lang din dba?)

1/29/10

PULANG ROSAS

 Para saan naman ang mga pulang rosas na ito? tanung ko kay James habang naglalakad kami. Wala naman maikling sagot niya ni wala ka man lang mababasang anuman sa ekpresyon ng mukha niya.
"Nakakapagtaka ka naman,"sabi ko ulit.
"May batas na ba ngayong bawal ng magbigay ng mga bulaklak?"pangangatwiran niya.
Wala pa naman sa ngayon,hayaan mo isusuggest ko un sa mga gumagawa ng batas biro ko sa kanya sabay tawa. Kaya lang ang seryoso pa din niya.
Kung ayaw mo ibalik mo nalang ulit sa akin sabi niyang haladong iritado.
Wala naman akong sinabing ayaw ko ang sabi ko lang nakakapagtaka.Ang laki kaya ng pinagkaiba ng salitang ayaw sa nakakapagtaka ang sabi ko sa kanya para kahit pano'y pangitiin sana siya.Pero halata pa din ang inis sa muka niya. Hindi pa din siya nagsasalita at sa halip tahimik lang siya daig ko pa ang walang kasama sa isip isip ko.
"Huwag ka ng mainis sakin nagtataka lang talaga ako sa iyo kasi naman ito ung unang pagkakataon na binigyan mo ako ng pulang rosas eh.Wala naman kasi akong matandaan na espesyal sa araw na ito."
Makakalimutin ka kasi ang sabi niyang medyo nakangiti na kahit pano.
"Makakalimutin ka diyan? hindi kaya noh."
Kaya naman pala pati ----.Hayaan mo na nga lang ang sabi niya sabay akbay sakin.
"Nung tingnan ko siya ewan ko ba pero parang ambilis magbago ng mood niya ngayon. Kani-kanina lang naiinis niya samantalang ngayon naman eh nakangiti na siya.Ano bang meron sa araw na ito? hindi ko tuloy maiwasang hindi mag-isip.May nakalimutan nga ba ako?
Dito na pala tayo sa inyo eh.Matulog ka ng maaga ah,wag kang magpuyat ang sabi niya sabay halik sa pisngi ko.
"Sige ingat ka nalang ah,salamat ulit dito." Ngumiti lang siya sabay lakad papalayo.
Papasok na sana ako ng gate namin ng maalala ko.
Oo nga pala Araw na nga pala ng mga Puso ngayon.
Salamat MAHAL sigaw ko sa kanya mula sa di-kalayuan sabay kaway sa kanya.


---------------------------
(Naalala ko tuloy iyong unang beses na nakatanggap ako ng mga bulaklak galing kay ex. Sana makatanggap ako ng bulaklak ngayong darating na Valentine's Day...hehehe)

1/22/10

PUSONG LIGAW

Sang by: Jericho Rosales

Di kita malimutan sa mga gabing nagdaan
ikaw ang pangarap, nais kong makamtan
sa buhay ko ay ikaw ang kahulugan
pag-ibig ko'y walang kamatayan
ako'y umaasang muli kang mahagkan

Ikaw pa rin ang hanap nang Pusong Ligaw
ikaw ang patutunguhan at pupuntahan
pag-ibig mo ang hanap nang Pusong Ligaw
mula noon, bukas at kailanman

Ikaw at akoy pinagsamang muli
ikaw ang nais sa gabing sumasalamin
patuloy kong at panalangin
kung wala ka'y kulang mga bituin
umaasa akong babalik ang ligaya sa'king gabi
hanggang sa muling pagkikita
sasabihing MAHAL KITA

Ikaw pa rin ang hanap nang Pusong Ligaw
ikaw ang patutunguhan at pupuntahan
pag-ibig mo ang hanap nang Pusong Ligaw
mula noon, bukas at kailanman
mula noon, bukas at kailanman
mula noon, bukas at kailanman


naliligaw kasi ung puso ko baka napadaan diyan pakituro naman ung way niya para makabalik na sakin...hehehe

SIGH....


January 22, 2010
8:10pm

I checked my friendster account...
then i also open your profile...

Hindi ko alam kung anong ideyang pumasok sa isip ko at tiningnan ko pa ang profile mo.
Ewan ko nga ba..
Siguro dahil na rin sa curious akong makita kung wala na ba dun iyong wallpaper na pinagawa mo pa para lang sa akin.

Pakiramdam ko nga sasabog ang dibdib ko sa sobrang kabang nararamdaman ko habang inaantay ko maopen ang profile.
Ewan ko nga ba bakit pati ata internet connection namin eh nakisama para lang slow motion pa.
Pagkatapos magloading... Finally nakita ko na din ung profile mo.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko pagkakita dun sa wallpaper mo.
Matutuwa ba ako?
o malulungkot?
Bakit? Eh kasi baka kaya hindi mo pa un napapalitan kasi hindi mo na nachecheck ung friendster mo tsaka alam ko namang wala kang hilig sa ganyan. Kaya ka lang naman gumawa kasi sabi mo dahil sa akin.
Kahit pano natuwa pa din ako, it really felt good.
Akala ko kasi ibang picture na ang makikita ko dun eh. Masyado atang masakit un kung ganun. Para lang akong gumawa ng isang bagay na sa bandang huli pagsisisihan ko talaga.
Hindi ko nga alam kung bat hanggang ngayon naiisip pa kita eh samantalang hindi naman na dapat.

Sana ok ka...
Sana masaya ka na dahil wala na ako sa buhay mo...
Sana...

Pero sana kahit pano tumatak naman ung pangalan ko sa puso mo.
Sana nagawa ko... =(

SANA

Sana kaya kong kunin ang mga bituin at ialay sayo...
Sana kaya kong ibigay ang lahat ng nais mo...
Sana kaya kong mapasaya ka katulad niya...
Sana kaya kong makita kung anong laman ng puso mo...
Sana kaya kong mabasa ang nasa isipan mo...at
Sana sa isang kumpas lang ng kamay ko mawala kana sa mundo ko...

LOVE STORY

Nangarap ako ng isang love story...
where it belongs you and me...
but unfortunately...
where not meant to be...

1/20/10

BAD BA KO?

January 20, 2010
8:55pm

Tumawag si George. Dati ko siyang clasmate and he's a nice guy. Siya ung tipo nang tao na pakiramdam ko mahirap biruin...hehehe.. Bakit?kasi parang ang serious niya masyado. Kapag tumatawa ako lagi siyang may tanung na kasunod. Eh anong magagawa ko eh sa masayahin akong tao. May pagkabaliw nga daw ako.

Back to the topic, hmmm wala naman siyang masyadong sinabi. Nangamusta, pinansin ang friendster ko. Pero isang bagay ung nagpagulantang sakin sa sinabi niya. "BAWAL DAW BANG MAINLOVE SAKIN?"
Panay tawa lang ako sa kanya. Pinipilit kong ibahin ung topic tapos biglang naputol sa kabilang line. Akala ko pinatay niya kasi ang labo kong kausap. Pero mali ako kasi tumawag ulit siya para lang ulitin ung tinatanung niya...

ANG BAD KO TALAGA kasi naman nagsinugaling pa ako sa kanya. Para kasing mas ok na un kesa naman masaktan siya. Pero parehas din naman kasi for sure nasaktan ko ung tao. Wahhhhh!!! naman oh...

SORRY TALAGA... =(

D ko kayang sagutin ung sagot mo... IM SORRY...
SORRY kasi kilangan ko pang mag-lie... at sabihin saung meron kahit wala naman...
Pero may part naman dun ang totoo eh...
ung....


SI ADIK PA DIN KASI LAMAN NG PUSO KO...

1/19/10

I MISS YOU!!!

I dont know why do i have to feel this way...
I miss him a lot...
Ung pangungulit niya...
ung makesong banat niya...
ung adik ko dati...
the same person na nagpatibok ulit ng puso ko...
ung taong nangako sakin...
ung taong laging nagsasabi noon kung gaano niya ako kamahal...

I miss him...
I miss him so much na kunting kunti na lang tutulo na ung luhang kanina ko pa pinipigilan...
kunting kunti nalang papatak na siya...

sigh....


Alam ko naman wala na siyang pakialam sakin.... but then I really miss him... =(

1/15/10

Anghel


Ang himbing ng pagkakatulog niya mula sa kanyang kinahihigaan. Mas lalo siyang nagmukang anghel sa suot niyang puting bestida. Gustong gusto ko talaga siyang pinagmamasdan lalo na kapag natutulog siya. Napakaamo ng kanyang mukha at kahit sa pagtulog ay laging may ngiti sa kanyang mga labi.

Noong una ko siyang makita akala ko nasa langit na ako, paano ba naman kasi may isang anghel ata na nalaglag mula sa langit. Angel ang kanyang pangalan, na talaga namang bumagay sa kanya. Lagi siyang may ngiti sa kanyang labi, kaya nga halos lahat ng tao napapalitan ang lungkot na nadarama nila sa tuwing makikita siya. Lagi ding may ningning sa kanyang mga mata na parang bituin sa kalangitan. Gustong gusto ko kung paano niya ako tingnan. Pinaparamdam kasi niya sa akin na ako ang pinakamahalagang tao para sa kanya, higit pa sa pinakamahal na dyamante sa buong mundo. Napakasarap sa pakiramdam na mahalin ng isang tulad niya. Para sa akin siya ang nag-iisang anghel sa buhay ko. Isang anghel na kahit kilan hindi ko gugustuhing mawala sa paningin at piling ko. Mahal na mahal ko siya.

Marahan kong ipinikit ang aking mga mata. Pero kahit nakapikit ang mga mata ko siya parin ang nakikita ko. Ang napakaamo niyang mukha..
Ang ningning sa kanyang mata...
Ang mga ngiti niya sa kanyang mga labi...
Ang pagtawag niya sa akin ng "Mahal"...
Ang paraan kung pano niya ako tingnan...
Ang lahat lahat ng tungkol sa kanya ay hinding hindi ko malilimutan.

Unti-unting bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
Dahil ngayon ang aking anghel ay papunta na sa isang lugar kung saan siya nararapat.
Sa isang lugar na hinding hindi ko siya maaaring sundan...
Sa isang lugar na makikita niya ang mga katulad nyang anghel.

Gustong gusto ko talaga siyang tingnan sa tuwing natutulog siya. Pero hindi sa pagkakataong ito na kahit kilan hindi na siya magigising at hindi na niya ako magagawang tingnan ng buong pagmamahal. Hindi niya na rin masasabi sa akin iyong salitang gustong gusto kong naririnig mula sa kanya.

Sobrang kasiyahan ang naramdaman ko noong sinagot niya ako at sinabing "MAHAL din KITA..."
Pero ilang bilyong sakit naman ang dulot ng pagkawala ng isang anghel sa buhay ko.
Napakasakit na makita siyang unti unting nawawalan ng buhay sa mga bisig ko.
Napakasakit na unti unting ding nawawala ung mga ngiti sa labi niya, na kahit kilan hinding hindi ko na magagawang masilayan ung mga ngiting nagpapasaya sa bawat araw ng buhay ko.
Na kahit pagbali-baliktarin ko man ang mundo at ibahin ko ang mga pangalan ng mga planeta sa solar system. Mananatili pa rin ang isang katotohanang wala na sa akin ang Anghel ko. Pero magkaganun man mananatili siya sa puso ko habang buhay.

Paalam ANGEL ko...
Paalam MAHAL kong ANGHEL...

-end-

1/13/10

Larawan

Photography Prints

Inaayos ko ang mga gamit ko ng makita ko ang isang pamilyar na larawan.Ito iyong kuha namin ng ex boyfriend ko sa wildlife. Kasama din nito ang ilang mga mahahalagang bagay na matagal ko ng pinakatatago sa aparador.Iyon ang mga binigay sa akin ng unang lalakeng minahal ko. Nakita ko din ung mga love letter na ginawa niya noon para sa akin. Iyong ticket sa bus nung unang beses kaming namasyal. Iyong mga tuyong dahon ng rosas na ibinigay niya sa akin nung Valentines Day. At pti na rin iyong notebook na puro sulat niya ang nakalagay na nagpapaiyak talaga sakin noon. Pero dahil nga sa hindi pagkakaunawaan, nagkahiwalay kami. Kung dati rati'y umiiyak ako sa tuwing makikita ko ang mga mumunting ala alang ito. Ngayon nama'y natatawa nalang ako sa tuwing makikita ko ang mga ito.
Madaming nangyari pero nagawa kong maging matatag sa lahat ng mga pagsubok na dumating sa buhay ko. Kaya masaya ako ngayon sa buhay na pinili ko kasama ng lalakeng pinakamamahal ko.Nang lalakeng pinangakuan ko ng buong buhay ko.

"Hon ano bang tinitingnan mo diyan?" tawag sa akin ng asawa ko mula sa may pintuan ng kwarto namin.

"Wala naman, nakita ko lang kasi ung mga picture natin noong magboyfriend palang tayo.Pati na rin ung mga binigay mo dati sa akin.

-end-

1/11/10

Nakakalungkot...

Kanina nag-apply kami ng kaibigan ko. Medyo kabado nga ako dahil pakiramdam ko hindi ako matatanggap dahil sa wala pa naman akong experience sa work na inaaplyan namin. Samantalang ung friend ko meron na at ang tagal niya na sa ganung work. Pagkatawag nung name ko para sa interview naging ok naman, natapos nga agad...nakakapagtaka kasi karamihan ng nag-aaply eh binabalik ung isang copy ng resume nila, samantalang sakin eh wala namang binigay...

"Tatawagan nalang daw"... haiz... ung ang sobrang sad na part para sakin... Pkiramdam ko gumuho na naman ang mundo ko... O.a lang siguro ko kaso nakakadepress talaga... Natanggap ung friend ko but unfortunately hindi ako kabilang dun... ouch... sobrang ouch...

"ok lang yan"sabi ng friend ko...
I just smiled just to pretend that I'm ok but honestly I'm not ok...
Nakakapanlumo kasi...

Nasasad talaga ako...

Kunting kunti na nga lang papatak na ung luhang kanina ko pa pinipigilan...
kunting kunti nalang babagsak na siya...

Smile lang...^_^ dapat ganyan... dba?
Marami pang work...
Makakahanap kapa...pampalubag loob para sa sarili ko... T_T

Nalulungkot talaga ko...

"Lord sana naman po bigyan niyo na ako ng work na masasabi ko naman sa iba at sa sarili ko na natanggap ako diyan sa sarili kong sikap...sa sarili kong paraan na kaya ko pala...ok lang sakin kahit wala akong love life...plz lang po bigyan niyo ko ng maayos na work...Thank you" Amen...

1/6/10

The Wedding

-before d wedding-
hmmmm kanina hindi ko makalimutan ung wafu na nakatingin sakin...hehehe
hindi ko alam kung nagagandahan siya sa outfit ko oh,nawewerduhan kasi ung cute na girl(ahemmmmm...)may hawak hawak na plastic ng pandesal O_O hahaha...pinahawak lang naman kasi sakin un eh...hehehe... back to that cute guy he looks familiar siya ata ung crush ko noon..hehehe...

sa jeep naman ung isang guy dun,grabe talaga ang tingin...nakakawindang eh...sobrang ilang na ilang na ako...feeling ko tuloy ang haba haba ng hair ko kanina..hehehe...

-eto na ung wedding part-

Kanina i attended a civil wedding...un ung 1st time ko na makapunta sa isang civil wedding mostly kasi puro church wedding...aun ang friendship kong bride na si tin2 eh bongggang bongga sa suot niang white dress...para siyang isang fairy kulang na nga lang eh wand tapos pakpak...hehehe...

Balik tayo sa munisipyo...sa bandang session hall kasi ginanap ung wedding...3 pair nga sila eh...

nauna kasi kami ni tita (ung mother ng bride) including na rin ung mother ng groom at ung pamangkin...so aun antay2 muna kami... nakakatawa nga kasi akala nung isang staff sa city hall eh si tita ung ikakasal...

so aun nga dumating na ung isang pair ng ikakasal... kung titingnan mo eh parang kinakaladkad na nung groon ung bride niya pano ba naman eh hila hila eh...mali pala inaalalayan pala ang tawag dun..hehehehe... kaya naman pala ganun eh dahil sa masama ang pakiramdam nung gurl, nahihilo ang lola mo...

taz aun punta na nga kaming session hall...sakto nga kasi dumating na din ung friend ko with his soon to be husband...

aun dumating na din ung isa pang pair taz nagstart na si atty. d ko kasi matandaan ung name...hehehe... ah basta un na un...

taz nagsermon na siya about nga sa "marriage" or "kasal".

marriage is not about love but a lifetime commitment to someone.

hindi daw purket nagloko si mister or si misis eh hiwalayan na ang solusyon kasi wala daw karapatan ang tao na paghiwalayin ang dalawang taong pinagsama ng diyos...

in short kahit na ano pang magawang kasalanan sayo ng asawa mo eh dapat daw unawain dahil wala namang perfect marriage sa mundong ito.

At kung tunay na lalake ka(for guys) dapat daw eh isang babae lamang ang kanyang mahalin at walang iba kundi ang kanyang asawa. Dapat din daw na ipaglaban ng mga babae ang kanilang pamilya at hindi basta basta tumahimik nalang at magsawalang kibo sa isang tibo.

All in all... marami din akong natutunan kanina... at naging masaya ang kasal...with matching bloopers pa..hehehe...

BEst wishes to MR.& MRS. VILLANUEVA

Payas

Noong isang araw nadaanan namin ni mama ung kumare ng mama ko, naglalagay sila nung payas(ung pangdecor na itatali sa taas) para sa fiesta...gamit nila ung straw ng softdrinks...tapos sabi pa nung kumare ni mama eh magbigay daw si mama para sa straw...

Point of view ni ako

Naisip ko lang imbes na pag-aksayahan nila ng oras ung pagdedecor eh bat d nalang kaya ibang bagay ang gawin nila dba?kasi naman just for 1 day mag-eefort pa ng ganun...tapos after nun,ung mga ginawa nila eh papunta din sa basurahan...ndi na sila nakatulong ke mother earth eh nakaperwiso pa kay mother earth...tama naman dba? well, wala namang masama sa pagdedecor and i'm not against that...ang point ko lang is sana maging praktikal din ung mga tao tsaka sa panahon ngayon every cents counts....hehehe... buti namang mag-enjoy sa fiesta kahit wala ng mga payas na yan eh.... kasi sayang naman ung nagagastos tapos basura lang din naman...

wala lang.... share ko lang... =)